EXERPTS FROM BOY ABUNDA'S INTERVIEW WITH BIGGEL:
Boy: biggel i got it from sources na ayaw ng ama mo na gamitin ang pangalang Biggel. dahil sinungaling ka raw.
Biggel: Una na sa lahat di man ako sinungaling, pinalaki ako ng maayos ng lolo't lola ko, kung ako man po'y nagsisinungaling ngayon siguradong di po nila ako matatanggap. malaking kahihiyan ko po sa kanila kung nagasinungaling ako.
Boy: Pero naiintindihan mo ba kung bakit sinabi ng tatay mo na sinungaling ka?
Biggel: Naiintindihan ko po kasi galit sya sa akin, at di nya po ako tanggap.
Boy: Bakit galit sya sayo? samantala nung bata ka, parang nagumpisa namang tanggapin ka nya.
Biggel: kasi daw po mali yung pag papalaki sakin ng lolo't lola ko. parang kaya ako pumunta sa kanya dahil sa pera.
Boy: sinabi nya yan sayo?
Biggel: sinabi rin nya sa lolo ko
Boy: Pero biggel may pagkakataon noon na may nakita kaming mga letrato nung bata ka na kasama mo ang iyong ama, hindi ba yon kontra, labag, doon sa sinasabi mo sa amin na first time mong makakita ng shower dito sa bahay, first time mong makakita ng chocolates, samantalang ayon sa aming sources you stayed from the house of your father for about 2 weeks.
Biggel: Nakakain na po ako ng chocolate na po, yun po nakakita ako ng shower bago ako pumunta dito tsaka din dun sa kanila pero di lang ako marunong gumamit.
Boy: pero syempre nakakita ka ng shower?
Biggel: verbatim "oo"
Boy: Pero bakit sinabi mo in a certain point dito sa loob ng bahay na hindi ka pa nakakita.
Biggel: Iba pong klase
Boy: Ahh ibang klase lamang.... Hindi mo ginawa ito dahil gusto kang kaawaan ng tao?
Biggel: hindi naman po, away kong kaawaan ako.
Boy: Ayaw mong kaawaan ka
Biggel: kasi po parang nababa po yung sarili ko.
Boy: Kung hindi awa ang gusto mo, ano ang gusto mo?
Biggel: Respeto. yan laang
Boy: Itong ano, itong image mo na kawawa, Bobo, ahh totoo ba ito o ginagawagawa mo lang ito para magustuhan ka ng tao.
Biggel: Hindi naman po, aminado ako sa sarili ko.
Boy: but your aware that this is a contest? aware ka na isa itong paligsahan, aware ka na may mananalo at matatalo dito sa paligsahan na ito.
Biggel verbatim "oo"
Boy: So strategy mo ba ito?
Biggel: hindi naman po.
Boy: Totoo ba ito?
Biggel: totoo po ako.
Boy: kasi hindi ka naman bobo ha nag- uusap tayo matalino ka namang sumagot.
Biggel: ahmm yun po yung sabi ng lulu ko kung anong laman ng damdamin ko sabihin ko. Iba po ung pagka bobo kagaya sa English bobo ako dun.
Boy: Hindi naman lahat ng marunong mag english ay matalino.
Biggel: yun po sa mathematics, aminado naman, hindi naman bobo po mahina lang ang ulo.
Boy: Ano ang kaya mong gawin para manalo dito sa PBB
Biggel: Ah siguro yung tipong hindi ako masuko yun po.
Boy: Sabi ni Slater masyado kang immature, sabi ni Divine para kang Bata, walang pinag bago ganun ka parin. bakit dapat hindi si Divine ang manalo?
Biggel: hindi ko po alam. kasi po napilian na kame ay, si Pamu pareng slater,
Boy: anong pinili mo? si Pamu ang winner?
Biggel: verbatim "oo"
Boy: Tanggap mo na si Pamu ang mananalo at hindi ikaw?
Biggel: Syempre po naisip ko rin na ano ay kung sa ganun hindi...
Boy: akala ko ba palaban ka? akala ko ba matatag ka at di ka susuko
Biggel: kaso naman po kung maghangad ka na di naman yun parang ang pangit pong....
Boy: Eh bakit ka di maghahangad? eh kaya ka nga kasali dito sa contest para maghangad at manalo
Biggel: Eh di naman po ako ang magdesisyon kung sino manalo ay Dyos po at taong bayan.
Boy: Huling katanungan, kung meron kang isa sa kanila na mamake upan na parang patay, sinong pipiliin mo?
Biggel: Pareng Paco
Boy: Paco dahil?
Biggel: dahil ano, cute sya pag minake upan ko na patay
Boy: Maraming salamat Biggel
Biggel: thank you po