Total Solar Eclipse, March 19, 1988. Philippine Meteorological Society |
May total solar eclipse na magaganap sa America sa August 21, 2017, from west coast to east coast, ang totality ay makikita sa maraming major cities at iba pang bahagi at madaling makita ng milyon-milyong mga tao. Ang huling total solar eclipse ay naganap noong March 2016, at dumaan sa Indonesia at malaking bahagi ng Pacific Ocean kaya hindi ganoon karami ang nakakita. Sa US naman, ang huling total solar eclipse ay naganap noong February 1979, ng madaan ito sa Pacific Northwest.
Ang Great American Eclipse ngayong August 21, 2017 |
Nag-issue pa ng postage stamp ang Pilipinas para sa '88 eklipse. |
Mga anong taon pa nagkaroon ng total solar eclipse sa Pilipinas? 1929 at 1955. At noong 1955, (panahon ni Magsaysay), kularat na raw ang mga taga Marinduque dahil isa ito sa nadaanan ng eklipse, sa path of totality.
Isang matandang babaeng nakausap ko, si Manang Idad, ang nakapagsabing talagang nagkulong daw siya sa loob ng bahay dahil buntis daw siya noon at sa paniniwala ng lahat na kapag nadaanan siya ng eklipse ay hindi tao ang isisilang niya kundi baka raw ahas. Iyon daw ang sabi ng mga nakakaalam kaya sumunod lamang siya dahil sa takot. Pati mga bata. Nagkulong sa kwarto at nagkulumbot maigi, lumabas lamang nang sinabihan sila na wala na raw ang eklipse.
Solar Corona of 1955. |
Hindi lamang naman sa Marinduque o iba pang bahagi ng Pilipinas kinatatakutan ang eklipse. Marami pa ring kultura sa mundo na pinapaniwalaang bad omen ang eklipse ng Araw. Sa maraming kultura, may mga paniniwala silang may mga mythical figures na lumalamon sa Araw.
Sa Vietnam, naroon pa rin ang paniniwala na isang higanteng palaka ang lumalamon sa Araw. Sa Norse cultures mga wolves naman ang kumakain sa Araw. Sa ancient China, isang dragon sa kalangitan naman ang lumalamon sa Araw. Ang tawag nga ng Chinese sa eklipse ay chih o shih, na ibig sabihin ay kainin.
Sa ancient Greece pala ay may paniniwala naman na ang eklipse ay isang palatandaan na galit ang mga diyos at ito ang simula ng mga kalamidad at mga sigalot.
Paniniwala sa Kasalukuyan
Ang takot sa solar eclipse ay laganap pa rin ngayon. Naroon pa rin ang paniniwala na ito ay masamang senyales na ang dala ay kamatayan, sigalot at kalamidad. Mayroon pa ring naniniwala na ito ay masama para sa mga nagdadalang-tao at sa mga hindi pa napapanganak na nasa sinapupunan. Sa marming kultura, ang mga bata at mga buntis ay pinapakiusapan na pumasok sa loob ng bahay habang may solar eclipse.
Sa Italy naman, may kagandahan ang paniniwala nila, na ang mga halamang bulaklakin kapag tinanim kung may solar eclipse ay magiging mas matingkad ang kulay.
Ang solar eclipse pala ay nagaganap mga 2 linggo bago o pagkatapos ng isang lunar eclipse.
Solar Eclipse of June 20, 1955. By Fred Espenak, NASA's GSFC |
Ang dinaanan ng total solar eclipse noong June 20, 1955, kasama ang Marinduque sa totality. |
Mga ano namang mga kagimbal-gimbal ang naganap noong 1955 halimbawa?
1955 nagsimula ang Vietnam War (natapos lamang ito pagkaraan ng 20 taon, noong 1975). 1955 din naitala ang isang 7.5 Magnitude earthquake na ang epicenter ay sa Lanao at naramdaman sa buong Mindanao. 400 tao ang namatay, maraming gusali at bahay ang nasira kasama na ang isang mosque sa Tugaya malapit sa Lake Lanao. Nawasak ang mga pier sa Zamboanga City at Pagadian City at nagkaroon ng malalaking pag-alon sa Lake Lanao na noon lamang nakita.
1955 unang nabuksan ang porphyry copper mining sa Pilipinas at sinimulan din kaagad ng Placer Development Ltd. ang exploration project sa isla ng Marinduque ng taong iyon. Ang pagmimina ng copper sa isla ay nagtapos lamang dahil sa malawakang pagkasira sa karagatan, kalikasan at mga trahedya sa loob ng maraming taon. Ang pinakahuli ay ang Marcopper mine disaster noong 1996 (pagkaraan ng 40 taon).
1988 naman sa Pilipinas
Ang pinakamatindi namang naganap noong total solar eclipse year sa Pilipinas noong 1988? Sa hapon ng October 24, 1988, habang naglalayag mula Manila to Tacloban City, sinalubong ang MV Don Marilyn ng Bagyong 'Unsang' at lumubog. Namatay ang 391 katao. Ito ay sister ship ng MV Doña Paz na lumubog din isang taon pa lamang ang dumaan sa pagitan ng Marinduque at Or. Mindoro at namatay ang 4,341 na pasahero.
Eh sa 2017, ano?
Ano naman kaya ang magaganap pa sa Great American Eclipse sa Amerika ngayong taon 2017, kung kailan nagsimula na ang mga sigalot? Civil war? Economic collapse? Assassinations? Upheavals? All of the above?
Magaiyakan nga sila!