Friday, January 12, 2018

"Gintong Binhi": Sining at Kultura sa MIMAROPA



(Salin sa Filipino ng isa sa pinakabinabasang artikulo sa Marinduque Rising blog)

 Ang MIMAROPA (acronym para sa Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), ay nilikha noong 2002 ng Executive Order No. 103 na humati sa Region IV (Southern Tagalog), sa kinilalang Rehiyon IV-A (Calabarzon), at IV-B (Mimaropa). Kaya’t ito ang isa sa pinakabatang rehiyon sa Pilipinas.

Sa likod nito, alam natin na ang pinakamatandang kalansay ng tao sa Pilipinas ay natagpuan sa Palawan (ang Tabon Man), na sakop ng MIMAROPA. Mayroon ding naganap na mga katulad na paghahanap sa mga kuweba sa Marinduque noong dekada ng 1960. Kaya’t MIMAROPA pa rin ang masasabing pinakamatandang rehiyon sa usaping arkeolohiya ng Pilipinas.

Ito ang rehiyong kung saan ang Tagalog din ay malawakang ginagamit, bahagi ang Mimaropa ng Luzon ngunit nakahiwalay ang mga islang-lalawigan na bumubuo dito.

Bago dumating ang 2002 ang rehiyon ay tinatawag na Southern Tagalog Region na binubuo ng 11 lalawigan at 7 lungsod. Ang mga lalawigang nasa katimugang Luzon ay kinilala naman bilang CALABARZON tulad ng nasabi
Ang inisyatiba na lumikha ng isang hiwalay na rehiyon para sa limang islang-lalawigan ng Luzon ay sadyang nagmula sa mga nasabing isla. Nadama noon na ang pagiging malapit ng Calabarzon sa Maynila, ang sentro ng kapangyarihan, ay naglalagay sa mga taga-isla sa isang malaking kahinaan lalo na sa usaping pananalapi.

Pinaniniwalaan noon na ang Calabarzon ang higit na nakakakuha ng malaking bahagi ng pondo para sa mga proyektong may kinalaman sa pang-ekonomiyang pag-unlad, at maliit na bahagi naman ang dumarating sa mga islang-lalawigan. Kaya ang Mimaropa ay naging isang hiwalay na grupo ng mga isla. Gayunpaman, sa pakikipagtulungan sa pagpapaunlad ng turismo sa rehiyon, nanatiling maganda ang tulungan sa pagitan ng Calabarzon at Mimaropa.

Sining at Kultura sa MIMAROPA.
Ang pagiging sinauna ng Mimaropa at pagiging tahanan ng mga katutubo ay mamamalas sa mga Mangyan na naninirahan sa isla ng Mindoro (pitong iba't ibang wika ang umiiral dito: Irava, Alangan, Tambuid, Hanunuo, Tadyawan, Buhid at Ratagnon).

Sa Palawan naman ay maraming mga katutubo: Cuyonon & Agutayon, itinuturing na pangunahing etnikong grupo ng lalawigan; Ang mga grupo ng Muslim tulad ng Molbog, Jama Mapun at Tausug ay naninirahan sa katimugang baybayin ng Palawan; Tagbanuas ang pinakamalaking indigenous group na nakatira sa gitnang bahagi; May mas maliit pang mga kultural na mga komunidad tulad ng Pala'wan, Taut bato, Batak, Ken-uy at Kalamian.

Sa Romblon, dahil malapit sa Visayas ay may tatlong pangunahing wika, Romblomanon, Asi at Onhan na itinuturing na kabilang sa pamilya ng wikang Bisaya.

Marinduque ay walang ibang katutubong mga grupo maliban sa mga Tagalog, ngunit maraming mga inapo ng Asi tribe ang naninirahan sa timog bahagi ng isla at sila ay kilala pa rin na kumakapit sa kanilang mga pinag-ugatan sa Banton. Ang Tagalog na sinasalita sa Marinduque ay maingat na pinag-aralan at napagpasyahan ayon sa pag-aaral, na wikang pinag-ugatan ng mga modernong pambansang anyo ng pagsasalita – ang dating Tagalog na yumabong na bilang salitang Filipino. Taong 1914 pa pinag-aralan ito ni Cecilio Lopez, tinaguriang Father of Philippine Linguistics. Pag-aaral na muling inilimbag ng Institute of Philippine Linguistics noong 1973, at wala pang sinumang humamon sa pag-aaral hanggang sa kasalukuyang panahon.

Culture & Arts Council
Sa bagay na may kinalaman sa mga konseho ng sining sa ibat-ibang lugar sa Mimaropa, ang NCCA at DILG ay walang mga nakalimbag na listahan mula sa rehiyong ito. Nagkaroon ng mga pagtatangka na magtatag ng mga konseho ng sining sa ilang mga lugar sa ibat-ibang panahon, ngunit sa sandaling may pagbabago sa lokal na gobyerno at pamumuno sa lalawigan o sa mga munisipyo, ang mga plano at programa ng mga konseho ng sining ay naaapektuhan. Base sa karanasan, ang mga pagsisikap na ito ay maaaring tuluyang naglalaho.

Mga naging unang hakbangin sa pagpapaunlad ng sining at kultura sa rehiyon:


ORIENTAL MINDORO
Isang organisasyon sa Oriental Mindoro ay nagsasama ng mga salitang Kultura at Sining sa pangalan nito: ang Sangguniang Panlalawigan ng Lungsod ng Bongabon, Kultura at Sining. Kabilang sa mga naging proyekto nito ay ang a) pagtatanim ng mga pandekorasyon na halaman sa Strong Republic National Highway sa loob ng bayan; b) pagdaraois ng isang Lantern Festival sa Disyembre. c) pagpanukala ng floating restaurant sa Sucol River.

Hindi sinasabi rito na ang mga bagay na nauukol sa pagsulong ng kultura at sining ay napapabayaan sa ibang mga lugar ng lalawigan. Ang Oriental Mindoro ay may 14 na munisipalidad at 1 lungsod, at ang lahat ng mga lugar na ito, sa mga nakaraang taon, ay nagawang magbuo ng kanilang sariling mga kapistahan upang ipakita ang kanilang kultura at sining. Ang mga naturang festival ay naghihikayat na maging malikhain ang mga mamamayan sa mga programang pang-sining at kultura.  Nagresulta ito sa ibat-ibang festival tulad ng "Mahalta", "Bansudani", "Sulyog", "Bahaghari", "Biniray", at "Sanduguan".

Nagaganap ang mga ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa LGU's kung saan ang munisipal na konseho ng turismo ang nangunguna. Ang mga konseho ng turismo, sa kabilang banda, ay binubuo ng mga kinatawan ng ibat-ibang sektor na maaaring kabilang ang impormal na grupong pangkultura.


Sa Lungsod ng Calapan isang "City Museum" ang inilagay sa kanilang city hall upang ipakita ang makulay na kasaysayan ng Lungsod. Isang Espesyal na Programa naman para sa Sining (SPA), ang naging proyekto ng DepEd sa pakikipagtulungan ng JJ Leido National High School.
May mga outreach programs/workshops din na idinaraos sa ibat-ibang panahon . Ang mga munisipalidad tulad ng Pinamalayan naman ay nagsasagawa ng mga programang sinimulan ng lokal na Ani ng Sining.

OCCIDENTAL MINDORO
Ganito rin ang nagaganap sa Occidental Mindoro. Ang mga konseho ng Turismo ay umiiral sa 9 sa 15 munisipalidad ng Occidental Mindoro. Dito idinaos halimbawa ang isang mahalagang pagho-host ng Kapulungang Konseho ng Turismo sa Southern Tagalog sa San Jose noong 2009, kung saan ipinamalas sa lahat ang kultura at sining ng lalawigan. Ang lugar ng pagtitipon ay naidaos pa sa 7107 Islands Cruise Ship.

dugoy fiest
Dugoy Festival, Occidental Mindoro

San San Jose at sa Sablayan ng mga susunod na taon ay naging inspirado ang mga komunidad para simulan ang higit na pagbibigay halaga sa kanilang minanang kultura sa pamamagitan ng mga exhibits, at pagdaos ng street dancing. Litaw ang pagbibigay diin sa mga gawaing bayanihan lalo na sa pagtatanim at pag-aani (Saknungan sa San Jose at Dugoy Festival naman sa Sablayan na pakikiisa ng ibat-ibang kultura sa mga Sablayenos ang tema), 

Unang MIMAROPA Arts & Culture Summit na ginanap sa Marinduque
MARINDUQUE
Sa Marinduque, mayroong isang pagtatangka noong 1998, na itatag ang "Sining Marinduque", sa tulong ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the Philippines), kung saan ang mga kinatawan ng ibat-ibang sector sa buong lalawigan ay inanyayahan.  Ngunit hindi tama ang tiyempo. Pagkalipas ng ilang buwan matapos ang national at local elections,  nagkaroon ng pagbabago sa panlalawigang pangangasiwa at namatay ang konseho.

Ngunit ang munisipalidad ng Gasan ay nagpasya na magpatuloy sa gawaing ito. Nagtatag dito ng isang Gasan Culture & Arts Foundation (GASCUAF), noong 2001, kasama ang Mayor ng Gasan bilang CEO. Ang iba't ibang mga kultural na proyekto ay isinagawa hanggang makilala ang Gasan sa bansag na ‘cultural nerve-center ng Marinduque’. Ang isa sa maraming mga naging proyekto ay ang pagpapakilala ng "Gasang-Gasang Easter Festival" na naging isang pinakahihintay na taunang pagdiriwang.

Resulta ng larawan para sa gasang gasang festival
Muling nagkaroon ng pagbabago sa munisipal na pamumuno pagkatapos ng 3 taong termino ng mga local na opisyal. Ang pagdiriwang na nabanggit ay hindi ginanap sa susunod na dalawang taon. Sa ikatlong taon, nang walang pakikipagtulungang ibinigay ang bagong alkalde, tinangka ng GASCUAF na idaos ang pagdiriwang sa tulong ng iba't ibang mga kalahok mula sa mga barangay.

Isang kakatwang pangyayari8 ang naganap. Ang mga tinaguriang ‘infraboys’ sa utos ng alkalde ay dali-daling nagtayo ng isang pansamantalang bakod sa bawat posibleng entry point sa paligid ng isang pampublikong parke, yari sa kawayan at madre de cacao. Minabuti na lamang ng mga organizers na makahanap ng isang alternatibong lugar sa isang pasilidad ng DepEd, subalit hindi pinahintulutan ang paggamit ng mga elementary school grounds. Kaya ang mga street-dancers at publiko, para matuloy lamang ang pinaghandaang festival ay nakuntento na lamang na idaos ang festival sa isang pribadong lote na dalawang kilometro ang layo mula sa sentro ng bayan - sa isang malawak na open space "sa paligid ng niyugan". Ang mga tao ay nagsidatingan tulad ng inaasahan para manood at ipakita ang kanilang pagsuporta. Nang napalitan ang namumuno, unang ginawa ng bagong Sangguniang Bayan ng Gasan ang pagpasa ng isang Ordinansa na nagpapatibay sa "Gasang-Gasang Easter Festival" bilang opisyal na pagdiriwang ng Gasan.

Resulta ng larawan para sa viva marinduque ncca
"VIVA MARINDUQUE!"

Samantala, ang pamahalaang panlalawigan ng Marinduque, sa ilalim ng isang bagong administrasyon, bilang suporta sa programang pang-turismo at pangkultura nito, ay lumagda sa isang MOA kasama ang NCCA para sa pagdaraos ng mga proyektong may kinalaman sa Philippine Arts Festival. Kabilang dito ang paglibot sa buong lalawigan ng mga lokal na grupo ng kultura para magtanghal sa anim na bayan ng Marinduque. Bahagi ang mga bayan sa pagtatanghal ng kanilang cultural showcase sa naging matagumpay na proyektong tinawag na "Viva Marinduque" "(Ani ng Sining).

Ang Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque naman ay nagdaos ng kauna-unahang "Araw ng Marinduque", bilang venue para sa mga pangsining at kulturang gawain. Isang ordinansa para sa pag-aampon ng Pebrero 21 bilang "Araw ng Marinduque", ang naipasa na tumutugma naman sa pagdiriwang ng National Arts Month.

Sa pakikipagtulungan sa mga programang outreach ng CCP ay naimbitahan din ang "Sining Kambayoka" mula sa Marawi City, naidaos ang isang Cinemalaya Festival, at mga kaukulang workshop na may kaugnayan naman sa sayaw at paggawa ng pelikula.

OLYMPUS DIGITAL CAMERA
Biniray Festival ng Romblon, alay sa Sto. Nino.
ROMBLON
Ang Romblon ay kilala sa tradisyonal na paghabi at paggawa ng basket. Ang mga handicraft ay isang pangunahing industriya kung saan ang mga kababaihan ay nakikibahagi. Ang mga lokal na artisano ay kilala sa kanilang mahusay na gawaing kahoy. Halimbawa, ang Katedral ng San Jose ay nagtatampok ng gawaing kahoy na ginawa ng mga lokal na artisan dito.

Ang "Biniray Festival" sa Romblon ay isang siyam na araw na pangyayari tuwing Enero na bantog bilang isang napakasayang festival ng pagsasayaw at itinatag bilang collaborative na pagsisikap ng pamahalaan at ng lokal na simbahan bilang pagpugay sa Sto. Nino..

Ang isang espesyal na programa para sa Sining (SPA), ay sinimulan din ng DepEd sa Looc National High School kung saan ang mga mag-aaral ay sumasailalim sa pagsasanay sa pag-awit at pagsasayaw.

PALAWAN
Sa Palawan, mayroong "Sining sa Kalinangan ng Palawan". Ito ay isang sangay ng Palawan Craft Program ng pamahalaang panlalawigan. Ang programa ay nilikha noong 2002 ngunit noong Mayo 2006, ang espasyo para sa isang pasilidad ay itinatag sa provincial capitol building para magamit ng Sining.. Ang espasyo ay ginagamit na ngayon bilang isang multi-media cultural library at mumunting palabas para sa tradisyunal na mga bagay mula sa Palawan. Sa disenyo ng programa ay may dalawang mahahalagang elemento:

1). Upang magbigay ng edukasyon at outreach sa lahat ng mga naninirahan sa Palawan sa kahalagahan ng kultura sa pagpapaunlad ng Palawan, 2) Upang hikayatin ang pagtatatag ng kultura at sining na konseho sa lahat ng 23 munisipyo sa Palawan.

Sa ngayon, ang proyektong ito ay nagtagumpay sa pagkuha ng ilan sa mga visual arts ng mga Indigenous Peoples of Palawan na ipinapakita naman sa ilang mga lugar sa capitol building. Ang diorama ng 8-piraso na may kasamang teksto tungkol sa mga katutubo ng Palawan ay matatagpuan din sa kapitolyo.

Isa namang Kalinawa Art Foundation na naglalayong itaguyod ang pagpapaunlad ng visual arts sector ng mga indibidwal ang nakikipagtulungan din sa mga kaukulang proyekto sa Palawan bagama't ito ay nakabatay sa Makati City. Ang "Taunang Indigenous People's Visual Art Show" sa Puerto Princesa City ang isa sa mga naging proyekto.

Baragatan Festival, Palawan. Tungkol naman sa pagkakaisa ng Palawan
para sa pagkatatag ng kanilang pamahalaan noong 1905.
Sa sayaw, ang "Sining Palawan Dance Troupe" ang opisyal na dance troupe ng Palawan State University ay may record ng mga palabas sa iba't ibang mga rehiyon kasama na ang mga pagtatanghal sa San Francisco, California noong 2007.

Paminsan-minsan ang Pamahalaan ng Puerto Princesa City ay nakikipagtulungan sa CCP para sa mga proyekto ng Outreach sa mga palabas at mga pang-kulturang workshop.

SAMAKATUWID:
Sa iba't ibang antas samakatuwid, ang kultura at sining ay buhay sa Mimaropa. Ang kawalan ng mga konseho ng sining sa maraming lugar, na dulot ng ibat-ibang natatanging mga sitwasyon kada lugar, mula sa kakulangan ng mga pinagkukunan ng pondo hanggang sa interbensyon o panliligalig pampulitika sa ilang lugar, ay hindi pa rin kayang pahintuin ang mga aktibidad pangkultura at artistiko. Bagaman ito ay hindi isang pangkalahatang tuntunin, lumalabas na mas madaling maisaayos ang mga konseho sa mga mas urbanized na lugar - kung saan naroon ang pera. Gayunpaman, ang mga malalaking sponsors sa mga lugar na ito ay nakakaranas din ng tinatawag na donor fatigue. Sa mas maliliit na bayan, ang mga ito ay nananatiling hamon.

"GINTONG BINHI"
Ang 1st MIMAROPA Arts & Culture Summit sa Marinduque bilang bahagi ng NCCA Institutional Promotion in the Region
"Gintong Binhi", ang 1st Mimaropa Arts & Culture Forum, ay isang naging venue para sa pagsulong ng mga programa ng NCCA sa rehiyon. Ito ay mapabuti o i-refresh ang mga kasanayan sa mga konseho ng sining at mga organisasyon sa Program Development, Project Management, & Paggawa ng Panukala; magtatag ng mga mesa ng NCCA sa mga LGU, mga paaralan, at mga institusyong kultural; palakasin ang pakikipagtulungan ng LGU-NCCA sa pag-promote ng sining at pangkultura at ayusin ang adhoc ng Regional Arts & Culture Network sa rehiyon.

(Nota: Unang naipost ang artikulong ito sa Ingles noong 2010. Sa loob ng nakaraang pitong taon ay naging mas masigla at naging mayabong pa ang mga gawaing pangsining at pangkultura sa Mimaropa, tatalakayin sa susunod na pagkakataon).