Wednesday, March 17, 2010
Moriones: "Those who forget the past..."
The call made by the Most Rev. Bishop Reynaldo G. Evangelista on his wish, among others, to make Marinduque a Spiritual-Renewal Destination in the near future, and his concern and that of other Bishops to make Easter truly a day of rejoicing starting with the early morning Easter "Salubong" ("Ito po ng ating pinaghandaan...")also puts in perspective a long running conflict between the local church and the provincial government on the introduction of the Black Saturday evening "Sinakulo-Pugutan" introduced in the late 70's.
Numerous articles and essays have been written and published in local and international press, authored by foreign and local scholars that critically examined this festival, particularly, the replacement of the Pugutan street-pageant by the staged Sinakulo, inspired by the Obando, Bulacan original. Some titles:
"Requiem for a Tradition" by Edwin Go;
“The Bloodless Head of Longinus: Political Interventions and the Decapitation of the Moriones Tradition in Marinduque” by William Peterson, a scholarly study that underlines how a century-old tradition was drastically changed in one sweep by political intervention;
“Holy Week in the ‘Heart of the Philippines" by William Peterson on spirituality, theatre, community and the Moriones Festival;
“Change and continuity of Moryonan in the context of tourism : a case study of culture process in Marinduque, Philippines” by Patricia Nicholson that warned about the tradition already losing its authenticity becoming less of an attraction to foreign tourists; and
"Moryon: Panata sa Likod ng Maskara”, (2002), by Danilo Mandia which underlined how a political figure he described as "kumbistador ng kultura" used power to the extent that "nanaig ang kapangyarihan at nagawa ang gustong gawin ayon sa kanyang pansariling kagustuhan”.
Wrote Mandia in his M.A. thesis, thus: “Tulad ng tradisyon ng moryon, marami na ang nagrereklamo sa kalagayan nito ngunit natatapos lamang sa mga usapan. May indikasyon na may dala-dalang takot ang mga tao sa bayan ng Boac”.
The paper underlined the enmity created between the provincial government and the local Church as both competed for the Black Saturday audience with the church remaining critical.
What exatly did the local Church have to say? Exerpts:
“Taong 1977, wala sa isipan ninuman sa bayan ng Boac na ang pagdating ng Senakulo ang siyang magiging instrumento upang ang palabas ng makulay na habulan at pugutan ni Longhino sa araw ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, ay maglalaho na sa pahina ng kasaysayan ng mahigit sa dalawang siglong taon ng tradisyon.
"Inanyayahan ni Gng. Reyes ang isang grupo ng mga Senakulista mula sa bayan ng Obando, Bulacan sa pamumuno ni G. Edward de Guzman. Ginamit ni de Guzman ang sarili nilang iskrip sa Obando ng ipalabas ang Senakulo sa Boac...Subalit ng taong 1979, nagpasya na si Gng. Reyes na siya ang gagawa ng iskrip ng Senakulo para sa Boac... Ayon kay Reyes, hindi siya sangayon sa pamagat na Senakulo sa takbo ng istoryang isinulat niya. Nais niya itong tawaging The Bible Story. “Senakulo would be a folk art” (Reyes, 2001. Panayam)
"Ng mga sumunod na taon, naanyayahan ang mga taga-Maynila upang makatulong sa pagsasaayos ng Palabas ng Senakulo. Naging bahagi si indo Angeles, direktor ng teatro sa CCP, upang ayusin ang iskrip. Si Angeles ang gumawa ng paraan upang maisama sa istorya ang kuwento ni Hudas, ayon kay Reyes. Naroon din si Raymond Salvacion para sa pag-iilaw ng entablado, st si Jimmy Asencio, naglapat ng musika at nagmungkahi kay Gng. Reyes na i-rekord ang buong drama ng Senakulo tulad nang naririnig sa radyo. Lahat sila ay direktor, sabi ni Reyes, hanggang sa dumating si Ed Alcantara bilang director, kasama si Aura Mijares, mga aktor ng entablado sa Teatro Pilipino... Lip-sync ang Senakulo...Kung mayroon mang habulan sina Longhino at mga sundalong moryon, limitado lamang ito sa kung hanggang saan maaabot ng follow spot....
“Sa kabila ng mga inobasyon at improbisasyong ginagawa upang mas mapaganda ang Senakulo... hindi rin ito nakalampas sa mga puna at ilang pagbatikos...
“Isa pa rin sa nagkaroon ng matinding reaksyon sa pagpapalabas ng Senakulo ay ang simbahan. Naapektuhan ang mga seremonyas ng simbahan lalo na ang mga ginagawa sa gabi ng Sabado de Gloria, kung saan naman nagaganap ang huling yugto ng Senakulo sa may tabing-ilog. Sinabi mismo ni Reyes sa panayam na pinatawag siya ng simbahan:
“I was called by the parish council, why I was changing tradition? Well, I said, performers were the ones who requested me to show to the people their performance in the evening by means of follow-spots... follow spots ang curtain. Nagustuhan ng mga tao, Ang sabi nila, wala na raw gagawing sulirap sa umaga ng Easter Sunday dahil mainit” (Reyes. 2001 Dec 5).
“Ang reklamo ng simbahan, halos lahat ng tao ay nanonood ng Senakulo at nakakaligtaan na ang mga gawaing pang-relihiyon at mga gawing pang-simbahan. Sa isang panayam kay Monsignor Rolando Oliverio, Spiritual Adviser ng Kapatirang Morion, ito ang kanyang sinabi:
“...nayamot ang mga pari dahil nagkaroon ng kompetensiya. Lahat ng mga tao ay nasa tabing-ilog, samantalang dapat ay narito sila sa simbahan dahil narito ang pinaka-climax ng celebration...very critical ang mga pari. Galit! ‘Sana kayo’y makipagtulungan na madala ang mga tao sa simbahan, hindi yun parang tayo’y magka-kompetensiya; na itong religious na kaugalian ay ginagawang panoorin ng mga bisita’. Kasi maraming bisita, maraming turista. SO para anya gumanda, lalagyan natin ng...’yun ang laging sinasabi sa akin ni Mrs. Reyes na ang Senakulo ay parang... mayroon siyang sinabi na drama sa Germany...(Oberammergau) na ang activities nila ay ginagawa every ten years. Ay yoon namang Senakulo ay salvation history, from creation to the resurrection” (Oliverio. 2002 Feb. 25)
“Sa panayam naman kay Monsignor Senen Malapad, kasalukuyang parish priest ng Mogpog at naglingkod sa simbahan ng Boac taong 1986, ito ang kanyang naging kasagutan sa tanong na: Nagkaroon ba ng conflict ang palabas ng Senakulo sa mga gawaing pang-simbahan?
“Oo, kasi nagpupugutan na sila. Noong una, mas maaga pa, mga alas siete. Sa simbahan naman, naga-start kami ng rites sa Muling Pagkabuhay ng Dios, mga alas nueve. Kaya nangyayari, na lahat ng mga tao, naroon. And there was a time na, binalak na makipag-usap tayo, makipag-ayos tayo, pero ganoon pa rin ang nangyari, kasi ang habol nga, ay mga turista”. (Malapad. 2001 March 2)
“...Ngunit ang mga nakalipas na palabas ay tila tagumpay para sa sining ng entablado at kamatayan naman para sa isang tradisyong nagaganap sa lansangan sa ilalim ng mainit na sikat ng araw na bahagi ng tinatawag na panata. May diin ang mga pananalita ng dating gumaganap na Longhino sa Pugutan:
“Naging matamlay ako kasi magiging stage play. This is not the real Pugutan na talagang hindi kinagisnan ng mga Marinduqueno, lalo’t higit sa bayan ng Boac at bayan ng Mogpog. Talagang hindi na ito ang ating tradisyon. Kung ‘yan man ay talagang nasa libro at sinaliksik nila, bakit naman kailangang patayin ang ating tradisyon?” (Serafin Malinao, 2000 Dec. 27. Panayam).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment