Showing posts with label MACEC. Show all posts
Showing posts with label MACEC. Show all posts

Wednesday, May 25, 2022

Philippine court orders compensation for victims of 1993 mining disaster

 


How it looks today. Effect of the 1993 Maguila-guila siltation dam burst that flooded the Mogpog River remaining polluted and dead for 30 years. (MaCEC photo)


(Reuters) - A Philippine court has ordered a mining company to pay damages to 30 people for negligence in a 1993 dam burst that was one of the country’s worst mining disasters, a verdict cheered on Wednesday by environmentalists and the industry. 

The case was filed in 2001 by residents in the island province of Marinduque, who sought compensation after a typhoon caused Marcopper Mining Corp’s Maguila-guila dam to burst, submerging nearby communities and destroying property, crops and livelihoods.

The court in Marinduque ruled the plaintiffs must be paid 300,000 pesos ($5,734) each, plus a share of 1 million pesos for exemplary damages, according to the May 16 decision, which was made available to media this week.

The incident made mining a highly contentious issue in a country with vast underdeveloped mineral reserves. The Philippines is currently the biggest nickel ore supplier to top metals buyer China.

Marcopper, which folded after the incident, had denied liability and negligence in its maintenance and operations of the dam, according to the court decision. It was not immediately clear who would pay the compensation.


Today: Acid mine drainage here, there and everywhere. Familiar sight at Mogpog River (MaCEC photo)


Marcopper’s parent company, Placer Dome, was acquired by Canada-based Barrick Gold Corp in 2006, which absorbed its workforce and projects. Barrick did not immediately respond to a Reuters request for comment on the ruling.

Activists and industry groups said the incident underlines the importance of compliance by mining firms.

“The decision sends an encouraging signal to communities gravely affected by mining,” said the Alyansa Tigil Mina (Stop Mining Alliance) group.

Mines and Geosciences Bureau Director Wilfredo Moncano said the decision “serves as a reminder to all mining companies to strictly comply with environment laws and regulations.”

The industry lobby group, the Chamber of Mines of the Philippines, said the incident has been “a constant reminder to miners all over the world that the safety of all stakeholders in host mining communities is paramount”. - Reuters


Monday, May 23, 2022

In historic decision, court awards damages to Marcopper survivors

 

Note: This is about the earlier flooding of the Mogpog River that transpired in Mogpog, Marinduque in 1993, (not the tailings spillage on the Boac River in 1996):

On December 6, 1993, parts of the structure of the Maguila-guila tailings dam owned by Marcopper Mining Corporation broke, flooding the Mogpog River with toxic waste.It released an overwhelming amount of silted water that submerged and destroyed properties and sources of livelihood, and exposed the people of Marinduque to serious health risks.

 


In a landmark decision decades in the making, a local court in Marinduque has ruled in favor of at least thirty plaintiffs against the Marcopper Mining Corporation, for a mine spill that wreaked havoc on the community on December 3, 1993. It is one of the worst mining disasters to hit the country.

In a decision dated 16 May 2022, Judge Emmanuel Recalde of Branch 38 of the Marinduque Regional Trial Court granted 200,000 pesos in temperate damages and 100,000 pesos in moral damages to each of at least thirty plaintiffs in the case filed in 2001. Another one million pesos as exemplary damages was awarded to all the plaintiffs. The temperate damages had been paid per a memorandum agreement dated 16 July 1994.

“This is a victory for the plaintiffs who had waited two decades for justice as much as it is for the other plaintiffs who had unfortunately died in the course of this case. We celebrate this ruling and thank Judge Emmanuel Recalde for taking up cudgels for the survivors and the environment,” said Elizabeth Manggol of the Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC).

“Large-scale mining projects present inevitable damage. The Marcopper disaster is a warning we should heed with the ongoing and planned large-scale projects in the country. The existing Mining Act is problematic. The alternative minerals management bill (AMMB) is urgently needed to safeguard the environment from mining and prevent disasters like this,” said Atty. E.M. Taqueban, executive director of the Legal Rights and Natural Resources Center (LRC). LRC, a non-governmental organization that provides free legal services to communities entangled in resource rights issues, served as the legal counsel of the plaintiffs.

“This emblematic case should serve as a warning for communities who wish to embrace mining. Litigating mining-related cases like this celebrated case is a slow march to justice. Communities must think their decisions through for the impact of the environment can be irreversible. In the case of Marinduque, the river affected by the spill is all but dead. With this ruling, Judge Recalde has shown that environmental cases do have a fighting chance in our judicial system,” said Atty. Ryan Roset, direct legal services coordinator of LRC. 

On December 6, 1993, parts of the structure of the Maguila-guila tailings dam owned by Marcopper Mining Corporation broke, flooding the Mogpog River with toxic waste.It released an overwhelming amount of silted water that submerged and destroyed properties and sources of livelihood, and exposed the people of Marinduque to serious health risks.

This article first appeared in Legal Rights Center website on May 23, 2022.

Monday, March 23, 2020

Banta ng COVID-19 sa Marinduque, pansamantalang natabunan ang paggunita sa mga trahedya ng Marcopper

From MACEC Photo Archive

Isang makasaysayang paggunita sana ang inihahanda ng mga LGU sa Marinduque tungkol sa mga Marcopper Disasters na naganap dito mula nuong simulan ang operasyon ng minahan sa islang-lalawigan.

Subalit natabunan ang mga ito ng panibago at seryosong banta sa buhay ng mga Marinduqueno - ang banta ng COVID-19.

Nagkabigkis-bigkis muli ang mga Marinduqueno sa pagkakataong ito upang labanan ang bagong banta ng coronavirus ng naaayon sa mga direktiba ng pamahalaang nasyunal.

Kapag nalampasan natin ang kasalukuyang suliraning bumabagabag sa kaisipan ng lahat, mababalikan pa rin natin ang tungkol sa paggunita sa mga nagdaang trahedya dulot ng iresponsableng pagmimina, dahil hindi ito mawawala sa kamalayan ng mga Marinduqueno.

Baliktanaw sa mga trahedya ng Marcopper

Boac River during the mine spill disaster 24 years ago. From Gerry Jamilla's FB

Ang operasyon ng Marcopper Mining Corporation (MMC) at ang kasosyo nito sa Canada na si Placer Dome Inc. (PDI) sa lalawigan ng Marinduque ay nagsimula noong 1969. Tumagal ng halos 27 taon. Sa kasamaang-palad ito ang nagdala ng tatlong pangunahing sakuna dahil sa iresponsableng pagmimina. Ano ang mga ito?

Una: Ang pagtapon ng mga nakakalasong basura ng minahan sa Calancan Bay mula 1975 hanggang 1991. Labing-anim na taong pagtatapon ng lasong basurang mina sa Calancan.

Calancan Mine Tailings from 1975 to 1991. Photo: MiningWatch Canada

Ang mga mangingisda ay walang natanggap na pagtulong o kompensasyon man lamang sa nangyaring pagkawala ng kanilang kabuhayan at paglason sa Calancan.

Ayon naman sa Marcopper ay nagbayad sila ng Tatlumpung Libong Piso raw kada araw para daw sa rehabilitasyon ng Bay. Hanggang ngayon ay nagtatanong ang sambayanan: Saan napunta?

Ang maliwanag pa sa madaling araw: Umabot sa walong (8) kilometro ang tambak na basura at naging isla ng lason sa karagatan ng Calancan. Hanggang sa kasalukuyan at patuloy na apektado ang kabuhayan ng mga mangingisda at lason sa kalusugan. Sanhi ng mga may lasong metal sa dugo ng mga residente.

Ikalawa: Ang pagguho ng Maguila-guila Siltation Earth Dam ng Marcopper noong Disyembre 6, 1993.

Maguilaguila Siltation Dam, Mogpog. From Gerry Jamilla's FB

Ito ang nagpabaha sa mga barangay na nakapaligid sa ilog Mogpog at mismong kabayanan ng Bayan ng Mogpog. Dalawang (2) mga bata ang nalunod at ang Mogpog River ay matagal nang idineklarang isang patay na ilog dahil doon.

Ang polusyon at siltation na nagmula sa basurang mina na patuloy na nakakaapekto sa ilog ay pinagmumulan ng mga sakit sa balat ng mga residenteng nakatira malapit sa kahabaan ng Mogpog River. Ang panibagong pagguho ng abandonadong dam ay isang patuloy na nakaumang na malaking banta sa buhay at ari-arian ng mga Mogpogueňo.

Pangatlo: Ang kakilakilabot na pagtagas ng mine tailings sa Boac River noong Marso 24, 1996. Naging laman ng mga balita sa buong daigdig nang ito ay maganap.

Sumabog ang konkretong plug sa lagusan na matagal na palang nakaumang sa Boac River. Ito ang naging dahilan sa pagbuhos sa ilog ng halos 1.6 milyong kubiko metro ng lasong mina, sa bilis naa lima hanggang sampung kubikong metro bawat segundo. Bawat segundo. Katumbas ito ng higit sa tatlong milyong tonelada ng mapanganib at nakalalasong basurang-mina.

Dahil dito natabunan ng mine-tailings ang 27-kilometrong kahabaan ng Makulapnit River na pinakamalapit dito at ng Boac River at Makulapnit River. Biologically dead. Lahat ng lamang ilog ay nagkamatay. Ang mga kalapit na sapa, mga baybayin sa Boac River Delta ay ganoon din ang dinanas.

Ang dredge tunnel na itinayo ng Placer Dome sa Boac River Delta bilang lugar ng catchment upang mapigilan kahit papaano ang pagdaloy nito sa dagat ay naging permanenteng tambakan na ng lasong-mina, taliwas sa ipinangako sa Marinduqueno na ito ay panandalian lamang. Pangakong hindi nagawa ng mga may-ari ng minahan o ng pamahalaan man.

Mga kasong isinampa

Marami sa mga lokal na kaso ang isinampa upang managot ang kumpanya ngunit ang mga kasong ito ay hindi rin umabot sa paglilitis. Bakit kaya? Kaya noong Oktubre 4, 2005, sa patuloy na rin na hinaing ng mga Marinduqueno, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque (PGM) ay nagsampa ng demanda laban sa kumpanyang tunay na nagmamay-ari ng minahan, ang Placer Dome Inc. (PDI.)

Isinampa sa Nevada, USA kung saan may malalaking operasyon ang Placer Dome. Umasa ang mga mamamayang Marinduqueno na may pag-asang malutas ang kaso kapag ito ay dininig sa international venue.

Hindi naging madali kundi maraming pagsubok ang nangyari kayat hindi naging madaling makamit ang hustisya. Sa katunayan ang kaso ay na-dismiss, sa kadahilanang hindi dapat sa Amerika isinampa ang kaso kundi sa Canada o sa Pilipinas daw. Ganunpaman, nakakuha ng isang desisyon ang Pamahalaang Panlalawigan para sa pagpapatuloy ng pakikibaka para sa hustisya. 

Maaaring isampa ang kaso sa Canada o sa Pilipinas at hindi na maaaring tanggihan ng Placer Dome ang usapin ng jurisdiction, saan man sa dalawang bansa isampa ang kaso.

Ngayong MARSO 24, 2020 ang ika-24 na taong anibersaryo ng Boac River Disaster. Taong 2020 ang Sentenaryo ng pagkakatatag sa Lalawigan ng Marinduque.

Sa pagkakataong ito, ang MaCEC, mga LGUs ng Boac, at  Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque ay magkakasamang magsasagawa ng isang Roundtable Discussion at Forum sa Paaralan upang gunitain ang kalamidad. Naglalayon ang mga ito na:

1. Magbigay ng isang pangkalahatang ideya tungkol sa mga environmental disasters sa pagmimina sa ating isalang-lalawigan, mga kasong isinampa at paglalahad ng kasalukuyang katayuan ng mga stakeholder sa paghahanap ng katarungan;

2. Maglahad ng mga update sa mga may kinalaman dito tungkol sa mga aksyon ng Pamahalaang Panlalawigan na may kaugnayan sa paghahanap ng hustisya sa naganap na pagwasak sa kapaligiran at ang pag-refile ng kaso sa Canada;

3. Palakasin ang kamalayan ng mamamayan lalo na ng mga kabataan sa patuloy na epekto ng pagmimina at hikayatin silang suportahan at ipagpatuloy ang paghahanap ng hustisyang pang-kapaligiran para sa kapakanan ng Hinaharap at Susunod pang mga Henerasyon.


Tuesday, March 26, 2019

Panawagan ng Marinduqueño sa ika-23 Anibersaryo ng Mine Spill sa Boac River


PANAWAGAN SA MGA PINUNO NG LOKAL AT NASYUNAL NA PAMAHALAAN:

1.  Tuluyan ng maideklara ang buong lalawigan ng Marinduque na mining-free zone;

2.  Agarang maisampa ang kaso ng Pamahalaang Panlalawigan laban sa Placer Dome/Barrick Gold sa bansang Canada;

3.    Magsagawa ng malawakang pagsusuri sa kalusugan at kapaligiran sa mga apektadong pamayanan sa lalawigan;

4.   Maglagay ng mga footbridges at mga babala sa mga ilog at dagat na kontaminado ng nakalalasong kemikal upang maiwasan ang malawakang pagkakasakit ng mga residente sa Boac, Mogpog at Sta. Cruz. 

5.    Isagawa ang rehabilitation ng ilog ng Boac at ilog ng Mogpog gayundin ang Calancan Bay upang unti-unting maisaayos at muling mapakinabangan ng mga mamamayan.   




                   MARINDUQUE COUNCIL FOR ENVIRONMENTAL CONCERNS
             San Miguel Street Barangay Mataas na Bayan,
Boac, 4900 Marinduque, the Philippines
' (06342)332-0229 7 macec.secretariat@yahoo.com

 
                                         

PAHAYAG NG PANININDIGAN AT PANAWAGAN NG MARINDUQUEÑO SA IKA-23 TAONG ANIBERSARYO AT PAGGUNITA SA PAGBULWAK NG BASURANG-MINA SA ILOG NG BOAC

Marso 24, 1996. Dalawamput-tatlong (23) taon na ang nakakaraan nang mangyari ang pagbulwak ng basurang-mina ng Marcopper sa ilog ng Boac. Tinatayang 1.6 milyong metro kubiko ng nakalalasong basurang-mina ang pumuno sa 26 kilometrong kahabaan ng ilog-Boac mula sa Tapian Pit na ginawang mine tailings disposal ng Marcopper/Placer Dome sa panahon ng kanilang mining operation. Ang trahedyang ito ay naitala bilang isang pinakamalaking trahedyang pangkalikasan sa kasaysayan ng pagmimina sa Pilipinas at sa buong mundo.  Sa pagtagas ng basurang mina ay halos limanglibong (5,000) pamilya na umaasa sa agrikultura ang labis na naapektuhan. Hanggang sa ngayon ay walang nangyaring rehabilitasyon dahil iniwan na lamang ng Marcopper/Placer Dome ang kanilang responsibilidad na linisin ang ilog-Boac at maging ang ilog ng Mogpog at Calancan Bay na nauna ng naapektuhan ng dahil sa pagmimina.

Dahil sa kawalan ng rehabilitasyon ay patuloy ang pagkalason at pagkasira ng kapaligiran at dumadami din ang mga nagkakasakit dulot ng heavy metal contamination batay sa mga pagsusuri ng Department of Health (DOH) sa 3 bayang apektado: Mogpog, Boac at Sta. Cruz. Ang iniwan nilang mga dam, open pit at iba pang estruktura ay patuloy ding nagbibigay ng pangamba sa mga mamamayan na maulit muli ang mga sinapit na trahedya.

Mahabang panahon nang nananawagan ang mga mamamayan sa mga kinauukulan na makamit ang hustisyang pangkapaligiran at tuluyang pagdeklara ng lalawigan na sarado na sa pagmimina batay na rin sa sumusunod na kadahilanan:



1.      Halos 3 dekada ng nagdusa ang lalawigan sa mapaminsalang operasyon ng pagmimina at sadyang maliit lamang ang isla ng Marinduque at hindi sapat ang carrying capacity nito upang balikatin pa ang mga basurang-mina at iba pang kasiraan kapag magpapatuloy pa ang operasyon ng anumang uri ng pagmimina;

2.      Maliban sa mga panganib na dulot ng mga abandonadong estruktura ng Marcopper ay mataas din ang pagkalantad ng ating lalawigan sa mga natural hazards tulad ng mga sumusunod:

§  Pangpito mula sa sampung probinsya na natukoy ng DENR na prone to landslide;
§  Daanan ng lindol, Central Marinduque Fault at 93% ng populasyon ng Marinduque ang expose dito;
§   Pangatlo sa may pinaka-kalbong kagubatan sa Pilipinas;
§   Daanan ng bagyo at ng iba pang pagsama ng panahon; 
§  May mataas na peligro sa pagbaha at isa sa mga lugar na maaring maapektuhan ng pagbabago ng panahon (climate change) 
 

3.      Hindi lang po ninanais ng mga mamamayan na maibalik sa dati ang mga nasirang kalikasan dulot ng pagmimina, higit sa lahat ay nais din po naming protektahan ang mga natitira pang likas-yaman ng ating lalalawigan na dapat pag-ingatan kabilang na ang  Marinduque Wild-Life Sanctuary (MWS) na idineklara ng Kongreso bilang Protected Area (Republic Act No. 11038) na sa ngayon ay maraming ng samot-saring buhay ang naitala at  pinagkukunan ng daloy ng tubig ng maraming pamayanan;

4.   Mayaman din ang ating lalawigan sa pangisdaan at kabilang tayo sa Verde Island Passage (the Center of the Biodiversity in the World), kaya’t nararapat lamang na proteksyunan laban sa mga polusyon na dulot ng pagmimina. Maraming ding mga pulo at magagandang tanawin na dapat ding pag-ingatan at pagyamanin sa ating lalawigan upang patuloy itong mapakinabangan ng susunod na henerasyon;  



5.      Nang dahil sa pagbulwak ng basurang-mina, ay naitatag ang Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC) na pinangunahan ng namayapang Obispo Rafael Lim, unang Obispo ng Diyosesis ng Boac, noong Hulyo 27, 1996, apat na buwan makaraan ang pagbulwak ng basurang-mina at hanggang ngayon ay patuloy ang adbokasiya at mga kampanya upang itaguyod ang pangangalaga sa kapaligiran at hustisya sa mga biktima. Maraming pagkakataon na naipakita ng mga Marinduqueňo ang pagkakaisa kaya’t marami tayong napagtagumpayan at nararapat nating ipagpasalamat at bigyan ng natatanging pagkilala lalot higit ang mga naging tagapangunang tagapagtanggol sa pagtataguyod ng kapakananan ng ating kapaligiran tulad ng mga sumusunod:

5.1.Noong 2003, pinangunahan ng namayapang Obispo Joey Oliveros, pangalawang Obispo ng Diyosesis ng Boac ang unang Diocesan Synod sa panahon ng selebrasyon ng ika-25 taong pagkakatatag ng Diocese ng Boac kung saan napagtibay ang mga Dekreto ng Diyosesis. Sa ika-6 na Dekreto sa Katarungan isinasaad na “magkaroon ng patuloy at malawakang kampanya hinggil sa wastong pangangalaga sa likas na yaman at kalinisan ng kapaligiran, at tahasang pagtutol na may matibay na paninindigan sa anumang uri ng malakihang (open pit, underground, etc.) pagmimina at iba pang katulad na industriya at gawaing may malubhang epekto sa kapaligiran o ekolohiya ng lalawigan”.  Ang dekretong ito na ipinatutupad ng Diyosesis sa pangunguna ng Obispo at ng mga kaparian ang isa sa matibay na batayan ng MACEC bilang church-based organization sa mga kampanya laban sa pagmimina at anumang proyekto na maaring makasira ng kapaligiran.

Noong Agosto 10, 2015, nagpalabas ng isang circular letter ang Diyosesis ng Boac sa pangunguna ng Obispo Marcelino Antonio Maralit, Jr.  na nag-aatas na basahin sa mga misa sa panalangin ng bayan ang 2 kahilingang ito:



a)    Para sa ikasusulong ng hangarin nating maisabatas na maideklara ang buong Marinduque bilang lalawigang mahigpit na tumututol at nagbabawal sa anumang uri ng pagmimina, at
b)      Para sa pagkakamit ng hustisyang pangkalikasan at panglipunan, nawa ang mga pinuno ng pamahalaang panlalawigan ng Marinduque ay magkaroon ng sapat na lakas at inspirasyon na maging determinadong ipagpatuloy na isulong ang mga kaso laban sa Marcopper/Placer Dome/Barrick Gold

5.2.Noong Oktubre 28, 2005 ang Pamahalang Panlalawigan sa pamamagitan ng ika-10 Sangguniang Panlalawigan ay idineklara ang Fifty (50) year large scale mining moratorium sa lalawigan (Resolution No. 379 s 2005). Naging consistent ang Sangguniang Panlalawigan sa pagpapatupad ng moratorium sapagkat ito ay matapat na itinaguyod ng mga sumunod hanggang sa kasalukuyang ika-14 Sangguniang Panlalawigan (Resolution No. 13 s 2016). At ito ay suportado ng katulad na mga resolusyon ng limang (5) bayan at nakararaming bilang ng mga barangay sa buong lalawigan.       

5.3.Hiniling din natin sa ating mga naging representative lalawigan sa Kongreso na maideklara ang lalawigan bilang “no go zone” for mining. Isang panukalang batas ang isinulong ng dating Rep. Gina Reyes – House Bill No. 5566 “An Act Declaring Province of Marinduque a Mining-Free Zone” na inaprobahan ng 16th Congress noong Agosto 24, 2015 at naisumite sa Senado noong Agosto 27, 2015 subalit kabilang sa iba pang lalawigan na may ganitong panukalang batas ay hindi rin tuluyang naaprubahan bilang isang ganap na batas. Kaugnay nito, dalawang katulad na panukalang batas din ang isinumite nina Marinduque Rep. Lord Allan Jay Q. Velasco (House Bill No. 6336) at MATA Party List Rep. Tricia Q. Velasco – Catera (House Bill No. 6384) upang maaprubahan ng 17th congress. Sa kasalukuyan, ay patuloy natin itong sinusuportahan sa pamamagitan ng signature campaign upang maging isang ganap na batas. 



5.4.Patuloy din nating sinusubaybayan at sinusuportahan ang mga kasong nai-file laban sa Marcopper/Placer Dome/Barrick Gold sa Municipal Trial Court, Regional Trial Court at sa Supreme Court upang mapanagot ang mga kompanya at makamit ang karampatang hustisya. 

Ngayong ika-23 anibersaryo at paggunita sa pagbulwak ng basurang-mina at sa ating pakikiisa sa World Water Day at Philippine Water Week ay nais po naming bigyan diin ang mga sumusunod na panawagan sa kasalukuyan at sa mga susunod na magiging pinuno ng ating lokal at nasyunal na pamahalaan:

1.      Tuluyan ng maideklara ang buong lalawigan ng Marinduque na mining-free zone;
2.     Agarang maisampa ang kaso ng Pamahalaang Panlalawigan laban sa Placer Dome/Barrick Gold sa bansang Canada;
3.     Magsagawa ng malawakang pagsusuri sa kalusugan at kapaligiran sa mga apektadong pamayanan sa lalawigan;
4.  Maglagay ng mga footbridges at mga babala sa mga ilog at dagat na kontaminado ng nakalalasong kemikal upang maiwasan ang malawakang pagkakasakit ng mga residente sa Boac, Mogpog at Sta. Cruz. 
5.      Isagawa ang rehabilitation ng ilog ng Boac at ilog ng Mogpog gayundin ang Calancan Bay upang unti-unting maisaayos at muling mapakinabangan ng mga mamamayan.   


 Bilang patunay sa aming mga paninindigan at panawagan, kami ay nagkaisa na ilakip ang attendance sa ika-23 anibersaryo at paggunita sa pagbulwak ng basurang-mina sa ilog ng Boac na isinagawa ngayong ika-24 ng Marso 2019 sa Boac Covered Court, Boac, Marinduque

Monday, March 18, 2019

Sad tale of two blue rivers in Boac and Mogpog (Marinduque); Run for a Cause for Environmental Justice


Bahagi ng ilog na asul na kontaminado ng acid mine drainage (AMD) na umaagos sa Hinulugang Amerikano Falls, sa may Puting Buhangin, Boac.
Larawan ni John Oliver Hermosa

Dito dumadaloy ang tubig na nagmumula sa Bol River (Sta. Cruz) na bahagi ng minahan. Dito rin tumatagas sa araw at gabi ang AMD na nagmumula sa iba pang dams ng Marcopper.  Hindi ito naging bahagi ng Boac River mine tailings disaster sa may Hinapulan noong 1996. Mapanganib.




Ilog sa bahagi ng Bocboc, Mogpog. Umaagos ang acid mine drainage, Marso 2019.
Kuha ni Richard Nardo
Karaniwan na ang ganitong tanawin sa ilog ng Bocboc (Mogpog).
Kuha ni Richard Nardo.

Mula noong 1993 nang bumigay ang Maguilaguila siltation dam ng Marcopper ay namatay na ang Mogpog River. Nanatiling naging lingid sa kaalaman ng mga Marindukenyo ang totoong nangyari. Tikom ang bibig ng mga dapat manguna.

Lumaganap lamang ang katotohanan noong 1996, dahil sa nangyaring sakuna sa Boac River.
At nananatiling mapanganib ang Dam at Ilog.


May isang RUN FOR A CAUSE at isang Banal na Misa na gaganapin para gunitain ang 23rd MARCOPPER MINE TAILINGS SPILL sa Boac River. 
Ang Theme: SAMA-SAMANG PAGTAKBO 2019 para sa KATARUNGAN ng KALIKASAN NATIN.

When : March 24, 2019
Where : Boac Covered Court 
Time : 7 A.M. (Mass and assembly)

Registration : Adult P 20.00 Youth P 10.00


SUMALI AT MAKIALAM !!!

Wednesday, June 13, 2018

Walang pakundangan sa mga mamamayan ng Marinduque: Bagong pirmadong kontrata na with US lawyers

Kaya mo ba 'to? Ito ay kaso ng Provincial Government of Marinduque, pero nakasaad sa kontrata na ito ay isang PRIVATE AND COMMERCIAL (AND NOT PUBLIC) Agreement of the PROVINCE. Kaya walang pananagutan sa PUBLIKO?


Habang lumalaon, mas maliwanag na walang katiwatiwala ang mga nababahalang Marinduqueno sa pirmado nang kontratang inilatag sa Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque. Pirmado na ni Gov. Carmencita O. Reyes.

Dahil kaya ang nasabing kontrata ay itinuturing na napakalupit, walang habag, walang pakundangan, at walang respeto sa mga mamamayan ng Marinduque? Ang kontrata ay tila inurungan naman ng Sangguniang Panlalawigan - sa ngayon. Eh, bukas kaya?

Most Rev. Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr.
and Rev. Fr. Arvin Anthony Madla, Chair, MaCEC

Anong kontrata nga ito? Ang Restated and Amended Contract of the Provincial Government of Marinduque (PGM) with Diamond McCarthy (DM) Law Firm para sa pagsampa ng kaso sa Canada. (DM ang US law firm na dating humawak sa kaso ng PGM sa Nevada, USA).

Pangunahin ang MaCEC at ang Simbahan sa mga nagsuri sa kontrata o kasunduang nabanggit. Sila bilang stakeholders ang pangunahin ding iniimbitahan/pinapakiusapan ng SP na maging bahagi at katulong ng SP sa mga deliberations tungkol sa bagay na ito.

'Urgent' na sulat ni Gov. Reyes sa Sangguniang Panlalawigan for ratification of the contract.

Sa dami ng negatibong mga obserbasyon/komento ng stakeholders tungkol sa mga nakasaad sa kontrata ay kakayanin kaya ng mga kababayan natin na masikmura bilang halimbawa lamang ang mga sumusunod?

Sa nakasaad na Waiver of State Immunity. Ayon sa MaCEC, (No.14 sa kanilang position paper), dapat daw pakaisipin ng Lalawigan ang probisyon na ito. Maraming beses na pakaisipin at seryosohin, at pag-aralan sa tulong ng legal experts. Bakit daw? Binubuksan nito ang Lalawigan at/o ang mga opisyales na kasuhan sila sa kasalukuyan o sa darating na panahon.

Isa pa, ang Paragraph B of XII ng kontrata ay nagpapahintulot din sa future execution against assets of the Province in the present and in the future resulting from waiver of its rights. Ayon sa nakakaunawang Diocese of Boac at pangunahing pangkalikasang organisasyong MaCEC.

“... the Province irrevocably and unconditionally acknowledges that the execution, delivery and performance of this agreement constitute PRIVATE AND COMMERCIAL (and not Public) acts of the province”

Masasabi kayang isinasangla pa sa di pangkaraniwang pagkakataong ito ang mga paglalagay sa alanganin ng mga assets ng Lalawigan? Baka mapadilat pa ang mga mata ng mga minamahal nating Marinduqueno sa mga sumusunod:

On the Private and Commercial (Not Public) Nature of the Agreement. Ayon sa MaCEC, VII.C. of the document mentioned “that the Province irrevocably and unconditionally acknowledges that the execution, delivery and performance of this agreement constitute PRIVATE AND COMMERCIAL (and not Public) acts of the province”.

Ano nga naman ang mga implikasyon nito sa katunayang ang Client ay isang Government Institution/Local Government Unit at ang mga Opisyales na nakikipagkasundo sa law firm/pagpipirma ng mga dokumento bilang mga kinatawan ng mga mamamayan na kanilang pinagsisilbihan – ang PUBLIKO?

Dapat daw isaalang-alang na ang mga opisyales ng bayan bilang mga kinatawan ng mga taumbayan ay nanumpa ng Oath of Office at nasasailalim ng Civil Service Laws, Code of Conduct and Standards of Public Officials and Employees, maliban pa sa iba. At ang Konstitusyon daw mismo ay nagsasaad na sila bilang mga namumuno ay may pananagutan sa taumbayan, accountable to the people.

Ang Diocese of Boac at MaCEC na matagal nang nakatutok sa usaping ito at palaging imbitado sa mga pagpupulong nang nagsumite na noon pang nakaraang taon (maging noon pang 2016), ng kanilang masasabi o kinatatayuan sa usaping ito at kanilang mga rekomendasyon. Subalit ayon nga sa kanilang position paper ay “none of these was acted upon by the PGM and or the said law firm thus, “for every new contract presented before the stakeholders and Marinduquenos in general have been onerous and unacceptable.”

PARA SA KAALAMAN NG LAHAT. Anong mga dark secrets kaya ang nasa likod ng pagpipilit gamitin ang mga abogadong Amerikano sa kasong isasampa sa Canada or 'anywhere in the world' kasama na ang Pilipinas?

Isang pagkakataon ng pagbabantay ng mga miyembro ng
MaCEC sa Session Hall para makinig 

Para sa kaalaman ng lahat, direktang isinumite ng Diocese of Boac at ng MaCEC ang kanilang pinakahuling position paper (English) submitted to the Governor at SP noon pang November 2017, at muling isinumite noong May 10, 2018, na nagsasaad (translated, see copy of original document for cross-checking), na:

1.       Ang kontrata ay hindi patas at makasasama pa sa interes ng Lalawigan. Mas binibigyang diin ng kontrata ang karapatan ng law firm, pero  may kalabuan pagdating sa obligasyones at pananagutan nila sa Lalawigan (paulit-ulit lamang na sinasabi na ang maisasad lamang nila sa kontrata ay kanilang opinion at kawalan ng katiyakan,  (“opinions”… “no assurance”), magiging napakamahal para sa Lalawigan at walang magagawa ang Lalawigan kundi tanggapin ang kanilang magiging desisyon base sa kanilang “opinions” na nangangahulugan lamang na magiging mas magastos ito para sa probinsya; labis na diskresyon ang ibinibigay sa law firm kasama na rito ang sole discretion pagdating sa arrangement with local lawyers, kasama ang marami pang iba.

2.      Matapos hinawakan ang kasong ito ng lagpas na sa isang dekada, sa dokumentong ito ay ni hindi mabigyan ng katiyakan ng Diamond McCarthy na magsasampa sila ng kaso at/o dalhin ito sa paglilitis. Matatandaang mula pa noong 2005, ng hinawakan ni Walter Scott ang kaso, ang intensiyon ng probinsya mula pa sa simula ay magsampa ng kaso, litisin, at usigin para magkaroon ng favorable court decision, at hindi pangunahan ang pagkakaroon ng “out of court negotiation o settlement”, dahil kung ganito rin lamang ay maaaring kumuha na lamang noon ng batikang mediator o broker.

3.      Sa dokumento, isinasaad na walang Kasunduan o pakikipagkasundo na magaganap na hindi muna kinukunsulta ang law firm at pinapayagan ang law firm na makibahagi sa mga ganoong negotiations. Subalit, ang kabaliktaran naman nito ay wala. Walang sinasabi ang dokumento na anuman tungkol sa mga direktang representante ng Lalawigaan na dapat makisali sa negotiations na isasagawa ng law firm. In substance, pagsusumite ng payo at resulta lamang ng negotiation sa lalawigan ang nakasaad.

4.      Palaging nakasaad sa dokumento ang mga katagang “reasonable time… for valid reasons”, must not unreasonable withhold or accept (Firm’s advise)… subalit ano ang basehan kung ano ang ‘reasonable at not reasonable’ na dapat gawin ng mga partido? Paano kung ang inihahain ay labis na mapang-abuso at di katanggap-tanggap para sa probinsya tulad ng mga kondisyones at ‘stipulated facts’ na inilatag ng law firm para tanggapin ng Lalawigan noong nakaraan, na kapag hindi tanggapin ay maituturing na ngayong “Termination Without Cause”?

Mga sakit dulot ng mga lasong kemikal, pagwasak ng karagatan na naging
sanhi kung bakit ang lugar na ito sa Calancan Bay ay isang 'No Swim Zone'.

 5.      Almost blanket authority. Halos blanket authority ang ibinibigay ng kontrata sa law firm sa pagtantiya sa resulta/kalalabasan ng claim. Sinasabing nasa Lalawigan nga ang final decision, subalit ang mga nakasaad sa kontrata ay nagtatali sa kamay ng lalawigan para makahanap pa ng ibang options at direksyon kahit pa ito’y makakasama ng todo sa interes ng lalawigan.

6.       Sa pag-aanalisa ng mga probisyon sa kontrata, bagamat hindi tahasang sinasaad, ang panukalang Restated and Amended Contract ay halatang nakatuon at nakatutok sa “out of court negotiation and settlement”, at ang pagtitiyak na kung ano man ang dikta ng law firm ay dapat tanggapin ng Lalawigan kahit ito pa ay hinding-hindi katanggap-tanggap, sapagkat ang kapalit nito ay magiging pagkalugi (halimbawa, ang di pagtanggap sa settlement advise ay maaaring maging dahilan ng pag-urong ng law firm at maaaring gamiting dahilan bilang “termination without cause”. Kaya’t no choice ang Lalawigan kundi tanggapin na lamang ang isang unacceptable settlement offer/terms na dinidikta ng law firm.

7.       Ang dapat isagawa ay ang pagtutok una sa lahat sa pag-uusig ng kaso sa korte at paghahanda para sa ganung pakay, at hindi ang pakikipag-ayos sa labas ng korte at settlement na lumalabas na doon napaka-interesado ang law firm. Nakasaad na “Firm’s conduct of any and ensuing negotiations” ay nakamandato na sa dokumento at ang law firm ay binibigyan ng blanket authority na gawin ito para sa probinsya na hindi naman dapat… ang Lalawigan ang dapat magkaroon ng sole authority na magdesisyon sa bagay na ito at dapat magkaroon ng direktang partisipasyon sa proseso. Hindi maaaring bigyan ng blanket authority ang Firm kung kailan at papaano at sa anong pagkakataon ito dapat simulan at maganap. Kaya, ito ay dapat mapasailalim sa ibang agreement/pagbibigay ng authority ng Lalawigan sa Firm.

8.       Walang garantiya. Ang dokumento ay maraming beses na nagsasaad na hindi nagbibigay ng guarantee ang Firm kundi ang ibinibigay nito ay mga opinyon lamang. Ano ngayon ang pananagutan ng Firm sa mga isasagawa nito na mapapatunayang prejudicial sa interes ng Lalawigan na sanhi ng kanilang failed professional judgment? Ano ang kanilang accountability? Kundi ang oportunidad lamang na ma-terminate sila with cause na kung saan makatatanggap pa rin sila ng kabayaran?

9.      Magkano ba ang dating halaga na nagasta na? Ito ay dapat malaman at stipulated… di pwedeng hula lamang at isaad lamang na “it is the sole and only agreement of the parties and supersedes any prior written or oral understandings or agreements between parties”. Kayat bawat detalye ay dapat nakasulat sa kontrata at matanggap ng mga partido. Ang mga detalye ng halaga ng serbisyo ni Scott at DM na isinama na sa dokumento ay dapat munang ipaalam at matanggap ng lalawigan.

       Sa pagsali ng LOLG (Canadian law firm) bilang local counsel ay hindi dapat automatic. Ang Lalawigan ay dapat maging bahagi ng selection process sa pagpili ng law firm na magrerepresenta dito sa Canada at tiyakin na hindi ito nag-abogado para sa Barrick/Placer Dome at/o alinman sa mga subsidiaries nito. Ang DM ay dapat magpakita ng pruweba na sila ay kumunsulta at nagbigay ng patas na oportunidad sa iba pang law firms. Ang profile ng LOLG gayun din ang track record at nahawakang mga kaso na may kinalaman sa defendants ay dapat iprisinta/isumite sa lalawigan para maisaalang-alang.

Isinuka na ng bayan makailang-ulit ang mga abogadong Amerikano at mga ginawa nilang paghawak sa kaso sa Nevada, US. Bakit kaya iginigiit ng ilang nakaupo sa katungkulan sa pangunguna ni Gov. Reyes?


11.   Sa pagsali ni Scott. Dapat ay labas na siya sa kaso “without prejudice” sa kabayarang dapat mapunta sa kanya para sa dati niyang ginawa.

12.    On Warranty. Karamihan kung di man lahat ng mga provision sa “Client’s Representations and Warranties” ay dapat munang liwanagin dahil napaka-mapanganib para igarantiya ng Lalawigan. Kung may maging kamalian sa mga ginagarantiyahan ng Lalawigan, maaari itong maging dahilan ng Withdrawal of the Firm or Termination Without Cause at maging dahilan ng pagdedemanda sa Lalawigan.
On V.2, Ang Lalawigan ng Marinduque ba talaga ay may “exclusive right”? Ano ang implikasyon nito sa mga kasong naihain na ng iba pang mga partido, lalo na ang mga kasong ni-recognize na ng PGM at ng law firm sa dating naisagawang mediation process. Kayat alam ng Lalawigan na may mga ganitong kaso.
On V.3., Magiging mas tumpak para sa Lalawigan na tiyakin muna na walang Notice or Approval of Third Party ang talagang kakailanganin.
On V.3., Ang katiyakan na walang counterclaim ng alinman sa mga Defendants ang magaganap ay hindi magagarantiyahan.

13.   On Covenants and Agreements (VB). Ang mga ito ay hindi katanggap-tanggap. Halos lahat ng mga stipulations na gagarantiyahan ay prejudicial sa interes ng Lalawigan, at magiging labas na sa control ng Lalawigan kung isasaalang-alang ang mga proseso ng gobyerno at democratic/representative nature ng Gobyerno ng Pilipinas. V.B.3. ay maaring tukuyin bilang tangkang pagpapatahimik hindi lamang sa Lalawigan kundi maging sa mga stakeholders.
V.B.b. Dapat baguhin ang pananalita dito na ang ibig sabihin ay magsisimula lamang ang proseso ng negosasyon para sa settlement kung may offer at matibay na posibilidad na may makuhang claim na hindi bababa sa $300M.
V.B.e. na nagsasabi tungkol sa settlement na mas mababa pa sa $75M ay hindi dapat banggitin, hindi naaayon sa iba pang mga probisyon at dapat alisin.


Sitwasyon sa Brgy. Booboc kung saan dumadaloy ang isang ilog na permanente nang namatay ng walang kalaban-laban dahil sa lason na galing sa minahan


On determination of Cost. Ano ang magiging papel ng Lalawigan? Ano ang Procedure? Paano ang pag-monitor? Ano ang magiging standard rate? Ang control ng Lalawigan para tiyakin na ang provision for cost ay hindi aabusuhin? Ang Cost ay walang identified ceiling/limit. Dapat ito ay maayos na nakasulat para matiyak na ang Lalawigan ay hindi maiwanan na napakaliit lamang ang net proceeds. Ang Cost ng previous engagement with Scott and DM tungkol sa kasong isinampa sa Nevada na dapat i-recognize at isama sa bagong dokumento ay dapat munang i-scrutinize, i-audit at i-apruba ng Lalawigan at dapat nakalahad ng detalyado sa bagong dokumento. Hindi ito dapat maging bukas sa iba pang interpretasyon dahil ang dokumento ay nagsasabing it supersedes even previous verbal agreement. Ang financial provisions ng dokumento kasama na ang katotohanan na ang Lalawigan ay may little say lamang sa halaga ng acceptable settlement ay nangangahulugan na ang Lalawigan ay maaaring maiwan ‘with very little’. Ang mga lawyers’ billing fees and costs ay isasama (maaaring balikan pa ang Nevada case) ngunit ang Lalawigan ay mababayaran lamang ng 55% ng kung ano man ang matira pagkatapos noon – at maaaring napakaliit na nito.

14.   On Firm’s representation on matters related to the Province’s claim. “anywhere in the world”, ay dapat ituwid dahil hindi kailanman ito naging intention ng lalawigan noong 2005 kung isasaalang-alang ang konteksto ng panahong iyon. Katawatawa na kung ang Lalawigan ay magdesisyon na ituloy ang kaso sa Philippine courts, ay kakailanganin pa rin na gamitin ang DM sa ganoon ding mga kondisyones. Ang particular na probisyon na ito ay lalo pang naglalagay sa Lalawigan sa isang napaka-lopsided position. Matibay ang pakiramdam namin na ito ay isang mas masahol, mas restrictive at hindi balanseng kontrata kaysa sa dating kontrata. May kadahilanan kung bakit gusto nilang palitan ang dating kontrata at ito’y tila sa kagustuhan na bigyan ang mga abogado ng mas unfettered  decision at mas marami pang mga karapatan, habang matinding restrictions naman sa ahensya ng Lalawigan.

15.   Waiver  of State Immunity. Dapat isipin ng Lalawigan ang probisyon na ito ng maraming beses at seryosohing mabuti sa tulong ng legal experts dahil binubuksan nito ang Lalawigan at/o ang mga opisyales/mga kinatawan sa posibilidad na kasuhan sila sa kasalukuyan o sa darating na panahon. Paragraph B of XII ay nagpapahintulot din sa future execution against assets of the Province in the present and in the future resulting from waiver of its rights.

16.   On the Private and Commercial (Not Public) Nature of the Agreement. VII.C. of the document mentioned “that the Province irrevocably and unconditionally acknowledges that the execution, delivery and performance of this agreement constitute PRIVATE AND COMMERCIAL (and not public act) of the province”.
Ano ang mga implikasyon nito samantalang ang Client ay isang Government Institution/Local Government Unit at ang mga Opisyales nito ay nakikipagkasundo sa Firm/pumipirma ng mga dokumento bilang mga kinatawan ng mga mamamayan, ang sinasakupan nito – ang PUBLIKO. Dapat isaalang-alang na ang mga opisyales ng bayan bilang mga kinatawan ng taumbayan ay nanumpa ng Oath of Office kayat nasasailalim ng Civil Service Laws, Code of Conduct and Standards of Public Officials and Employees, bukod pa sa iba. Ang Konstitusyon mismo ay nagsasaad na sila bilang mga namumuno ay may pananagutan sa bayan.

17.   On “XIV. Your Independent Determination as to Fairness and Reasonability”. Ang Lalawigan ay sinisiguro na “the Province had ample opportunity to review the Agreement independently and to the extent that the Province has chosen to do so, reviewed the Agreement with a separate law firm.” Dapat munang gawin ito ng Lalawigan bago ito mag-warrant. Ang ilang araw lamang para pag-aralan ang mga mahahalagang dokumentong ito ay hindi maaaring sabihing sapat na panahon para makapag-desisyon. Pag-susuri ng independent firm na katanggap-tanggap sa stakeholders ay marapat gawin at ang resulta ng pag-aaral ay ilahad sa mga stakeholders para sa impormadong partisipasyon at desisyon.

Mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Marinduque at bayan ng Boac na nakikipagpulong sa MaCEC hinggil sa usaping ito. Mula kaliwa, Kon. Rolly Larracas, BM Reynaldo Salvacion, BM John Pelez, BM Mely Aguirre,  Ms. Catherine Coumans (bisita), Vice-Gov. Romulo Bacorro, Ms. Beth Manngol (Secretariat Head ng MaCEC), Engr. Luna Manrique, Kon. Sonny Paglinawan, BM Primo Pamintuan at dating Bokal Lyn Angeles.

(All photos courtesy of MaCEC)

(May kasunod)