Showing posts with label Typhoon TisoyPH. Show all posts
Showing posts with label Typhoon TisoyPH. Show all posts

Thursday, December 5, 2019

State of Calamity declared in Boac, entire province of Marinduque next


Kahapon, Dec. 4, 2019, isang araw pagdaan ng Bagyong #TisoyPH, nagpasa na ang Sangguniang Bayan ng Boac ng isang resolusyon na nagdeklarang nasa ilalim na ng State of Calamity ang Bayan ng Boac.


Samantala, mula naman sa FB ni Bokal Adeline Angeles sa usapin ng pagdedeklara sa Marinduque under a State of Calamity ay ito ang kanyang ibinahagi:

UPDATE: Provincial DRRMC (PDRRMC) chaired by Gov. Presby Velasco Jr. already recommends to the Sangg. Panlalawigan the Declaration of Marinduque under the State of Calamity. The SP will hold a SPECIAL SESSION FOR THIS DECLARATION ANY MOMENT FROM NOW.

TANONG: Bakit hindi pa nagdi-declare ng State of Calamity ang Lalawigan ng Marinduque as of today (Dec. 4, 2019)?

SAGOT: Ang Sangguniang Panlalawigan po ang may kapangyarihang mag-declare nito, subalit:

I. MAY PROSESO AT CRITERIA pong sinusunod bago mag-declare ng State of Calamity sa ilalim ng batas. Guidelines:

1.) Kailangan munang may Rekomendasyon ng PDRRMC na dapat ay base naman sa Rapid Damage Assessment & Needs Analysis Report mula sa MDRRMCs ng 6 na bayan justifying the declaration; OR


b) Kung meron nang at least 2 bayan ng lalawigan na nag-declare na, then, automatic pwede na rin mag-declare in the provincial level.

AS OF DEC 4 (12:00 noon): 3 bayan/MDRRMCs pa lamang po ang nakapag-submit ng PARTIAL Damage Assessment Report sa PDRRMC at 1 bayan pa lamang ang nag-declare na ng State of Calamity kaya hindi pa po tapos ang REQUIRED PROCESS.

Gov. Velasco at PDRRMO Officer Rino Labay sa kanilang pag-iikot sa mga bayan matapos ang bagyo.

2. KANINA AY UMIKOT PO KAMI sa ilang bayan kasama ng ating Gobernador PRESBY VELASCO JR. at ONGOING pa po ang ginagawang proseso ng Damage at Needs Assessments ng mga munisipalidad kaya iniintay pa rin po ang mga MDRRMC Reports.
Ganun pa man po, naka-stand by po ang inyong mga officials dito sa lalawigan.
Bukas (Dec. 5) - naka-schedule mag-meeting ang PDRRMC at may SPECIAL SESSION din po ang SANGG. PANLALAWIGAN just in case pwede nang mag-declare ng State of Calamity.

REST ASSURED PO THAT WE WILL ACT ACCORDINGLY BUT WE HAVE TO RESPECT & FOLLOW THE MANDATED PROCESS. -  Bokal Lyn Angeles

Wednesday, December 4, 2019

Landfall ng #TisoyPH at aftermath sa Marinduque

Ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO Marinduque) sa Kapitolyo maya't maya ay nagpupulong sa kasagsagan at pagkaraan #TisoyPH.
Ilang oras pa lamang makaraang rumagasa sa Marinduque kahapon ang Bagyong #TisoyPH" (Kammuri), kanya-kanyang inspeksyon sa mga paligid ang agad isinagawa ng mga residente. Para malaman kung mga ano kaya ang mga nasira at naperwisyo ng bagyo.
          
Kinailangang gumawa naman ng bagong salita ang ilang mamamahayag para maisalarawan ang lawak ng higant,eng bagyong ito na rumagasang sa Pilipinas (December 3, 2019).

Dahil naman sa pagkawala ng signals ng Globe,  Smart at PLDT sa kasagsagan ng bagyong #TisoyPH, bihira naman ang nakaalam ng Severe Weather Bulletin #15 for Typhoon #TisoyPH (Kammuri) Tropical Cyclone Warning na nagsaad ng ganito at 2:00 am Dec. 3:

TYPHOON “TISOY” SLIGHTLY WEAKENS WHILE MOVING ONSHORE AND IS NOW OVER SORSOGON

-   "The eyewall of “TISOY” is  currently bringing violent winds and intense rainfall over Northern Samar, Catanduanes, Albay, Camarines Sur and Sorsogon, Camarines Norte and Masbate will be affected by the eyewall in the next 3 hours."

    Sa maagang forecast pa lamang na naipakita sa mga weather reports sa telebisyon, ay namalas kung paano nito sasalpukin ang isla ng Marinduque kung hindi magbabago ang direksiyon ng bagyo. Base sa mga imahe sa hilaga-silangan ng Marinduque ito inaasahang papasok para rumagasa sa bahagi ng northern Marinduque. Hindi ganun ang naganap.

Satellite image of Typhoon Tisoy (Kammuri) as of December 3, 2019, 5 am. Image from NOAA
Satellite image of Typhoon Tisoy (Kammuri) as of December 3, 2019, 5 am. Image from NOAA
Ang mga nailabas na ulat ay nakatutok naman kung saan unang maglalandfall ang bagyo. Naiulat na mga alas-dose ng gabi ng Lunes, Dis. 2  ito naglandfall sa may Gubat, Sorsogon na nasa timog na bahagi ng southern Luzon.


Pagdating ng 8:00 am December 3, 2019 ganito na ang Warning ng PAGASA: Severe Weather Bulletin #17:

TYPHOON “TISOY”MAINTAINS STRENGTH AND IS NOW JUST OFF THE COAST OF BONDOC PENINSULA:

-         "The eyewall of “TISOY” is currently bringing violent winds and heavy intense rainfall over Southern Quezon, Marinduque and Romblon. This eyewall is forecast to affect Cavite, Batangas and the northern portion of Mindoro Provinces within 3 hours."

-        "The eye is expected to make landfall or pass close to Marinduque-Simara Island-Banton Island area before noon."
By 11:00 am, 3 December 2019, ang Severe Weather Bulletin #18 ay ganito na:

“TYPHOON “TISOY SLIGHTLY WEAKENS AND IS NOW HEADING BATANGAS – NORTHERN MINDORO AREA.

-   TISOY” made landfall over Marinduque at 8:30 AM today.









Mga larawang kuha at pinost sa FB nina:  Marinduque ang Puso ng Pilipinas, Adelyn Angeles, Jhanamae Medallion, Rolly Larracas, atbp




Friday, November 29, 2019

#TisoyPH: Hangin na 140 kph, pagbugsong 195 kph; Sana nga lumihis but please be prepared



UPDATE: Patuloy na lumalakas ang Typhoon #Kammuri habang patuloy pa ding nagbabantang pumasok ng PAR at tinutumbok ang #BicolRegion as STRONG TYPHOON Category.
Sa ngayon ay taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 140 kph at pagbugsong umaabot sa 195 kph... ALMOST STATIONARY ngayon ito o hindi halos gumagalaw pero inaasahang tuluyan nang papasok ng PAR bukas ng gabi na tatawaging Bagyong #TisoyPH ng PAGASA.
Bagama't meron tayong malakas na Hanging Amihan na ayaw na ayaw ng isang bagyo ay nasa FAVORABLE naman o nasa mainit na karagatan sa loob ng PAR ang madadaanan nito na syang nagpapalakas sa isang bagyo bago maglandfall kung kaya't inaasahang lalakas pa ito sa mga susunod na araw.




Base sa latest WIND FORECAST MAP ay nananatiling sa Bicol Region (#CatanduanesProvince) pa rin inaasahang unang maglalandfall ang sentro ng bagyo pagsapit ng Martes ng madaling araw at tsaka babaybayin ang ilan pang lugar sa Bicol Region at pagsapit ng tanghali ay inaasahang babaybayin na ng sentro ng bagyo ang #CaLaBaRZon, #NCR at inaasahang lalabas ng kalupaan via-#Bataan-#Zambales-#Cavite area pagsapit ng martes ng gabi o sa Miyerkules ng madaling araw kaya asahan sa mga nabanggit na lugar maging sa #NorthernLuzon, ilan pang lugar sa #CentralLuzon at ilan pang bahagi ng #SouthernLuzon at maging sa #EasternVisayas dahil sa inaasahang epekto ng bagyo na maaaring magdulot ng malalakas na hangin, ulan, pagbaha, pagguho ng lupa at posibleng storm surge o malalaking alon sa mga coastal areas lalo na sa mga madadaanan ng sentro ng bagyong ito.
Sa Linggo o sa Lunes unti-unti nang mararamdaman ang epekto nito sa silangang bahagi ng #Luzon at #Visayas at posibleng magkaroon na rin ng TCWS No. 1 sa ilang lugar at habang kumikilos ang bagyo papalapit sa kalupaan ay inaasahang dadami pa ang mga lugar na isasailalim sa babala ng bagyo... Posibleng magtaas din ng TCWS No. 3 sa #MetroManila dahil posibleng direktang dadaan o malapit na dadaan ang sentro ng bagyo dito at sa ilan pang lugar na direktang dadaanan ng bagyo na maaaring magdulot ng mapaminsalang hangin at malalakas na pag-ulan.
Pinapayuhan pa rin ang ating mga kababayan lalo na sa mga maaapektuhan ng bagyong ito na paghandaan na ito ngayon pa lamang dahil hindi biro ang dadaling hangin at ulan nito sa mga lugar na maaapektuhan.
Patuloy po kaming magbibigay ng mga updates kaugnay pa din sa banta ng bagyong ito sa bansa.
⚠Please be prepared!