Tuesday, May 31, 2011

Hear ye, Rizal and the RH Bill

Larawan ni Rizal.

Ang debate hinggil sa Reproductive Health Bill ay mainit pa rin. Subalit halos naririnig ko si Dr. Jose Rizal na naglalahad ng mga punto sa usapang ito sa pamamagitan ng kanyang liham para sa mga kadalagahan ng Malolos noong kaniyang panahon: (Debate on the Reproductive Health Bill is still raging. I could almost hear Dr. Jose Rizal raising some points on this issue through his letter to the young women of Malolos during his time).

Bahagi ng Orihinal na Liham ni Rizal sa Tagalog:


"...Maghunos dilí ngá tayo at imulat natin ang mata, lalong laló na kayong mga babai, sa pagka't kayo ang nagbubukas ng loob ng tao. Isipin na ang mabuting ina ay iba, sa inang linalang ng fraile; dapat palakhin ang anak na malapit baga sa larawan ng tunay na Dios, Dios na dí nasusuhulan, Dios na dí masakim sa salapí, Dios na ama ng lahat, na walang kinikilingan, Dios na dí tumatabá sa dugó ng mahirap, na dí nagsasaya sa daing ng naruruhagi, at nangbubulag ng matalinong isip.

"Gisingin at ihandá ang loob ng anak sa balang mabuti at mahusay na akalá: pagmamahal sa puri, matapat at timtimang loob, maliwanag na pagiisip, malinis na asal, maginoong kilos, pagibig sa kapuá, at pagpipitagan sa Maykapal, ito ang ituró sa anak. At dahil ang buhay ay punó ng pighatí at sakuná, patibayin ang loob sa ano mang hirap, patapañgin ang pusó sa ano mang pañganib. Huag mag antay ang bayan ng puri at ginhawa, samantalang likó ang pagpapalaki sa batá, samantalang lugamí at mangmang ang babaing magpapalaki ñg anak.

"Walang maiinom sa labó at mapait na bukal; walang matamis na buñga sa punlang maasim. Malaki ngang hindí bahagyá ang katungkulang gaganapin ng babai sa pagkabihis ng hirap ng bayan, nguni at ang lahat na ito'y dí hihigit sa lakas at loob ng babaing Tagalog. Talastas ng lahat ang kapanyarihan at galing ng babayi sa Filipinas, kayá ñgá kanilang binulag, iginapus, at iniyukó ang loob, panatag sila't habang ang iba'y alipin, ay ma-aalipin din naman ang lahat ng mga anak. Ito ang dahilan ng pagkalugamí ng Asia; ang babayi sa Asia'y mangmang at alipin.

"Makapangyarihan ang Europa at Amerika dahil duo'y ang mga babai'y malaya't marunong, dilat ang isip at malakas ang loob.

"Alam na kapus kayong totoo ñg mga librong sukat pagaralan; talastas na walang isinisilid araw araw sa inyong pagiisip kundí ang sadyang pang bulag sa inyong bukal na liwanag; tantó ang lahat na ito, kayá pinagsisikapan naming makaabot sa inyo ang ilaw na sumisilang sa kapuá ninyo babayi; dito sa Europa kung hindí kayamutan itong ilang sabi, at pagdamutang basahin, marahil ay makapal man ang ulap na nakakubkob sa ating bayan, ay pipilitin ding mataos ñg masantin na sikat ñg araw, at sisikat kahit banaag lamang.

"Dí kami manglulumo kapag kayo'y katulong namin; tutulong ang Dios sa pagpawí ñg ulap, palibhasa'y siya ang Dios ñg katotohanan; at isasaulí sa dati ang dilag ñg babaying Tagalog, na walang kakulañgan kundí isang malayang sariling isip, sapagka't sa kabaita'y labis..."

English:

"... Let us be reasonable and open our eyes, especially you women, because you are the ones who open the minds of men. Consider that a good mother is different from the one created by the friars. Raise your children close to the image of the true God – the God who cannot be bribed, the God who is not avaricious, the God who is the father of all, who is not partial, the God who does not fatten on the blood of the poor, who does not rejoice at the plaint of the afflicted, and does not obfuscate the intelligent mind.

"Awaken and prepare the mind of the child for every good and desirable idea – love for honor, sincere and firm character, clear mind, clean conduct, noble action, love for one’s fellow men, respect for God – teach this to your children. And because life is full of sorrows and perils, fortify their character against any difficulty, strengthen their hearts against any danger. The country should not expect honor and prosperity so long as the education of the children is defective, so long as the women who raise the children are enslaved and ignorant.

"Nothing can be drunk in a turbid and bitter spring. No sweet fruit can be picked from a sour seed. Important indeed are the duties that women must fulfill in order to relieve the country of her sufferings, but they are not beyond the strength and character of the Filipino woman to perform. Everybody knows the power and the prudence of the women of the Philippines. Hence they blind them, chain them, weaken their spirit, so sure are they that so long as the mother is a slave, all her children can be enslaved also. This is the reason of the enslavement of Asia: the women of in Asia are ignorant and oppressed.

Europe and America are powerful because there the women are free and educated, their mind is lucid and their character is strong.

We know that you lack instructive books; we realize that nothing is injected into your mind daily except what will serve to dim your inherent light. We are aware of all this so that we are endeavoring to make the light that is shining over your fellow women in Europe reach you. If you will not be bored with these few words that we are going to say and you will read them, perhaps no matter how thick the fog that envelops our country, the brilliant light of the sun will penetrate it and it will shine however faintly.

We shall not falter if you help us. God will help us to dispel the mist for He is the God of Truth; and the former brilliance of the Filipino woman will be restored undiminished. She lacks nothing but a free mind, for she had an excess of goodness.