Wednesday, November 25, 2015

Governor's suspension drama sabi da

Sabi pala ni BENJAMIN FRANKLIN, American statesman, scientist and philosopher:
"TRICKS AND TREACHERY ARE THE PRACTICE OF FOOLS, THAT DON'T HAVE BRAINS ENOUGH TO BE HONEST."

SUSPENSION DRAMA SABI DA
Ano kayang drama ito? Base sa mga 'praise release' ng Reyes camp sa mainstream media unang linggo ng Nobyembre (Nov. 5),  ay "nagboluntaryo" daw kuno na magpasuspinde si Carmencita Reyes bilang governor ng Marinduque.

Pero ang totoo ay halos dalawang taon na mula ng arraignment, puro hadlang, at kailan lamang nagpataw ng kaukulang suspension order ang Sandiganbayan, na inantala pa rin sa pamamagitan ng bagong motion for reconsideration.

Matatandaang naglabas ang Sandigan ng suspension order for 60 days kay Reyes dahil nga sa Graft and Technical Malversation case na isinampa laban sa kanya na may kinalaman sa Fertilizer Scam.

Ang Order ay epektibo October 8, 2015. Iniutos naman ng Sandiganbayan sa DILG na ipatupad ang suspension sa loob ng 10 araw at ipaalam sa Sandigan ayon sa kautusan, kung ano ang pagkilos na ginawa ng DILG.

Naging tahimik naman ang DILG central. Sobrang tahimik. Tahimik pa rin hanggang ngayon.

DILG certification that Vice-Gov. Bacorro assumed the position as Acting Governor of the Province of Marinduque on Nov. 16, 2015.

Dahil yata sa sobrang katahimikan o marahil ay dala ng pagkalito mula sa mga apektadong tanggapan ay nagpalabas na ang DILG Marinduque ng CERTIFICATE na may petsang November 19, 2015, na si Vice-Governor Bacorro na raw ang ACTING GOVERNOR mula noong NOVEMBER 16, 2015.

May hiwalay ding CERTIFICATION pala ang DILG Marinduque na may petsang Nov. 19, 2015, na nagsasabing ayon sa Local Government Code ang highest ranking member ng SANGGUNIANG PANLALAWIGAN ang awtomatikong uupo bilang Vice-Governor sa petsang mabakante ng incumbent Vice-Gov ang kanyang pwesto.


KINABUKASAN, Nov. 20, 2015, biglang nagpalabas naman ang Office of the Provincial Administrator ng sulat na nakadirekta sa REGIONAL DIRECTOR ng DILG na nagsasabing nagboluntaryo aniya na bakantehin ng Governor ang kanyang pwesto mula noong NOVEMBER 12, 2015.

May mga hiwalay na deklarasyon din bigla na nanggaling sa Governor at Vice-Governor pero unang inilabas at nabasa ng mga kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan noong NOV. 20, 2015, bagamat halatang BACKDATED sa NOV. 12, 2015, ang ipinakalat na dokumento. (Iyon ang petsang napabalitang nasa MAYNILA ang Governor upang personal na tanggapin diumano ang SUSPENSION ORDER mula sa DILG Central).
Assuming the "functions and responsibilities of the Office of the Governor".

After DILG issuance of a certification on Nov. 19, newly appointed provincial administrator, Baron Jose L. Lagran informs DILG Regional Office on Nov. 20 the date the said letter was received by DILG Marinduque that Bacorro "has assumed the functions and responsibilities as Chief Executive". 

Wala namang ipinaalam pagkaraka sa alin mang lokal na ahensya o departments, kasama na ang tanggapan ng Vice-Governor. Dahil dito, may mga dokumentong pinirmahan ang Vice-Gov na naayon pa sa dating puwesto niya na may petsa pang Nov. 13, 2015 - dahilan para maligayang nakatanggap naman ng kanilang sahod ang mga SP employees ng petsang iyon bilang pruweba. Gayun din ang iba pang empleyado ng kapitolyo na nasa ilalim naman ng incumbent governor na pumirma rin diumano sa kaukulang mga transaksiyon.
Suspended governor and incumbent vice governor publicly receiving prize
for the provincial entry to the MIMAROPA Festival in Or. Mindoro, Nov. 14.

Nagpunta pa ang Gov at Vice-Gov sa Oriental Mindoro para irepresenta ang mga sarili nila bilang mga opisyal ng Lalawigan ng Marinduque noong MIMAROPA FESTIVAL, November 14, 2015. (tingnan ang larawan)

November 18 naman ay dumalo ang mga pangunahing opisyales ng pamahalaan sa Provincial Sports Meet sa Torrijos, at si Dr. Romulo Bacorro Jr. ay ipinaklilala bilang Vice-Governor pa rin ayon sa mga nakadalo. (tingnan ang larawan)

Sabi pala ni BENJAMIN FRANKLIN, American statesman, scientist and philosopher:
"TRICKS AND TREACHERY ARE THE PRACTICE OF FOOLS, THAT DON'T HAVE BRAINS ENOUGH TO BE HONEST."

Sa kabanatang ito mga sino-sino kaya ang hindi naging honest at patuloy na hindi nagiging honest sa kanilang nasasakupan, at higit sa lahat, BAKIT?

Marinduque officials at the provincial sports meet in Torrijos, Nov. 18.
With nobody certain as to who has succeeded whom, Bacorro was not introduced as Acting Governor. He would later issue a curiously worded certification, circulated Nov. 20, that he has "assumed the functions and responsibilities of the Office of the Governor" effective November 12.