Sunday, May 8, 2016

Lumaya ka na Marinduqueno! #Pagbabago2016



Ang mga salaping galing sa malalaking korporasyon ang pangunahing source ng election money sa Marinduque. Matapos maganap ang Marcopper mine disaster (1996), bumaha ang salapi na galing sa Placer Dome sa tinagurian noon ng Simbahan na kumondena sa pangyayari bilang "pinakamalawakang pamimili ng boto sa kasaysayan".
Mababasa sa itaas ang ilang detalye kung paano ito naisagawa ng nasa puwesto noong Halalan 1998.


Gaano kahabang panahon na bagang nagahangad ng TUNAY NA PAGBABAGO ang Marinduqueno?

Ang kahirapan ng buhay ng nakakarami sa islang-lalawigan na ito ay dala mandin ng maraming bagay. Kasama dito ang walang humpay na mga katiwalian sa lokal na pamahalaan sa loob ng maraming taon; Paniniil sa dangal at kaluluwa ng Sambayanan ng mga GANID SA KAPANGYARIHAN AT SALAPI, at lalong laganap ito tuwing may HALALAN. 

Saan galing ang salapi? Salaping galing sa kaban ng bayan, galing sa mga malalaking korporasyon na naging sanhi ng pagkawasak ng mga mayayamang bahagi ng ating islang-lalawigan, pagkawasak din ng mga kaugalian at mga bagay na dati ay mahalaga sa atin; KATAPANGAN, KATAPATAN, KATOTOHANAN mga SAGRADONG PANINIWALA.

Habang ang mga karatig-lalawigan natin ay nagagawang pag-isahin ang kanilang karapatang managinip, pagsama-samahin ang kanilang mga talino at ang kanilang kakayahang mag-isip ng makakabuti para sa hinaharap, nakatuon naman ang pag-iisip ng Sambayanan sa halaga ng salapi na bumabaha tuwing Halalan. "Magkano raw ang bigayan?"

Ilang pag-aalsa na ang naganap sa ating bayan sa nakalipas na panahon:
Laban sa hindi makataong pagsalaksak sa ating lalamunan ng mga bagay na may kinalaman sa mga kasong ipinaglalaban naman natin; mga kasunduan na kung saan naroon ang malalaking kuwarta.
Salaping ang ultimong pakay LAMANG ay ang pananatili sa puwesto nilang mga mapaniil! 
May pag-aalsa pa rin laban sa problema sa ilaw;
Sa pagpapagamot sa ospital na tinaguriang 'slaughter house'; Sa panibago at walang katapusang mga KATIWALIAN. 

PAIKOT-PAIKOT, PAULIT-ULIT!

Ngayon na ang panahon PARA SA TUNAY NA PAGLAYA. 

UMALPAS NA KITA SA HAWLA at TULUYANG MAGKAISA na, O BAYAN KO, para sa isang BAGONG MARINDUQUE!

TULUYANG IBAGSAK na natin ang mga MAPANIIL, mga WALANG HABAG, mga WALANG KONSENSIYA! Mga taong di nanununton sa KATUWIRAN.

Huwag na silang bigyan ng puwang para ipagpatuloy pa ang kanilang mga KASAMAAN.

Sa Mayo 9, ang DAKILANG PANGINOON ay NASA ATING TABI.

NGAYON NA PO ANG PANAHON!




GOD BLESS MARINDUQUE!