Friday, July 1, 2016

Samahan ninyo ako sa biyahe - Pres. Duterte

Pangulo ng Pilipinas, Rodrigo R. Duterte
sa kanyang unang talumpati bilang pangulo. Larawan AFP./PCOF

“Magiging maalon ang biyahe pero samahan pa rin ninyo ako”. Binanggit ito ng bagong pangulo ng Pilipinas sa panimula ng kanyang unang talumpati bilang president kahapon sa Malacanang.

Ang mga problema, anya na nangangailangang kagyat na harapin ng bansa ngayon ay korapsyon, maging sa mataas o mababang bahagdan ng gobyerno, mga kriminalidad sa mga kalye, at ang kalat na pagbebenta ng mga bawal na droga na nagaganap sa lahat ng sulok ng lipunan, at ang pagkasira ng batas at kaayusan.

Si Presidente Rodrigo R. Duterte na isang abogado na nakilala bilang isang makapangyarihang mayor ng Davao City higit sa dalawang dekada, ay nagsabing ang mga problema ng Pilipinas ay sintomas ng pagkaguho ng tiwala ng taumbayan sa kanilang mga lider.

Sinabi ni Duterte na ang kanyang laban kontra sa kriminalidad ay walang sasantuhin at tuloy-tuloy. Nanawagan din siya sa mga bumabatikos sa kanya kongreso sa usapin ng karapatang pantao na igalang ang mandating ibinigay sa kanya ng mga Pilipino.

Idiniin ni Duterte na igagalang niya ang batas. “Bilang abogado at taga-usig, alam ko ang hangganan ng batas at kapangyarihan ng president. Alam ko kung ano ang legal at kung ano ang hindi. Ang pag-ayon ko sa karampatang proseso at pananaig ng batas ay matatag, ayon sa kanya.

“Sa lahat ako ay nagsisilbi. Nahalal ako bilang pangulo para pagsilbihan ang buong bansa. Hindi ako nahalal para pagsilbihan ang interes ng sino mang tao o grupo o alin mang isang uri,” ani Duterte. (“I serve everyone. was elected to the presidency to serve the entire country. I was not elected to serve the interest of any person or any group or any one class”)

Sinabi rin ng ika-16 na pangulo ng Pilipinas na igagalang niya na igagalang ng Republika ang lahat ng mga tratado at pandaigdigang mga kasunduan.

Matatandaang nauna nang ipinahayag ni Duterte sa panahon ng kampanya ang pangangailangan ng bansa ng isang mas malawak na reporma. Pangunahin dito ang pagbabago ng umiiral na sistema tungo sa pederalismo. Ang mga bagong estadong malilikha bunsod nito ay mabibigyan ng higit na kalayaang magpatakbo ng nasabing mga estado.  Ang mga estadong ito ay magagawang gamitin para sa kapakanan ng mga nasasakupan ang malaking bahagi ng kanilang pinagkakitaan.

Subalit ang pagsulong sa pederalismo ay nangangailangan din ng pagbabago sa Konstitusyon.

Naging maganda naman ang mga reaksyon ng mga mambabatas. Ilan lamang sa kanila ay ang mga sumusunod:

Senado. Larawan: Wikipedia

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na mabuting niliwanag ni Pangulong Duterte na hindi siya makikialam sa Gawain ng Kongreso, na kasama rito ang pag-iimbestiga in aid of legislation.

Nasiyahan din si Lacson sa naging direktibo ng pangulo sa mga miyembro ng Kabinete para maputol ang red tape sa kani-kanilang mga departamento at mga ahensya, na nagmumungkahing ipatupad ang Anti-Red Tape Act, na inakda ni Lacson at nagging batas noong 2007, subalit hindi naipatupad ng malawakan.

Ipinahayag naman ni Sen. Gregorio Honasan na dapat paniwalaan ng mga tao ang mabuting kalooban ni Pangulong Duterte sa pangyayaring siya ay pinili ng karamihan at dahil sa pagiging abogado, si Duterte ay nakapanumpa na suportahan ang pananaig ng batas at kaukulang proseso.

“Hiningan niya ng tulong ang mga mamamayan para tulungan siya at nagsagawa ng pag-uutos sa kanyang Kabinete. Tungkulin natin na tumugon,” sinabi ni Honasan sa isang text message. (“He has asked the citizenry to help him and issued marching orders to his Cabinet. It is our duty to respond.”)

Binati naman ng magiging Senate Majority Leader Vicente Sotto III, ang pangulo sa kanyang mga binanggit, at idinagdag ng senador na ang mga ito mismo ang inakala nitong nasa isipan ng pangulo. (“precisely what I thought he had in mind.”)

Ayon naman kay Sen. Loren Legarda ay sumasang-ayon siya sa lahat ng sinabi ng pangulo, lalo na sa kagustuhan nito na pagpapadali ng mga gawain, “cut bureaucracy and reduce redundancy.”

“Nakikita natin ang sinseridad sa kanyang mga salita, ang kaisipan ng isang lider, ang matinding pagpapasya na makagawa ng isang gobyerno na talagang naninilbihan sa taumbayan na may damdamin, bisyon at malasakit.  “We can see the sincerity in his words, the single-mindedness of a true leader, the political will to bring about a government that truly serves the people with passion, vision, compassion,” Legarda said in a text message).

Sa Senado. File photo ng Inquirer

Para naman kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto  ang mga nabanggit ng pangulo ay ang mga bagay na kailangan ng bansa ngayon, (“the things the nation needs today)”.

“His speech was presidential, purposeful and persuasive. We expect more of it in the days to come as he delivers his marching orders to his army of change,” banggit ni Recto sa isang pahayag.

“Kaisa ako sa mga pakay ng bagong Pangulo, lalo na sa pagsugpo ng kriminalidad, droga at korapsyon sa gobyerno”, pahayag naman ni Sen. Nancy Binay. (“I am one with the goals of our new President, particularly in targeting crime, drugs and corruption in government.”)

Sa kanyang pagbati sa pangulo, nangako si Binay ng pagsuporta sa mga pagsasabatas na kinakailangang isagawa para makamit ng bagong administrasyon ang pakay nito.


Sinabi ni Binay na ang bagong administrasyon ay makakaasa ng kanyang suporta at ng kanyang mga panalangin at pag-asa na mabubuting pagbabago ang magaganap sa sunod na anim na taon.