Kuha ito sa Otsuchi, Japan noong 2011 Tsunami |
Sa Northern Iceland, 50 maliliit na pagyanig at dalawang lindol na higit sa 4.0 magnitude ang naramdaman na nitong mga nakaraang araw.
Sa Japan, hindi bababa sa 5 lindol na ang magnitude ay mula 4.7 to 5.2 ang naitala ngayong linggo. Alam natin na tulad ng Pilipinas, ang Japan ay bahagi ng seismically active region na tinaguriang Ring of Fire kung saan panay ang lindol.
Noong 2011, ang isang napakalakas na lindol (M 9.0), sa Japan ang naging sanhi ng isang higanteng tsunami na kumitil sa buhay ng 16,000 katao at pagkasira ng ilang nuclear power plants doon. Hanggang ngayon ay nararanasan pa rin ang masamang epekto ng radiation nito sa buhay dagat, hangin, lupa at iba pa sa ibat-ibang panig ng mundo.
Sa Pilipinas naman, base sa aking pagtingin sa tala ng Phivolcs, 21 magnitude 4.1-5.2 na lindol na ang naitala sa buwan ng Hunyo 2017.
Kung ihahambing ito sa mga naganap na sunod-sunod na pagyanig noong Abril 2017, umabot noon sa 58 ang malalakas na lindol mula magnitude 4.1 pataas. Naganap din noong Abril ang isang napakalakas na M 7.2 sa karagatan ng Sarangani (Davao Occ.), Abril 29, 2017.
Numero uno ang Pilipinas?
May isang pag-aaral na naisagawa na nagsabing noong 19th century (1801-1900), Pilipinas ang nanguna sa listahan ng 10 mga bansang malimit bisitahin ng lindol. ('Number of shocks divided by area of region expressed in million of square miles' ang ginamit na formula).
Sa nasabing pag-aaral naitala ang sumusunod: Philippines (71), Italy (62), China (59), Asia Minor (48), Japan (42), Mexico (42), Greece (37), West Indies (29), India (27), United States (22).
Sa ngayon, masasabing hindi na bababa sa 3,500 lindol (mahina at malakas) isang taon ang naiitala ng Phivolcs (kada araw ay naiitala ang mga 10-20 pataas na lindol).
Pilipinas ang nanguna sa isang pag-aaral bilang bansang pinakamalimit bisitahin ng lindol (Crustal unrest in the Philippines, A Alcaraz). |
Larawang kuha sa Lebak, Sultan Kudarat noong 1976 Moro Gulf Earthquake. Wikipedia |
Ang Maynila naman ay nakaupo sa tinatawag na Manila Trench katabi ng Manila Bay. Ang isang 6.5 magnitude na lindol daw ay may kakayahang gumawa ng isang 4 metro kataas na tsunami. Sapat daw iyon na pumatay sa 3,100 tao na naninirahan sa Metro. Base ito sa 2004 Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study conducted by the Japan International Cooperation Agency
Paano bagang nabubuo ang tsunami? Panuura dini:
Random na bilang ng lindol: June 26, 2017 (22), June 27, 2017 (10) |
PS!
May Earthquake Drill baga ngayon sa iyong lugar? Habang inasulat ko ito, tiyempong may natanggap akong text message from NTC. Ang sabi:
May Earthquake Drill baga ngayon sa iyong lugar? Habang inasulat ko ito, tiyempong may natanggap akong text message from NTC. Ang sabi:
"Sabay-sabay tayong mag-DUCK, COVER and HOLD sa 29 June 2017 2pm. Join the Nationwide Simultaneous Earthquake Drill. #BidaAngHana" - NTC
Agad akong nagsearch sa Internet tungkol sa mahalagang kaganapan na ito ngayong araw. Ni-ha ni-ho ay wala naman, wala talaga. "Nationwide" pa ha? Lokohan?
Update: Matuyatuya National High School in Torrijos, Marinduque conducts its Earthquake Drill June 29, 2019. Other Marinduque schools also held their own similar drills.
Update: Matuyatuya National High School in Torrijos, Marinduque conducts its Earthquake Drill June 29, 2019. Other Marinduque schools also held their own similar drills.