Nitong nakaraang ika-13 ng Hunyo, nagtungo po ang inyong kinatawan sa NAPOCOR upang ilapit ang suliranin sa kuryente ng ating lalawigan.
Malugod ko pong ibabalita sa ating mga mahal na Marinduqueño na tayo ay agarang pinakinggan at pinagbigyan ng NAPOCOR! Tinitiyak ni NAPOCOR President Pio Benavidez ang suportang ihahatid nila sa ating lalawigan, at ito ay ang sumusunod:
1) Upang hindi "numipis" ang daloy ng kuryente na nagmumula sa genset sa Boac, maglalagay ng isang 1.5 megawatt (mw) at isang 550 kilowatt (kw) na genset sa Torrijos ang Napocor upang lumakas ang boltahe ng kuryente sa Torrijos, Sta. Cruz at Buenavista;
2) Papalitan nila ang lumang 4mw na genset sa Boac ng limang bagong 1mw na mga genset sa Septyembre, 2017 at magdadag pa ng apat na 1mw na mga genset pagsapit ng 2018, upang masiguradong may sapat na supply ng kuryente para sa pangangailangan ng mga kabahayan, mga tanggapan, paaralan at negosyo sa Marinduque;
3) Aayusin din ang 69KV na linya ng kuryenteng tatakbo mula Boac hanggang Torrijos upang maging malakas ang daloy ng kuryente at maiwasan ang paiba-ibang boltahe na nakakasira sa ating mga kasangkapan.
4)Nangako din ang NAPOCOR na kanilang papalawigin ang serbisyo ng kuryente pará sa mga isla ng Maniwaya, Polo at Mongpong mula 8 oras hanggang 16 na oras pagsapit ng 2018.
Dagdag nito ay sinusubaybayan ng inyong lingkod ang mga hakbang na ginagawa ng Marelco upang maresolba ang tuluyang brownout. At napasyahan nga nila na isa isahing inspeksyunan ang bawat poste sa buong probinsya na kung hindi ako nagkakamali, along sa national highway natin ay nasa 1200 na hindi pa kasama ang mga interior.
Ginagawa na din po nila na putulin ang mga sanga ng mga puno na malapit sa mga Linya. Kukunin ko na po itong pagkakataon para makiusap sa mga kinaukulang mga Mayari ng mga lupang ito para payagan po ang Marelco na linisin ang paligid na malapit sa mga linya. Sinusuportahan ko po ang hakbangin na ginagawa nila at susuportahan nyo din po kung tuluyan na gusto natin matapos ang problema sa brownout.
Asahan po ninyong patuloy ang inyong kinatawan na nakikipag-ugnayan sa kaukulang mga tanggapan upang maihatid ang nararapat na serbisyo pará sa ating mahal na lalawigan ng Marinduque.
Sana po ay magkaisa tayo at tigilan na ang bangayan pará sa ikauunlad ng probinsya! Maraming Salamat Po!!!!
Gandang gabi po sa lahat ng aking mga kababayan!!!
Bukas ko pa po sana ito ipopost subalit sa sobrang kasiyahan at excitement ko po ay hindi na ako makapagpigil. Kakatapos lang po ng inyong lingkod kasama ko po si Sec. Cusi ng DOE at ni Sen. Sherwin Gatchalian sa isang meeting dito sa Germany na napagkasunduan na gawing pilot province ng isang pribadong solar korporasyon ang probinsya natin.
Hindi po sila magtatayo ng solar farm kundi may mga pipiliin na mga bahay o building whether private or public at ang mga bubong nila ang lalagyan ng solar panels. Paguusapan na po kung papaano ang scheme dito pero ayon sa mga napagusapan ay walang gagastusin ang kabahayan bagkus sila ay makita pa.
Nakakataba ng puso talaga at naitulak natin ang probinsya at napili sya at nag issue na po ng order si Sec. Cusi para mapabilis ang pagpapatupad nito. Ngayong July ay maguumpisa na po ang pagassess at ang pagkilos para sa katuparan ng project na ito.
Mula dito sa Germany, Maraming maraming salamat po sa suporta!!!
To God be the Glory!!!!
- Cong. Lord Allan Velasco, Hunyo 22, 2017