Thursday, August 3, 2017

Matinding record baya (Part 5): Mga pagtutuwid; hamon; pira-pirasong yaman mapupulot mo pa sa Marinduque

'A Chart of the Channel in the Philippine Islands through which the Manila Galeon passes'. Published by the London Magazine, June 1763. Anong Ysla ang nasa gitna?

Ang isla ng Marinduque ay nakukulong sa gawing kanluran ng Mindoro, ang ika-pito sa pinakamalaking isla sa Pilipinas, at sa norte ay naroon naman ang mahabang baybayin ng southern Luzon. Ang baybayin namang ito ay nakabanat paikot mula sa gawing north-west ng Marinduque hanggang sa north-east, east at south-eastern na direksiyon (Bondoc Peninsula). Sa katimugang bahagi papuntang Visayas ay naroon naman ang mga isla ng Tablas, Sibuyan, Romblon, bahagi sa malayo pang south-east na direksiyon ang dulo ng mga isla ng Masbate at Ticao.

Sa bahagi ng Ticao lumalagos ang tubig na nagmumula sa Pacific Ocean na dumadaan muna sa pinakadelikadong lugar na layagan ng mga barko sa bahaging iyon, ang San Bernardino Strait na tinawag ng mga Kastilang Embocadero (Mouth).

San Bernardino Island sa San Bernardino Strait. Photo: OffTrackPhilippines

Nabanggit na natin na ito ang mga lugar na nasa daanan ng mga bagyo, kaya't dagdagan pa ng mga bahura, bankota (coral shoals) at iba pang nakalubog na mga batong mapanganib sa mga barko, ito ang trade-route noong panahon ng mga Kastila na tinaguriang "isa sa pinakamahirap na mga tawiran para layagan sa buong mundo". 

Ang mga natirang labi at pagkalubog ng Manila galleons ay itinuturing na pumapangalawa lamang sa mga labi ng treasure ships sa Caribbean. Natala na ang unang galleong lumubog patungong Mexico ay ang San Pablo noong 1568, mismong barko ito ni Miguel Lopez de Legaspi.

Navigational Route Hazards Map.
Halos kalahati ng mga lumubog na Galleon sa bansa ay nakalibing sa Tablazo de Marinduque

Mula 1576 hanggang 1798 ay naitalang 20 galleons ang lumubog sa Pilipinas (Manila Galleons). Kung tutuusin ay halos kalahati dito, base sa mga dokumentong natalakay na, ang nangagsilubog sa tinawag ni Fr. Pedro Murillo na Tablazo de Marinduque. (tablazo: arm of the sea). 

Higit sa 40 galleons  naman kasama na ang mga ito, ang naglaho sa loob ng 250-taong kasaysayan ng Manila-Acapulco trade (Singer). Marami sa mga barkong ito ay dala ang pinakamayamang cargo na nailayag ng panahong iyon sa laot ng dagat. 

Ayon naman sa panulat ni Isorena, 41 'incidents' out of 59 ang naganap sa archipelago mula 1568-1806, at sa Embocadero raw na may 6 incidents lumubog ang pinakamarami. Ang 6 galleons na lumubog sa Marinduque sa isang araw ay hindi isinama dahil Manila-Acapulco-Manila routes lamang pala ang binilang niya at hindi isinama ang mga biyahe ng galleons within the archipelago. Dahil dito, 2 insidente lamang sa Marinduque ang nakatala sa kanya at ang ibang insidente ay wala. Kung lahat ng incidents ang pag-uusapan, may mga sakunang naganap sa Tablazo de Marinduque noong 1590, 1599, 1617, 1646 at 1659 (5 incidents), kung saan 9 na barko ang lumubog, 8 dito ay Spanish galleons at 1 Dutch ship. Nasa Part 2 & 3 ng salaysay na ito. Kung ganoon, masasabing sa Tablazo na ito pa rin lumubog ang pinakamaraming galleons, tama po ba?

Unang nabahura at nawasak ang San Ildefonso sa dagat na ito;

Ang mga pangalan ng mga galleon na lumubog sa Tablazo na ito ay nangangailangan pa ng karagdagang pananaliksik. Bilang kontribusyon ko sa pag-aaral tungkol sa bagay na ito, napangalanan ko na ng tama na ang unang barkong sumadsad sa isla ng Marinduque noong 1590, panahon ni Gomez Perez-Dasmarinas ay ang SAN ILDEFONSO. Dahil sa natuklasan kong ito ay nangangailangang ituwid ang mga naisulat na sa maraming literatura (na nagsasabing San Felipe raw), kung katotohanan ang pakay ng mambabasa.

Itutuwid ko na rin ang isang bahagi ng isa pang popular na aklat sa akda naman ni Tom Bennett, Treasure Ships of the Philippines. (Hindi siya nag-iisa, dahil ang ibang manunulat ay maling galleon naman ang sinasabi). Sa nasabing aklat, ang nakalagay ay "ship almiranta with no name' at iba pang teoriya niya. Idinikit pa rito ang natagpuang wreck site sa Tres Reyes (tinuring ng manunulat na 'galleon site', mali).

Maling paghaluin ang magkahiwalay na istorya ng dalawang barko - isang almiranta at isang ipinapalagay na Chinese junk (o isang prehistoric Philippine trade vessel man). At sasabihin ko ng paulit-ulit kahit ako'y maging makulit: San Ildefonso ang pangalan ng almirantang di nila mapangalanan, o maling pangalan ang sinasabi nila.

 Ito ang kopya ng nasabi ni Bennett:

La raw pangalan? Nahanap ko na po!

And sorry, maling-mali si Shirley Fish dito sa kanyang pamosong
 The Manila-Acapulco Galleons: The Treasure Ships of the Pacific.


Don Perez Dasmarinas sa isang guhit ni Felix Resureccion Hidalgo, 1896.
San Ildefonso ang almiranta ni Gomez Perez Dasmarinas nang bumiyahe siya mula Acapulco papunta sa Pilipinas 1590, bilang bagong Governador. Lulan ng San Ildefonso si Padre Pedro Chirino, isa sa mga sakay ng almirantang napadpad sa baybayin ng Marinduque na doo'y nawasak.
Tungkol sa malaking trahedya noong 1617, that's 400 years ago!

Naisulat na ang naganap sa Karagatan ng Marinduque noong 1617 sa panahon ni Geronimo de Silva ang "pinakamatinding trahedya na nangyari noong kapanahunan niya" nang lumubog ang anim na galleons sa lugar na ito. Kung ganoon, hindi mawawalan ng mga pinaglumaang dokumento tungkol dito maliban sa nahalukay kong sulat ni Alonso Fajardo de Tenza kay Felipe II, Agosto 10, 1619, kung saan kinumpirma niya ang pangyayari. May kakulangan nga lamang sa mga detalye ang kanyang naisulat na mahalaga naman para sa mga mag-aaral ng kasaysayan, lalo na sa mga interesado sa shipwrecks

(Dagdag: Habang sinusulat ko ito ay may nahukay pa akong isa pang liham na pinadala pa rin ni Fajardo kay Felipe II eksaktong isang taon o Agosto 10, 1618, bago niya ipinadala ang sulat na nabanggit sa itaas. Sa salin sa Ingles ng bahagi ng sulat ay ganito ang nakalagay:

Letter to Felipe III from Alonso Fajardo de Tenza, Agosto 10, 1618
"After our aforesaid misfortunes the six galleons that were to be fitted up at the shipyards were, while going there, overtaken by a hurricane, and were all wrecked, together with seven hundred persons whom, it is said, they were carrying—namely, natives, Sangleys, and Spanish sailors and shipbuilders, and some infantrymen—besides those who escaped, who were very few. Consequently, these islands were left without any naval forces and with few enough on land, by the above-mentioned disaster and the many private persons who died on the expedition to Sincupura or Malaca. The result was very great sorrow to the citizens, because of these troubles.."
 Sa sinulat naman ni Bennett, na nakuha naman niya sa iba pang source na nabasa ko na, napakaikli naman ng nasabi tungkol sa mga lumubog na galleong ito sa Tablazo ng Marinduque. Tungkol sa anim na barko, narito ang karagdagan niyang palagay:


"Marinduque wrecks Six large vessels, (assume 300 tons) said to be sunk in a tidal wave/typhoon off Marinduque.
14 Oct 1617 Six vessels lost, assume large vessels, Cargo not known."
- Treasure Ships of the Philippines, Tom Bennett
Para ito sa mga magpapatuloy pa, kung mayroon man, na maghanap pa ng mga kasagutan sa hindi dapat maitsepuwerang bahaging ito ng kasaysayan, ng pambansang kasaysayan ng Filipinas.)

Chinese junks o Philippine prehistoric boats?

Matatandaang ang unang sistematikong marine archaeology ay isinagawa sa Marinduque noong 1982, malapit sa Gaspar Island (Tres Reyes). Ito yung tinawag nilang 'merchant boat', hindi galleon, na may kargamentong "stoneware jars and covers, porcelain plates, dishes, saucers, and bowls". Ang mga porselana ay ipinalagay nilang Ming dynasty at ang mga stoneware jars naman ay "brown-glazed with relief dragon designs."

Nang sumunod na taon, sa Puerto Galera naman, na nasa kanluran ng Marinduque nakadiskubre din at nagsagawa ng isang marine archaeology. Naunahan nga lamang sila ng mga 'looters' ng mga artefacts na pinaniniwalaan namang nanggaling sa 'Siam' (Thailand).

Tres Reyes Islands at Mount Malindig
Looters

Ang totoo, naunahan din ng mga 'looters' sa Marinduque ang mga taga National Museum. Sa ano pa mang kadahilanan, nagsagawa muli ng "reexcavation" sa Marinduque wreck site sa may Gaspar island. Ayon sa mga pahayag ng mga kinauukulan ito raw ay para malaman kung mayroon pang 'archaeological data' na makukuha mula sa wreck site. Ang nangyari, walang nakitang ano pa mang natitirang bahagi ng barko doon.

Mayroon daw isasagawang report noong mga 1980s kung saan isasama ang mga resulta ng 'terrestrial archaeology' sa Marinduque at ang papel ng Marinduque sa sinaunang maritime trade network sa Pilipinas.

Isang depiksyon ng karakoa. Lumitaw sa The Philippine Islands, 1493-1898 
Vol.16, 1904 Blair and Robertson
Tila may kahirapang mahanap ang report na iyon. Ganunpaman, noong 1978 pa lamang, nadiskubre na ang tinatawag na mga Agusan prehistoric boats na anila ay patunay na ang mga komunidad sa mga baybayin ng Pilipinas ay aktibo na sa maritime trade. Ginawa ang mga balangay para sa malayuang biyahe, at sa isang balangay na nahukay, kasya ang 25 katao. Isa pa, may tinawag ang mga Bisaya noon na karakoa, bangkang gamit sa labanan na ginagamit din nila noon bilang trading vessel.


Isang 14th century Yuan junk naman. 

World War II, nang matapos ang digmaan hanggang sa kasalukuyan

Hindi pa rin mahuhuli sa listahan ang Karagatan ng Marinduque kung ang pag-uusapan naman ay bilang ng mga Japanese warships na lumubog dito. Nalaman na natin na bago pa bumalik si Douglas McArthur dito para sa kanyang "I shall return", may lihim na operasyon na ang US Navy sa lahat ng sulok ng dagat Marinduque.
Sabi pa rito: "Elements of the Western Visayan Task Force from southwestern Mindoro had secured the northern and eastern coasts of Mindoro and had seized Marinduque Island, thirty miles east of Mindoro." (RR Smith)

Kahit naganap na ang pagbagsak ng Corregidor ay patuloy pa rin ang rekurida ng mga US submarines dito. Pumapel pa nga ang hinangaang USS Trout submarine na sa gitna ng labanan ay nakapagdala pa ng mga ammunition para sa US forces sa Corregidor at pagbalik niya sa Pearl Harbor, hakot naman ang 20 toneladang gold bars at silver pesos - bagamat mas marami pa doon ang naiwan sa Corregidor. Kung saan napunta ang lahat ng naiwang tone-toneladang ginto't pilak na namumulaklak ay palaisipan pa rin hanggang ngayon. 


Anim na Japanese ships ang nakahimlay sa ilalim ng dagat dito sa Marinduque. Dapat ay walo pero bagamat nabombahan ang dalawa ay nakalusot pa rin papuntang Manila Bay. Hindi maiiwasan ang katanungan kung may dala kayang mga bara ng ginto ang alinman sa mga barkong lumubog dito noong panahon ni Yamashita

Bakit kaya naman hanggang sa kasalukuyang panahon ay panay pa rin ang paghuhukay na ginagawa sa ilang baybayin ng Marinduque at hindi sa dagat? Kung may makukuhang ginto, marahil ay may mga ginintuang puso naman ang makakahukay kaya para ibigay sa mahihirap? Kaya? Sabi kasi ni Jack Sparrow, "not all treasure is silver and gold, mate."

Si Jack Sparrow at kanyang pilosopiya.
Bago pa sumabog ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nang matapos ito, hindi humupa ang paglubog ng mga barko. Bagyo o human error ang dahilan. Puro inter-island vessels naman, mga 15 ang naitala ang mga pangalan, at ang iba ay hindi na marahil malalaman. Lalong nakakalungkot na dito pa sa karagatang ito naganap ang banggaan at paglubog ng isang passenger-ship at oil tanker na kumitil sa buhay ng 4,386 katao.

USS Trout at pagdiskarga ng mga ginto't pilak.

Piraso ng paraiso

Maraming sasakyang pandagat noong wala pang naitalang kasaysayan, maraming galleon, warships, mga trade at inter-island vessels ang nakalibing na sa pusod ng dagat sa puso ng Pilipinas. Bawat isa ay may kanya-kanyang istorya na hindi pa natin batid lahat. Dahil karamihan sa mga shipwrecks ay hindi pa rin natin batid ang mga eksaktong lugar na pinaglubugan at ang pangalan ng iba ay hinahanap pa. 

Sa tindi ng sinapit ng mga sakay ng mga barkong ito, sa sobrang dami ng mga nangamatay, hindi naman dapat malimutan ng husto ang mga kabanatang ito ng kasaysayan ng Tablazo de Marinduque.

Malaking hamon pa rin sa mga marine archaeologists, mga divers, mga mananaliksik at mga mag-aaral ng kasaysayan ang bagay na ito. 

Para naman sa karamihan ng mga bumibisita sa isla ng Marinduque, bagamat nabago nang dahan-dahan ang mga baybayin nito dahil sa mga bagyo, hampas ng alon at hangin, at ibat-ibang gawain ng mga tao, naroon at nakabaon pa rin sa buhanginan ang mga pira-pirasong bahagi ng mga sinaunang porselana, banga, alahas at kung ano-ano pang natangay ng mga alon sa dalampasigan, nakahalo sa mga sigay at mga batong buhay.


Mga piraso ng shards sa dalampasigan, mapupulot mo pa rin.
Iyon ang maiiuwi mong bahagi ng kasaysayan ng mistulang paraisong ito bago ito maging simbulo ng kabuktutan at kasakiman sa modernong kasaysayan natin. Bago tuluyang lamunin ng mga elemento ang lahat ng ito at sukdulang ihagis ng mas malayo pa sa ating nakaraan.


Bahagi ng barkong tinubuan na ng corals.
(Wakas)


Sources:

The Philippine Islands, 1493-1898 Vol.16 and 18, 1904 Blair and Robertson, Letters of Alonso Fajardo de Tenza to Felipe II;
Maritime Archaeology: A Reader of Substantive and Theoretical Contributions, edited by Lawrence E. Babits, Hans Van Tilburg;
UlongBeach.com;
Manila Galleons, Wikipedia;
The Manila Galleons by Steve Singer, Treasure Expeditions;
Marinduque Treasure Troves, Eli J. Obligacion, Marinduque Rising;
Treasure Ships of the Philippines, by Tom Bennett;
The Manila-Acapulco Galleons: The Treasure Ships of the Pacific, by Shirley Fish;
Maritime Disasters in Spanish Philippines: The Manila-Acapulco Galleons, 1565-1815, Efren B. Isorena, 2015;
Butuan Boats, National Museum Collections;
A Chronology of Notable Weather Events, by Douglas V, Hoyt;
Philippines in Encyclopedia of Archaeology: History and Discoveries, Wilfredo Ronquillo, 2001;
Early Navigation in the Asia-Pacific Region: Maritime Archaeological Perspective, Wu, Chunming;
Marine Archaeology in Southeast Asia: Innovation and Adaptation, Heidi Tan;
USS Trout (SS-202), see 9th Patrol for sinking Isuzu Maru.
Triumph in the Philippines, Robert Ross Smith;
Corregidor.org.