Ang sinasabi ayon sa pag-aaral ng sinaunang Tagalog na
siyang maririnig sa Marinduque, ang mga orihinal na salita dito ang maingat na
pinag-aralan at napagpasyahan, ayon sa nabanggit na pag-aaral, bilang
katangi-tanging wikang pinag-ugatan ng modernong pambansang anyo ng ating wika.
Sinaunang Tagalog na nagpakayabong na ngayon bilang wikang Filipino.
Taong 1914 pa pinag-aralan ni Cecilio Lopez, tinaguriang Father of Philippine Linguistics ang natuklasang ito. Pag-aaral na muling inilimbag ng Institute of Philippine Linguistics noong 1973, at wala pang sinumang humamon sa pag-aaral na ito at pinatunayang mali ang pag-aaral ni Lopez hanggang sa kasalukuyang panahon.
Source ng Linguistic Atlas ng Pilipinas: National Commission for Culture & the Arts (NCCA).