Tuesday, January 16, 2018

Mas gumanda nang estado ng Elektrisidad sa Marinduque isang taon matapos ang pananalanta ng Bagyong NinaPH

January 2018: Dumating sa Marinduque ang 1.5MW genset na hiniling ni Cong. Lord Allan Velasco sa mga kinauukulan.

Matapos ang mabilis na rehabilitasyon sa Marinduque ng mga nasirang power lines makaraan ang Bagyong Nina noong Disyembre 2016. Naganap ito sa tulong ng Task Force Kapatid (basahin sa ibaba).

Ngayon naman ay karagdagang 1.5MW generator para sa Torrijos Diesel Power Plant ang dumating na sa Marinduque sa tulong ng NPC, Marelco at Pangulong Rodrigo Duterte.

Marinduque, January 13, 2018, si Cong. Lord Allan Velasco ay nag-ulat:
Natutuwa po ako at isa isa ng natutupad ang pinaplano po natin para sa probinsya. Dumating na po ang nirequest nating 1.5MW na generator set na ilalagay po sa Torrijos Diesel Power Plant sa Brgy. Cagpo, Torrijos. Bukod sa pag may nasira sa linya papuntang Torrijos galing Boac ay hindi maapektuhan ang Torrijos, magiging stable ang voltage ng power, at maisasamang mabenepisyuhan dito ang bayan ng Sta. Cruz sa distribusyon ng kuryente.
Maraming maraming salamat sa Napocor, Marelco, at sa ating minamahal na Pangulo!

Torrijos Diesel Power Plant


STATUS OF POWER RESTORATION IN MARINDUQUE AS OF JANUARY 6, 2017

January 2017: Nagsidatingan sa Marinduque ang power crews mula sa ibat-ibang electric cooperatives sa Luzon para tumulong sa rehabilitasyon ng Marinduque matapos ang malakas na bagyo. Hiniling ni Cong. Lord Allan Velasco sa mga kinauukulan.

Patuloy pa rin ang rehabilitation ng mga nasirang linya ng Marelco dahil sa bagyong NINA, at ito ay sabay-sabay na isinasagawa sa anim na bayan ng ating lalawigan sa pamamagitan ng mga tauhan ng Marelco. Prayoridad ang pagsasaayos ng mga nasirang service drop wires upang mapailawan na ang mga kabahayan at iba’t-ibang establisyemento sa poblaciones na 4 na bayan (Boac, Gasan, Buenavista at Mogpog) na may kuryente na. Paghahanda naman para sa pagdating ng kuryente ang layunin ng service dropping na isinasagawa naman ng mga Linemen sa Sta Cruz at Torrijos.
Sa pagdating ng assistance mula sa Central at Southern Luzon sa pamamagitan ng Task Force Kapatid na binubuo ng mga sumusunod:

Pampanga Electric Cooperative I (PELCO I), Pampanga Electric Cooperative II (PELCO II), Tarlac Electric Cooperative I (TARELCO I), Tarlac Electric Cooperative II (TARELCO II), Batangas Electric Cooperative I (BATELCE I), Batangas Electric Cooperative II (BATELEC II), Romblon Electric Cooperative (ROMELCO).

Pag-uukulan naman ng prayoridad ang backbone lines papuntang Sta Cruz at Torrijos upang makumpleto na ang restoration sa 6 anim na bayan.