Monday, April 16, 2018

Precursor ba ang 2018 GE3 asteroid? Ano naman yung bulalakaw na bumagsak sa Marinduque

Galing sa Spaceweather

Ay sobrang lapit ngani naman, munsikan ng sumalpok sa kasalukuyang mundo natin na nagakagulo na mandin. Tingni sa pic ng NASA (itaas).
April 15, 2018 dumaan. Ang 2018 GE3 ang pinakamalaking asteroid na dumaan malapit sa Earth sa kasaysayan ng scientific observation.
Batay sa intensity ng liwanag na sinalamin nito, ang 2018 GE3 ay nasukat na 48 hanggang 110 metro ang lapad, ayon sa NASA-JPL. Kaparehong Class ito ng 60-meter Tunguska impactor na pinalugmok ang isang kagubatan sa Siberia noong 1908.

Tunguska impactor, Russia 1908

Maihahambing din sa Chelyabinsk meteor - isang ~ 20-meter asteroid na sumabog sa may sakop ng Russia noong Pebrero 15, 2013, na naging mapanira sa mga bintana at nagpalugmok sa mga nakapanood, isang fireball iyon na mas maliwanag kaysa sa araw.

Chelyabinsk fireball event

Ang 2018 GE3 ay tinatantiyang 5 hanggang 6 na beses na mas malawak kaysa sa fireball na iyon.

Precursor kaya ito ng isa pang mas matindi?

Post sa FB ko March 29, 2018 tungkol sa Masaguisi event.

Ano naman iring bumagsak sa Brgy. Masaguisi sa Marinduque?

Kamakailan lamang mandin ay nagulantang ang isang komunidad sa Sta. Cruz, Marinduque sa barangay Masaguisi. Dahil sa isang bulalakaw na bumagsak dito noong March 26, 2018.

Pinagbagsakan ng bulalakaw. Nagapoy-apoy pa.

Naging usapan ng mga Marinduque netizens dahil marami ang nakakita at may nakakuha pa ng mga larawan kasama na ang pinagbagsakan.


Mga nabulabog sa pagbagsak ng bulalakaw


Piraso ng bulalakaw diumano
May larawan ding lumabas na nagpapakita ng piraso ng 'bulalakaw' na bumagsak subalit ang image sa itaas ay nanatiling hindi naberipika.