Dati-rati noong panahon ng mga lolo ng mga lolo natin, tanaw ng deretsong tingin, may kalayuan mula sa pintuan ng Simbahan ng Boac,ang lumang Campo Santo ng Tampus. Iyon ang naging huling himlayan sa matagal na panahon ng ating mga ninunong Kristiyano.
Ang pinto ng Simbahan ay nakaharap sa entrada ng Campo Santo |
Itinuring nila na napaka-sagrado ng lugar dahil sinadya ng
mga naunang prayle na doon talaga itayo ang sementeryo. Para mula sa pinto raw ng
simbahan na nakaharap sa Silangan ay diretso ang lalakaran ng mga
mananampalataya patungo sa Campo Santo. Mula naman doon ay pinaniwalaang direktang aangat
papuntang langit kasama ng mga anghel ang kaluluwa ng mga nangamatay.
Iyon ang kanilang konsepto at paniniwala kung
bakit naroon ang Cemeterio de Tampus.
Paglipas ng matagal panahon, nagkaroon ng unti-unting mga pagbabago.
Kinailangang gumawa ng daan sa bahaging malapit sa sementeryo para makarating ng
mas mabilis sa kabayanan ng Boac. Nahati ang bundok, lumalim ang daanan
hanggang maging patag na sa bahaging iyon ng Tampus papuntang kabayanan. Hanggang naging may kahirapan
nang akyatin ang sementeryo.
Bahagi ng Tampus paakyat sa Mataas-na-Bayan. Malapit sa Libingan |
Ang buong sementeryo ay nakukulungan ng mga malalaki,
mabibigat na adobe na kung saang malalayong lugar pa ang pinanggalingan. Ang entrada nito ay gawa naman sa mataas at makakapal na bakal na may
disenyo. Sa kaliwang bahagi nito ay nakatayo ang isang balete na tila
permanenteng bantay sa libingan.
Sa may gitnang bahagi ng sementeryo ay dating nakatayo naman ang
isang malaking tila-musuleo o marahil ay lugar ng huling paalaman at ritwal na mayroon ding ilang
mga silid.
Sa ngayon, tila nabura na sa isipan ng mga taga-Boac at lalo
na sa taga iba pang bayan ng Marinduque ang libingang ito.
“Walang sementeryo dun!”, giit ng isang tricycle driver ng
minabuti kong dalawin kasama ang dalawang kabataan. 'Sementeryo' kasi ang sagot
ng kasama ko ng tinanong kung pasaan kami.
Nakisagot na lamang ako na doon kami bababa sa may daan sa
Tampus paakyat ng Mataas-na-Bayan. Tulad ng inaasahan, magubat ang maiksing daanan papunta sa
lumang libingan.
Pintuangdaan. May mga malalalim na hukay na sa paligid |
Nandun pa rin ang puno ng balete na naging mas malaki na ang katawan
ngayon at kinain na ang natitira pang bahagi ng napakataas na poste ng adobe sa
kaliwang bahagi ng naglaho nang gate.
Noong bata pa ako ay isinama ako ng nanay ko sa libingang
ito para magtirik ng kandila man lamang sa mga nakalibing dito. Kasama raw kasi
sa mga nakalibing dito ang ama ng aking lolo at natatandaan pa niya kung saan bagamat wala ng natitirang dating mas maliwanag na palatandaan.
Karamihan sa mga libingan ay nabuksan na at wala nang laman |
Naglaho na ang lahat ng mga adobe na dating nagsisilbing protektor sa buong sementeryo. Hindi naging hadlang marahil ang matinding kahirapan ng pagkuha, paghukay, at paghakot sa
mga ito ng mga looters.
Sa mahabang panahon. Malaki raw kasi ang halaga nito sa mercado at napakadaling
ibenta sa mga maykaya.
Tombstone. Matatagpuan ito sa ibabaw ng isang puntod. Sinong ilustrado o bayani kaya ang inilibing dito? |
Ang iba raw naman ay pinahakot na lamang sa Simbahan ng Boac para
magamit na lamang diumano sa mga karagdagang gusaling itinayo doon noong mga
nakalipas na panahon. Di pa gaanong katagal.
Ano na lamang kaya ang makikita sa Cemeterio de Tampus ngayon? Na ayon
sa pagkakaalam ng matatanda ay itinayo kasabay ng pagpapatayo sa Simbahan noong
ika-18 siglo? Sacred ground ito ha.
Taong 2009 ko huli itong nabisita. Para magtirik din ng kandila sa Araw ng mga Patay. Noon ay may mga
nakatayong bahay mismo sa loob ng sementeryo na mga hindi taga-rito. Ang buong
libingan ay tinaniman nila ng mais at nakunan ko pa noon ng larawan.
Sa malayong silangang bahagi ng sementeryo ay marami pang chambers na tulad nito. Tatlong bahagdan. |
Bumalik nga ako kahapon para tingnan kung ano ang mga pagbabago kung mayroon man.
Wala nang nakatira dito ngayon. Napansin kong may
mangilan-ngilang nakatirik na mga munting bahay sa di kalayuan, sa gilid ng
burol na kinatatayuan ng libingan. May mga bagong punong niyog na may kataasan na ngayon sa bandang gitna nito.
Masukal ang lugar lalo na sa tagiliran pero may mga bahaging mahawan, kung saan
nakaguwardiya ang isang baka na nanginginain.
Isang baka ang nag-iisang buhay na nakabantay. |
Di tulad ng dati, mas may laya na ako na tingnan ng
malapitan ang iba pang bahagi ng libingan, habang kinukunan namin ng larawan ang paligid, at may labis na pagsasaalang-alang at paggalang sa mga alaala ng ating mga ninunong tila napaglimutan na.
Nasa pahinang ito ang ilang mga larawan.
Here lies the remains of some of Boac’s most noble gentry who helped found the great town, celebrate it, shed blood, sweat, tears to build a God-empowered people therein, and defended it in the name of freedom in the days of old. The sacred ancient graveyard and all associated with it have all been sadly forgotten.
Perhaps the quest for the good life for some, the focus on things considered more important than memorials and remembrances of things past, has led to its complete deletion from our collective memory.
Perhaps the quest for the good life for some, the focus on things considered more important than memorials and remembrances of things past, has led to its complete deletion from our collective memory.
Cemeterio de Tampus, as it was called then, has been converted into a cornfield with informal settlers from elsewhere now calling it their home. No candles burn on All Saints Day. One who lived there offered to light a taper we took out.
A few stones and empty chambers built above ground still stand here, eaten up by the elements and balete vines twining around wherever they could, to remind us what happens when mortals forget.
An old film, "Siberiade", tells of a Russian village whose history throughout most of the 1900s mirrors that of the greater country. The first generation focused itself with building a road so they could travel to the rest of the world; the second generation worked on perfecting its own political principles; and the third became obsessed with newfound oil on the land. The quest for oil led to the destruction of an ancient cemetery, symbolizing the loss of old Russian culture and tradition for the sake of financial gain and temporal power.
Could this type of forgetfulness be symbolic of a town’s continuing loss of culture and tradition creeping through its soul without relent?