Ang BAYBAYIN ay isang sinaunang panitik (ancient script) na ginamit ng mga TAGALOG. Malawak na ginamit ito sa mga kilalang lugar o rehiyon ng mga katutubong ang wika ay TAGALOG.
Ang Marinduque simula noong dumating ang mga Kastila ay kilala at malayang isinulat nila bilang lugar ng mga TAGALOG na BAYBAYIN ang gamit sa pagsulat.
Walang ibang naisulat o naitalang wika na binibigkas sa Marinduque kundi TAGALOG.
Ayon sa mga panulat ng mga seryosong mananaliksik at historyador ang salitang binibigkas sa Marinduque ay sinaunang TAGALOG.
Ang bantog na si CECILIO LOPEZ na binansagang ‘Father of Philippine Linguistics’ at iba pa, ay nauna nang sumulat na ang wikang gamit sa Marinduque (salitang Boac noon ang pinag-aralan niya), ay Tagalog.
Ayon kay Lopez ang TAGALOG na binibigkas sa Marinduque “ang ugat o kabilang sa mga pinagmulan mula sa kung saan ang mga modernong pambansang anyo ng pagsasalita ay lumitaw” at dito ay “kung saan matatagpuan ang mga labi ng SINAUNANG TAGALOG”. (“The root or among the roots from which modern national forms of speech have sprung”, and this is “where remnants of archaic Tagalog could be found”).
Atlas Filipinas, Linguistic Atlas of the Philippines |
Ang pag-ampon sa Tagalog bilang Wikang Pambansa ay naganap noong 1937. Noong 1959, ang ipinangalan dito ay Pilipino para mabigyan ang wika ng pambansang pagkakakilanlan sa halip na etniko ang pakahulugan.
Ngayon naman, tungkol sa kung ano ang dapat itawag sa salitang Marinduqueno, hindi kailangan ang kapritso. Hindi kailangang rebisahin ang kasaysayan sa usaping ito. Sa halip ay dapat ipagmalaki sa buong mundo at pagyamanin ang mga Wikang Marinduqueno, na gamit sa limang bayan natin.
Ano sa palagay mo?