Governor Reyes stresses a point |
Dinaluhan ang pagpupulong ng Obispo ng Boac, pamunuan ng MaCEC, Gobernador, Bise-Gobernador, ilang mga Bokal, abogado ng gobernador, abogado ng Legal Rights Council, mga representante ng pamahalaan ng Boac, DENR, MSC, DepEd at iba pang stakeholders.
Dr. Catherine Coumans answers questions during the forum |
Matatandaang dalawang taon na ang nakalipas mula nang ipasa ng Sangguniang Panlalawigan ang pormal nilang desisyon para ipagpatuloy ang paghahabla sa Placer Dome/Barrick Gold sa Korte ng Canada. Ito ay para sa paghahabol ng danyos na sanhi ng pagkasira sa kalikasan ng Marinduque at mga panganib sa kalusugan dulot ng iresponsableng pagmimina.
From left: Bishop Marcelino Maralit Jr., Fr. Arvin Madla, Ms. Lyn Angeles, Ms. Beth Manggol, Vice-Gov. Romulo Bacorro, Jr. |
Diamond McCarthy ang humawak sa kaso ng Marinduque na isinampa noong 2005 sa Nevada, USA. Ang nasabing kaso ay unang ibinasura noong 2011, sa mababang Korte subalit idinulog sa Nevada Supreme Court kung saan noong 2015, ay kinatigan ang nauna ng desisyon ng mababang Korte sa pag-dismiss sa kaso for forum non conveniens.
Bokal John Pelaez talks about the need for ITT while Bishop Maralit and Fr. Madla listen intently. |
Pilipinas o Canada?
Ang forum non conveniens ay isang kapangyarihan ng Korte na maaaring ibasura ang kaso kung may mas karapat-dapat na forum para dinggin ito. Sa desisyong nasabi ay isinaad naman na alinman sa Canada o Pilipinas ang tamang forum.
Bahagi naman sa ipinaliwanag ni Dr. Coumans na nakadikit sa desisyon ng Supreme Court of Nevada na kapag ang Lalawigan ay magsasampa ng kaso sa Canada ay ipapatupad ang mahahalagang kundisyon tulad ng: 1) Hindi maaaring hingin ng Barrick ang pagbasura ng kaso sa Canada base sa forum non conveniens; 2) Hindi maaaring ipabasura ng Barrick ang kaso base sa statutes of limitations post October 2005, kung kailan unang isinampa ang kaso; 3) Kailangang tanggapin ng Barrick na ang Canadian legal system ay pinapayagan ang monetary damages at equitable relief.
Marinduque's Path to Justice still being vigorously pursued |
Una na ring naitala ng Huwes sa mababang korte na ang kaso ay maaaring i-refile sa Pilipinas na maituturing na "maybe the most desirable forum". Subalit naitala rin ng Huwes na ang Barrick ay tumanggi nang Pilipinas ang gamiting forum. Anang Huwes, "the court lacks the authority to mandate that the defendants subject themselves to a forum in the Philippines".
Sa huli, hindi nagawa ng Huwes na ipataw sa Barrick ang ganitong mga kondisyon kung ang kaso ay isasampa sa Pilipinas di tulad ng kung ito ay isasampa sa Canada.
Sa round table discussion, napagkasunduan na ituloy sa lalong madaling panahon ang pagbuo ng isang Independent Technical Team (ITT). Ito ay isang grupong binubuo ng mga abogado mula sa Provincial Government, Office ng Congressman, Office ng mga pangunahing municipio na aktibong stakeholders, MaCEC at iba pa.
Pakay ng ITT na pag-aralan ang mga panukalang kontrata mula sa mga law firms na interesadong ipaglaban ang kaso, pag-aralan ang naging performance ng mga dating humawak sa kaso, at iresolba ang ilan pang mga usapin na may kinalaman sa mga kundisyones ng mga nasabing abogado.
Idiniin ng Obispo ng Boac, Marcelino Antonio Maralit, Jr. na bilang mga 'co-caretakers' ng ating 'island of God', kailangang magkaroon na ng pinagsamang position, magkaisang layunin at pagkilos sa bagay na ito. "May nakagawa ng pagsira sa tahanan natin, kailangan natin ng environmental justice", anang Bishop.
"Ang ginagawa natin ngayon ay isang pahayag para sa mga darating pang henerasyon at pagbibigay ng bagong buhay sa ating kapaligiran", dagdag pa niya.
Justice for the 'Island of God' |
Photos courtesy of Bokal John Pelaez