Naging produkto ng pampublikong paaralan si dating Associate Justice Presbitero Velasco, Jr. “Presby” ang kinagigiliwang tawag sa kanya ng mga malapit na kaibigan, kamag-anak at mga kakilala.
Nag-aral siya sa Juan Sumulong Elementary School (First
Honorable Mention) at sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), siya nag-High-School hanggang college.
Natapos niya ang Bachelor of Arts Degree sa Political
Science mula sa UP sa loob lamang ng tatlong taon at nagpatuloy sa pagkuha ng
Bachelor of Laws Degree mula rin sa University of the Philippines.
Habang nasa UP College of Law, si Justice Velasco ay
miyembro ng Order of the Purple Feather Honor Society at nagsilbi sa Editorial
Board ng Philippine Law Journal. Nagtapos siya bilang ikawalo sa Class of 1971.
Siya ay ika-anim naman sa hanay ng 1971 Philippine Bar
Examination with bar rating of 89.85%.
20 taon siyang nag-praktis ng abugasya bago siya naging
miyembro ng Judicial and Bar Council noong 1993.
Nahirang na Undersecretary ng Department of Justice mula
1995 hanggang Abril 1998. Kasabay noon
siya pa rin ang hinirang na Commissioner of the Housing and Land Use Regulatory
Board; Chairman of the Board of Pardons and Parole; Commissioner of the
Commission on Settlement of Land Disputes; at Member of the Committee on
Privatization.
Noong 1998, siya ay hinirang bilang Justice ng Court of
Appeals. Siya ay niranggo bilang ikawalo sa disposisyon ng mga kaso nang siya
ay naging Court Administrator noong 2001.
Si Justice Presby ay nagsilbi rin sa Integrated Bar of the
Philippines (IBP) sa iba't ibang mga kapasidad: bilang National President noong
1987, as Commissioner of the IBP Committee on Bar Discipline, and as Honorary
Chairman and Past National Co-Chairman of the IBP National Committee on Legal
Aid.
Pinarangalang Most Outstanding Jurist ng Consumers Union of
the Philippines noong 2000.
MAHISTRADO NG KORTE SUPREMA
Nahirang po siya bilang Mahistrado ng Korte Suprema noong
Marso 2006. Ang mandatory age of retirement po niya ay noong nakaraang taon,
2018 sa buwan ng Agosto sa kanyang ika-70 kaarawan.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa Korte Suprema ay siya lamang
ang tanging Mahistrado na nagretiro na walang naiwan o nabinbin na kaso sa
ilalim ng kanyang pamamahala.
Ang ulirang pamilya ng mga Velasco |
KABIYAK NI LORNA QUINTO, tubong Mogpog at Torrijos.
Si Justice Velasco ay ikinasal sa isang napakagandang anak
ng Mogpog, si Lorna Quinto-Velasco na ngayon ay nagsisilbi bilang punong-bayan
ng Torrijos; may tatlo silang naging anak: si Vincent Michael, municipal
administrator ng Torrijos; si Lord Allan, ang ating minamahal at napakasipag na
Congressman; si Tricia Nicole Velasco-Catera (ang maganda at masipag na
Representante sa Kongreso ng MATA Party List).
PAGSASAAYOS SA ESTADO NG ISLANG-LALAWIGAN NG MARINDUQUE, isang 4th CLASS Province
Cong.Lord Allan Velasco, Pangulong Rodrigo R. Duterte at dating Associate Justice Presbitero Velasco, Jr.
Base sa kanyang napakalawak na karanasan ni Justice Presby, hindi na marahil aaksayahin ng mga mabubuting mamamayang Marindukenyo ang pambihirang oportunidad na maisakatuparan ang layuning ito.
Inaasahan namang mabilis itong magaganap sa panahong ito
dahilan sa malaking ayuda, tulong at suporta ng kasalukuyang administrasyon ni
Pangulong Rodrigo R. Duterte at ni Congressman Lord Allan Q. Velasco kay "Gob. Presby".