Marston Mat na napakinabangan bilang permanenteng bakod sa isang paaralan, Don Luis Hidalgo Memorial School. Larawan: Eli J. Obligacion |
Ang Marston Mat (may maling tumatawag din dito bilang Marsden matting),
ay mga butas-butas na mga malalapad na bakal na ginamit noong panahon ng
digmaan para sa mabilis na pagtatayo ng mga pansamantalang runway o landing
strips. Marston ang tawag dahil unang ginamit ang mga ito sa Marston, North California na katabing
airfield ng Camp Mackall.
Ehemplo ng kung paano ginagamit noon ang Marston Mat (hindi ito kuha sa Marinduque). Larawan mula sa Wikipedia |
Humigit-kumulang 2 milyong tonelada pala ang nagawang Marston Mat
ng mga panahong iyon (1940s). Nang matapos ang digmaan malaking bahagi ng mga ito
ang nanatili sa bansa bilang mga labi ng digmaan. Iniwan ng mga US Forces sa ibat-ibang
panig ng Pilipinas kung saan sila naging aktibo noong digmaan.
Ginamit naman sa iba’t-ibang pamamaraan ang mga ito para
mapakinabangan tulad ng road and bridge construction. Dahil ang mga ito ay gawa
sa bakal na may mataas na manganese content, hindi ito basta-basta kinakalawang
o nasisira.
Hanggang sa kasalukuyan sa ating bansa kasama na ang
Marinduque, ang mga natitira pang matting ay nananatiling ginagamit bilang
permanente nang mga bakod.
Sa susunod na masulyapan mo ang mga bakod na ito, alam mo na ang bahagi ng kanilang kasaysayan. Larawan ni Eli J. Obligacion |