Alam mo baga na niranggo ng DENR (2012), ang Marinduque bilang ikatlo sa most denuded forest cover sa Pilipinas?
Ganunpaman, mayaman pa rin sa terrestrial snail species ang ating lalawigan. Ang dating mga tala tungkol sa terrestrial snail species diversity sa Pilipinas ay kakaunti. Dati ay naisulat na 13 lamang ang uri ng snail species sa Marinduque.
Para malaman kung ilan, nagsagawa ng bagong pag-aaral ang ilang siyentipiko sa ilang lugar sa Marinduque (hindi buong Marinduque), at lumitaw na may 24 na uri ng terrestrial snail species na hindi pa naitala. Kung isasama ang dalawang dati nang naitala pero di nila nakita ay magiging 26 na.
Pero tiyak na marami pang hindi sila naisama dahil hindi naman lahat ng lugar sa Marinduque ay napuntahan para sa pag-aaral na ito. Ni hindi rin kasamang inembistigahan para sa pag-aaral ang mossy forest ng pinakamataas na lugar sa Mt. Malindig.
Ganunpaman, magandang tingnan at maaliw man lamang sa mga hitsura ng mga snails na natagpuan sa islang-lalawigan natin.
Maaalala mo tuloy na nung una ay mga sigay na matatagpuan sa Marinduque ang pinagka-abalahan ng mga mag-aaral at collectors ng ganitong mga bagay na may kinalaman sa biodiversity ng Marinduque.
Paglipas ng panahon pinag-ukulan ng pansin ay mga bilabila naman, pagkatapos, salaginto't salagubang. Ngayo'y mga kuhol naman.
Mga napiling barangay kung saan nagsagawa ng pag-aaral sa bagay na ito. Hindi lahat ay naisama kayat kailangan pa rin ang patuloy na paghahanap. |
Reference: An Updated Survey and Biodiversity Assessment of the Terrestrial Snail (Mollusca: Gastropoda) Species in Marinduque, Philippines nina Sosa, Batomalaque, Fontanilla (Phil. Journal of Science)