Thursday, June 13, 2019

Marinduque bilang lugar na pinag-ugatan ng Wikang Tagalog; Linguistic Atlas ng Pilipinas

Para sa mga nagtatanong at gustong malaman kung ano ang turing sa ibat-ibang bersiyon ng wikang TAGALOG na sinasalita sa MARINDUQUE, narito ang kopya ng Linguistic Atlas ng Pilipinas (mula sa NCCA), kung saan nakatala ang lahat ng mga wika sa ibat-ibang panig ng Pilipinas. 


Ang sinasabi ayon sa pag-aaral ng sinaunang Tagalog na siyang maririnig sa Marinduque, ang mga orihinal na salita dito ang maingat na pinag-aralan at napagpasyahan, ayon sa nabanggit na pag-aaral, bilang katangi-tanging wikang pinag-ugatan ng modernong pambansang anyo ng ating wika. Sinaunang Tagalog na nagpakayabong na ngayon bilang wikang Filipino. 

Taong 1914 pa pinag-aralan ni Cecilio Lopez, tinaguriang Father of Philippine Linguistics ang natuklasang ito. Pag-aaral na muling inilimbag ng Institute of Philippine Linguistics noong 1973, at wala pang sinumang humamon sa pag-aaral na ito at pinatunayang mali ang pag-aaral ni Lopez hanggang sa kasalukuyang panahon.