Wednesday, July 24, 2019

Labanan sa Paye, Labanan sa Pulang Lupa, Labanan sa Masaguisi


Ginawang kampo ng mga sundalong Amerikano ang Simbahan ng Boac sa unang araw pa lamang ng kanilang paglusob sa Marinduque kung saan ay sa baybayin ng Brgy. Laylay sila dumaong. Ang larawan (makikita ang bandilang Amerikano) ay kuha sa ibabang bahagi ng nakapalibot na muog ng simbahan.
Ang Digmaan sa Marinduque

Si Martin Lardizabal, military governor ng Marinduque ang nag-organisa ng Hukbong Rebolusyonaryo ng Marinduque ayon sa pag-uutos ni Mariano Trias ng Southern Command. 

Nagsimula naman ang panibagong pakikibaka, sa panahong katatapos pa lamang ng Spanish-Philippine War, nang dumating noong Abril 25, 1900 ang dalawang US Navy ships. Dumaong malapit sa Puerto Laylay, lulan ang isang batalyon ng 29th USV Infantry sa ilalim ni Col. Edward Hardin.

US soldiers wading ashore at Laylay, Boac, April 25, 1900

Matapos ang pakikipag-usap sa ilang mga prominenteng residente ng Boac, dumeretso ang mga sundalong Amerikano sa mala-citadel na simbahan ng Boac at ito ang ginawa nilang kuta. Walang pagtanggi o labanan na naganap. 

Pagkatapos ng ilan pang pagmamanman na wala pa ring anumang insidente, nagpasya si Hardin na tahimik ang isla. Iniwan ang Company A at naglayag papunta sa iba pang masasakop na mga isla sa labas ng Marinduque.

Si Lardizabal naman ay nagkasakit at hindi na magampanan ang kanyang tungkulin. Hinirang niya si Lt. Col. Maximo Abad bilang kanyang kapalit na mamuno sa hukbong rebolusyonaryo. Mayo 6, 1900 nang ang Hukbo ay hinati sa apat na guerilla units.

Si Teofilo Roque ang namuno sa 2nd Guerilla para mangalaga sa teritoryong Boac-Mogpog (kung saan naganap ang Labanan sa Paye).

May mga prominenteng personalidad sa kilusan na may kaugnayan sa isat-isa. Halimbawa, biyenan ni Abad si Kapitan Fausto Roque ng 1st Guerilla, at pinsan naman ni Fausto si Teofilo. Dahil dito, naisulat ni Andrew Birtle, isang US historian, na ang revolutionary struggle daw sa Marinduque ay matatag na nakaugat sa middle at upper classes ng isla na may kakayahang gamitin ang kanilang kapangyarihan at pagkilala ng mga tao para ang kilusan ay suportahan ng mga mamamayan.


Lumang larawan sa may simbahan ng Sta. Cruz, Marinduque


Labanan sa Sta .Cruz


Noong ika-19 ng Mayo 1900, umabot sa 57 ang mga kawal Amerikano ng Company D/38 na nagmartsa papuntang Sta. Cruz, at nakarating doon ng 7:00 ng umaga, Linggo. Nadatnan nila ang may mga 1,000 katao na dumalo sa maagang misa.


Karamihan sa mga tao ay sakop ng paningin ng mga Amerikano bagamat pansin din nila na ang mga gerilya ay naka-deploy sa ibabaw ng isang burol.

Nagsagawa ng tinatawag na ‘bush tactic o Indian style’ na paglusob ang mga Amerikano. Sa pangunguna ni Major Charles H. Muir biglaang rumatrat at nasapol kaagad ang ilang mga Filipino mula sa kanilang pinagkukublihan. Nagtalsikan papunta sa ibat-ibang direksiyon.

Anim kaagad ang namatay na mga Filipinong sundalo at isa ang nabihag. Napagtagumpayan ng mga Kano ang unang labanan sa Marinduque na wala silang casualty.

Matapos ang pangyayari, nagpasya ang may karamdamang si Martin Lardizabal na sumuko na lamang. Nanatili para sa pakikipaglaban sina Abad at mga kasamahan sa kabundukan.

Battle of Paye Historical Landmark


Labanan sa Paye

Samantala, ang komandanteng Amerikano sa Boac, si First Lieutenant William S. Wells ng Company A, 29th USV naman ay tila naging kampante sa panahong iyon dahil tag-ulan. At dahil walang nagaganap na ano mang insidente o engkuwentro sa lugar. Nanatili na lamang sila sa loob ng simbahan.

Sa isang pambihirang pagkilos ni Wells, nagsagawa siya ng isang reconnaissance march sa kanayunan hanggang makarating sa Balimbing. Ito na ang naganap na pagsalakay sa kanila ng mga gerilya ni Teofilo Roque noong Hulyo 31, 1900.

Habang nasa tabing ilog ang mga sundalong Amerikano, sinalakay sila ng mga pwersa ni Roque, nasugatan ang dalawang Amerikano at binihag ang dalawa pa. Ang isa sa mga binihag ay nakilalang isang negosyanteng Ingles na matagal nang naninirahan sa Boac, kilala lamang bilang si ‘Macky’ o R.D. Macky.
Kuha ito sa Simbahan sa Sta. Cruz, Marinduque na ginawa ring kuta ng mga Kano.
Ganito rin ang naganap sa simbahan ng Boac na una nang ginawa nilang kuta.
Larawan mula sa mga Koleksyon ni Curtis Shepard.
Ang nagulantang na mga Amerikano ay umatras at tumakas sa kahabaan ng mga 7-milyang layo mula sa Paye hanggang nakabalik sila sa Simbahan ng Boac.

Ayon sa tala, nang gabing iyon, ang mga nagwaging mga gerilya ang nagsunog sa isang bahagi ng Boac na tinatawag na Mataas na Bayan, malapit sa simbahan sa pagsisikap na tuluyang palayasin ang mga Kano.

Nagsilikas ang mga naninirahan sa bayan at halos walang taong natira. Paralisado naman, di makagalaw, nanginig sa takot, 'cowering', ang Company A sa loob ng simbahan.  

Ang pagkatalo ng mga Amerikano sa Paye ay isang maliwanag na babala, sapagkat ito ay hahantong sa isa pang malaking pagkatalo ng puwersang banyaga, pagkaraan ng anim na linggo sa Labanan sa Masaguisi, mas kilala sa tawag na Labanan sa Pulang Lupa -  ang tinaring mismo ng mga US historians bilang “one of the worst reversals suffered by US forces...  sending shock waves through the American high command."


'Battle of Masaguisi' (Massiquisie para sa mga Amerikano)
BATTLE OF MASSIQUISIE
Event Date: September 13, 1900

Excerpt:

"In early September, the presence of the U.S. Navy (ex-Spanish) gunboat Villalobos gave Shields the opportunity to deploy his forces in Torrijos, located on Marinduque’s southeastern coast. Ordering First Lieutenant M.H. Wilson and 41 soldiers by water to land on September 11 near Torrijos. There the Americans scattered a group of 20 guerillas and demolished their compound.

"On September 13, Shields and his troops marched into the interior, intending to return to Santa Cruz. Abad then massed virtually his entire insurgent force of some 250 men with rifles and another 2,000 with bolos beside a vertical height overlooking the path. Shields led his detachment right into the trap. Following several hours of fighting, he ordered a withdrawal into a concealed gorge. But this soon became a dash through a rock-strewn stream as he and his men struggled to flee the insurgent flanking columns that were attempting a double envelopment. After withdrawing for more than 3 miles, the harassed Americans took cover in a rice paddy close to the town of Massiquisie; guerilla rifle fire compelled them to seek shelter behind paddy dikes. Shields was among the wounded.

"With no other recourse, Shields surrendered his entire force. Four Americans died in the action, and all others were taken prisoners, 6 of them wounded. The Americans estimated that 30 insurgents had perished in the fight, but this figure was never verified. Following months of stealth, in less than a day of fighting Abad had eliminated a third of the U.S. force on Marinduque.


"The Battle of Massiquisie prompted sharp reprisals from the Americans, who reinforced their garrison on the island and launched a number of stronger punitive raids, which did little to cripple guerilla activities." - RODNEY J. ROSS (The Encyclopedia of the Spanish-American and Philippine-American Wars in the Philippines).