Bukang-liwayway sa Marinduque. Kuha ni Toper Matienzo |
Ang Marinduque, kasama ang Mindoro, ang timog-silangang bahagi ng Laguna at Camarines ay naging bahagi muna ng Batangas nang itinatag ang huli noong 1581 ng mga Kastila.
Noong unang bahagi ng ika-17 siglo, ang isla ng Marinduque ay nahiwalay naman mula sa Batangas at naging bahagi ng Mindoro bilang isang corregimiento o bayan. Noong 1671, gumana ang Marinduque bilang lalawigan ngunit sa kalaunan ay naging isang sub-province ng Mindoro.
Noong Abril 28, 1898, ng bumagsak ang huling casadores (mga sundalong Tagalog) ng Espanyol pagkatapos ng armadong tunggalian sa himagsikan noong Digmaang Pilipino-Espanyol, idineklara ng Marinduque ang paghiwalay nito mula sa Mindoro at mula sa pamamalakad ng Espanyol, isang hakbang na pinagtibay ng ilustrados ng Marinduque .
Ang lokal na pakikibaka ay pinamunuan ni Martin Lardizabal, naging gobernador militar ng unang rebolusyonaryong pamahalaang panlalawigan ng Marinduque.
Noong Mayo 1, 1901, ipinasa ng Komisyon ng Estados Unidos-Pilipinas ang Act No. 125 na lumikha ng Lalawigan ng Marinduque, na binubuo ng mga isla ng Marinduque at sa mga kalapit na maliliit na isla. Ang pamahalaang panlalawigan ay itinatag sa munisipalidad ng Boac bilang kabisera.
Gayunpaman, sa pamamagitan ng Batas No. 423, na may petsang Hunyo 23, 1902, idinikit (annexed), ng Komisyon ng US-Pilipinas ang isla ng Mindoro, kabilang ang isla ng Lubang (matapos itong mahiwalay mula sa Cavite), sa Lalawigan ng Marinduque. Nanatili ang bayan ng Boac bilang kabisera ng mga pinagsama-samang lalawigan.
Pagkaraan ng apat na buwan, noong Nobyembre 10, 1902, dahil sa Batas No. 499, ang Marinduque ay naging bahagi ng Lalawigan ng Tayabas, (kasalukuyang Lalawigan ng Quezon) . Noong Mayo 17, 1907, sa ilalim ng Batas No. 1649, ginawa ng Komisyon ang Marinduque bilang isang sub-province ng Tayabas.
Sa wakas, noong Pebrero 21, 1920, ang Batas No. 2880, na inisponsor sa Lower House ng hinirang na kinatawan na si Ricardo Paras ng Marinduque, ay naghiwalay sa sub-province ng Marinduque mula sa Tayabas. Kaya't muling itinatag ang dating Lalawigan ng Marinduque. Ang batas na iyon ay inaprubahan Pebrero 21, 1920, at pinirmahan ng Gobernador-Heneral na si Francis Burton Harrison sa bisa ng Executive Order No. 12. Ang Marinduque ay tuluyan nang naging isang hiwalay at malayang lalawigan.
Kopya ng Executive Order No. 12 na pinirmahan ni FB Harrison na nalimbag sa Official Gazette na may petsang 17 Marso 1920. |
Unang idinaos ang pagdiriwang nito sa lalawigan noong 2008, bilang bahagi ng mga pagsisikap ng lalawigan para palaganapin ang turismo, at para sa pang-ekonomiya at panlipunang pag-unlad. Ang Ordinansa No. 81 ay ipinasa noong 2009 ng Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque na nagdedeklara ng Pebrero 21 ng bawat taon bilang "Araw ng Marinduque".
Gov. Presby Velasco. Mag-aakay patungo sa pagbabago at ginintuang panahon ng ating mahal na lalawigan |