Gov. Presby Velasco |
Matagumpay na idinaos ang ikatlong Trabaho, Negosyo,
Kabuhayan noong Hulyo 24, 2019 sa Convention Center, Capitol Compound, Boac,
Marinduque.
Ang nasabing programa ay inisyatibo ng Department of Labor
and Employment Marinduque Field Office (DOLE Marinduque) at Department of Trade
and Industry (DTI) sa tulong ng Livelihood Manpower Development & Public
Employment Service Office ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque.
Tampok sa aktibidad na ito ang Job Fair na dinaluhan ng 16
na kumpanya (local at international), na kung saan naghahanap sila ng mga production operators, nurses, service crew, encoders, cashiers, telemarketers,
janitors, utilities, tellers, security guards, sales associates, credit
investigators at liaison officers.
Kabilang sa mga kumpanyang lumahok sa nasabing Job Fair ang
Puregold Price Club, Inc., Venture Motorcycle Sales Corp., Palawan Pawnshop,
SYM Rider’s Corp., FUBU, EPSON Precision (Phil.) Inc., One Source General
Solutions, Inc., HGST – a western digital company, PKI Manufacturing, Mustang
Security Agency, Inc., Holistic Approach System, Inc., BS Int’l Services and
Placement Agency, Inc., Placewell International Services Corp., Ipeople Manpower Resources, Inc., 1st Northern International Placement Inc., at
EyeQuest International Manpower Services, Inc.
Nakilahok din ang Department of Education (DepEd) Marinduque
na nagbukas ng 119 job vacancies para sa ating mga kapwa Marinduqueno.
Ang Trabaho, Negosyo at Kabuhayan Job Fair ay dinagsa ng ibat-ibang mga aplikante mula
sa anim na bayan ng islang-lalawigan. May kabuuhang 574 registered applicants na kung
saan 267 dito ay hired on the spot at 227 dito ay near-hire applicants.
Malaking tulong din ang booth sa Job Fair na inilaan para sa Social
Security System, PAGIBIG at PSA na kung saan ang mga aplikanteng
nangangailangan ng mga requirements para sa kanilang trabaho ay hindi na
kinailangang pumunta alinman sa mga nasabing tanggapan dahil ginawang
accessible na sa pagkakataong ito.
Bukod sa Job Fair, pinangunahan ng DTI Marinduque ang
pagdaraos ng mga seminar tungkol sa Business Mind-setting, E-commerce at
Leathercraft Skills Training.
Nagkaroon din ng National Competency Certification sa
Bartending at Driving at naghandog din ng libreng massage ang Technical Education
and Skills Development Authority (TESDA).
Dumalo sa nasabing naging matagumpay na aktibidad sina DOLE
MIMAROPA Regional Director Joel Gonzales at DTI Assistant Regional Director,
Rodolfo Mariposque at Governor Presbitero Velasco, Jr.
RD Rudy Mariposque, DTI Asst Regional Director |