Monday, September 16, 2019

Alamin: Mga Intangible Cultural Heritage ng Marinduque para sa UNESCO



Putong/.Putungan

Intangible Cultural Heritage o Hindi Nasasalat na Pamana sa Kultura ang turing sa mga tradisyon o buhay na mga expression na ipinapamana sa mga susunod na henerasyon na naninirahan sa isang komunidad.

Noong 2012, bilang bahagi ng 2003 Convention ng UNESCO ang National Commission for Culture & the Arts (NCCA) sa pakikipagtulungan ng International Information & Networking Centre for Intangible Cultural Heritage in the Asia-Pacific Region (ICHCAP), ay inilimbag ang "Pinagmulan: Enumeration from the Philippine Inventory of Intangible Cultural Heritage (ICH)".

Nasa 335 ICH ang panimulang naisama dito, at 109 ICH ang may mga detalyadong talakayan. Patuloy ang pag-update sa Philippine Inventory upang mapangalagaan ang mahahalagang mga bagay na ito sa bansa.

Noong 2017, ilan sa mga bagong naisama sa listahan ay tatlong uri ng traditional healing practices sa Pilipinas. Kasama dito ang manghihilot at albularyo at ang paniniwala sa ‘buhay na tubig’ ng mga Tagalog ng 20th century Quezon City; ang baglan at mandadawak ng mga Itneg ng Abra; at ang pangagamot ng mga mantatawak ng mga Tagalog ng Marinduque.

Pagdaan ng 2016, ay 367 na ang nasa listahan ng Philippine Inventory of Intangible Cultural Heritage.

Ang mga naisama nang Intangible Cultural Heritage ng mga "Tagalog people ng Marinduque" sa listahan ay ang mga sumusunod:
Moryonan circa 1972

Sa Performing Arts Category:
-          Pasion (Marinduque/Countrywide)
-          Moriones Festival


Pupuwa sa Gasan

Sa Social Practices, Ritual at Festive Events:
-          Putong/Putungan
-          Antipo Ritual
-          Pupuwa Ritual
-          Novicia/Novicio

Sa Traditional Craftsmanship:
-          Morion Head Mask
-          Kalutang Instruments


Kalutang Instruments

Sa kasalukuyan ay kinilala naman ang Moryonan bilang mahalagang ICH na may kinalaman sa Marinduque at pang-Mahal na Araw na mga gawain sa Pilipinas. NCCA ang nagsasagawa ng pananaliksik at dokumentasyon para tiyakin na mapangalagaan ito sa tulong na rin ng kinauukulang LGU’s.

Sources ng mga tala: Pinagmulan: Enumeration from the Philippine Inventory of Intrangible Cultural Heritage; Intangible Cultural Heritage of the Philippines, Wikipedia


Morion Head Masks. Kuha ni Roel H. Manipon/Gridcrosser