Subalit natabunan ang mga ito ng panibago at seryosong banta sa buhay ng mga Marinduqueno - ang banta ng COVID-19.
Nagkabigkis-bigkis muli ang mga Marinduqueno sa pagkakataong ito upang labanan ang bagong banta ng coronavirus ng naaayon sa mga direktiba ng pamahalaang nasyunal.
Kapag nalampasan natin ang kasalukuyang suliraning bumabagabag sa kaisipan ng lahat, mababalikan pa rin natin ang tungkol sa paggunita sa mga nagdaang trahedya dulot ng iresponsableng pagmimina, dahil hindi ito mawawala sa kamalayan ng mga Marinduqueno.
Baliktanaw sa mga trahedya ng Marcopper
Boac River during the mine spill disaster 24 years ago. From Gerry Jamilla's FB |
Una: Ang pagtapon ng
mga nakakalasong basura ng minahan sa Calancan Bay mula 1975 hanggang 1991. Labing-anim
na taong pagtatapon ng lasong basurang mina sa Calancan.
Calancan Mine Tailings from 1975 to 1991. Photo: MiningWatch Canada |
Ang mga mangingisda ay walang natanggap na pagtulong
o kompensasyon man lamang sa nangyaring pagkawala ng kanilang kabuhayan at
paglason sa Calancan.
Ayon naman sa Marcopper ay nagbayad sila ng
Tatlumpung Libong Piso raw kada araw para daw sa rehabilitasyon ng Bay. Hanggang ngayon ay nagtatanong ang sambayanan: Saan
napunta?
Ang maliwanag pa sa madaling araw: Umabot sa walong (8)
kilometro ang tambak na basura at naging isla ng lason sa karagatan ng
Calancan. Hanggang sa kasalukuyan at patuloy na apektado ang kabuhayan ng mga
mangingisda at lason sa kalusugan. Sanhi ng mga may lasong metal sa dugo ng mga
residente.
Ikalawa: Ang
pagguho ng Maguila-guila Siltation Earth Dam ng Marcopper noong Disyembre 6,
1993.
Maguilaguila Siltation Dam, Mogpog. From Gerry Jamilla's FB |
Ito ang nagpabaha sa mga barangay na nakapaligid sa ilog
Mogpog at mismong kabayanan ng Bayan ng Mogpog. Dalawang (2) mga bata ang
nalunod at ang Mogpog River ay matagal nang idineklarang isang patay na ilog dahil
doon.
Ang polusyon at siltation na nagmula sa basurang mina na
patuloy na nakakaapekto sa ilog ay pinagmumulan ng mga sakit sa balat ng mga
residenteng nakatira malapit sa kahabaan ng Mogpog River. Ang panibagong
pagguho ng abandonadong dam ay isang patuloy na nakaumang na malaking banta sa
buhay at ari-arian ng mga Mogpogueňo.
Pangatlo: Ang
kakilakilabot na pagtagas ng mine tailings sa Boac River noong Marso 24, 1996. Naging
laman ng mga balita sa buong daigdig nang ito ay maganap.
Sumabog ang konkretong plug sa lagusan na matagal na palang
nakaumang sa Boac River. Ito ang naging dahilan sa pagbuhos sa ilog ng halos
1.6 milyong kubiko metro ng lasong mina, sa bilis naa lima hanggang sampung
kubikong metro bawat segundo. Bawat segundo. Katumbas ito ng higit sa tatlong
milyong tonelada ng mapanganib at nakalalasong basurang-mina.
Dahil dito natabunan ng mine-tailings ang 27-kilometrong kahabaan
ng Makulapnit River na pinakamalapit dito at ng Boac River at Makulapnit River.
Biologically dead. Lahat ng lamang ilog ay nagkamatay. Ang mga kalapit na sapa,
mga baybayin sa Boac River Delta ay ganoon din ang dinanas.
Ang dredge tunnel na itinayo ng Placer Dome sa Boac River
Delta bilang lugar ng catchment upang mapigilan kahit papaano ang pagdaloy nito
sa dagat ay naging permanenteng tambakan na ng lasong-mina, taliwas sa
ipinangako sa Marinduqueno na ito ay panandalian lamang. Pangakong hindi nagawa
ng mga may-ari ng minahan o ng pamahalaan man.
Mga kasong isinampa
Marami sa mga lokal na kaso ang isinampa upang managot ang kumpanya
ngunit ang mga kasong ito ay hindi rin umabot sa paglilitis. Bakit kaya? Kaya
noong Oktubre 4, 2005, sa patuloy na rin na hinaing ng mga Marinduqueno, ang
Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque (PGM) ay nagsampa ng demanda laban sa
kumpanyang tunay na nagmamay-ari ng minahan, ang Placer Dome Inc. (PDI.)
Isinampa
sa Nevada, USA kung saan may malalaking operasyon ang Placer Dome. Umasa ang
mga mamamayang Marinduqueno na may pag-asang malutas ang kaso kapag ito ay
dininig sa international venue.
Hindi naging madali kundi maraming pagsubok ang nangyari
kayat hindi naging madaling makamit ang hustisya. Sa katunayan ang kaso ay
na-dismiss, sa kadahilanang hindi dapat sa Amerika isinampa ang kaso kundi sa
Canada o sa Pilipinas daw. Ganunpaman, nakakuha ng isang desisyon ang
Pamahalaang Panlalawigan para sa pagpapatuloy ng pakikibaka para sa hustisya.
Maaaring isampa ang kaso sa Canada o sa Pilipinas at hindi na maaaring
tanggihan ng Placer Dome ang usapin ng jurisdiction, saan man sa dalawang bansa
isampa ang kaso.
Ngayong MARSO 24, 2020 ang ika-24 na taong
anibersaryo ng Boac River Disaster. Taong 2020 ang Sentenaryo ng pagkakatatag sa Lalawigan ng
Marinduque.
Sa pagkakataong ito, ang MaCEC, mga LGUs ng Boac, at Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque ay
magkakasamang magsasagawa ng isang Roundtable Discussion at Forum sa Paaralan upang gunitain ang
kalamidad. Naglalayon ang mga ito na:
1. Magbigay ng isang pangkalahatang ideya tungkol sa mga environmental
disasters sa pagmimina sa ating isalang-lalawigan, mga kasong isinampa at paglalahad
ng kasalukuyang katayuan ng mga stakeholder sa paghahanap ng katarungan;
2. Maglahad ng mga update sa mga may kinalaman dito tungkol
sa mga aksyon ng Pamahalaang Panlalawigan na may kaugnayan sa paghahanap ng
hustisya sa naganap na pagwasak sa kapaligiran at ang pag-refile ng kaso sa
Canada;
3. Palakasin ang kamalayan ng mamamayan lalo na ng mga kabataan
sa patuloy na epekto ng pagmimina at hikayatin silang suportahan at ipagpatuloy
ang paghahanap ng hustisyang pang-kapaligiran para sa kapakanan ng Hinaharap at
Susunod pang mga Henerasyon.