Paalaala mula sa DILG Mimaropa Region para sa Locally Stranded Individuals (LSI)
Niliwanag ng Department of the Interior and Local Government
(DILG) na hindi kailangan ang certificate of acceptance mula sa mga LGU para
makauwi ang mga locally stranded individuals (LSIs) sa kanilang mga lokalidad.
"Certificate of acceptance by the receiving LGU is not
required on the management of LSIs," pahayag ni DILG Undersecretary
Epimaco Densing sa isang memorandum na napirmahan noong Biyernes, May 22.
Ang nasabing certificate of acceptance ay hindi kailanman
ni-require ng national government bagamat may ilang LGUs diumano na iginiit ang
ganitong dokumento (hindi kasama ang Marinduque o alin mang bayan dito), na
nagresulta sa pagkabalam ng pag-uwi sa kanilang probinsya ng ilang mga stranded
individuals.
Ayon sa memorandum na inilabas ng Inter-Agency Task Force at
ng DILG, kailangan lamang ng mga stranded individuals ng mga sumusunod para
makabalik sa kanilang mga hometown.
Medical clearance certification mula sa LGU kung saan sila
hindi makaalis dahil sa lockdown dala ng COVID-19.
Travel authority mula sa Joint Task Force COVID Shield para
makabalik sa kanilang mga tirahan.
Para makakuha ng mga dokumentong ito, ang stranded
individuals ay kailangang ipaalam sa LGU kung saan sila stranded, at sumailalim
sa 14-day quarantine bago sila umalis pauwi. Hindi sila dapat ‘contact,
suspect, probable o confirmed COVID-19 cases.”
Infographic mula sa Facebook Gov. Presby Velasco
Samantala, nagpahayag ng isang pakiusap si Gov. Presby Velasco para sa mga pauwing OFW at LSI sa lalawigan ng Marinduque.
Aniya: "Ang mga OFW at LSI na mauwi ay pinapakiusapan ko na hangga't maaari ay yung pang-umaga o pang-tanghali na byahe ng barko sa Talao-Talao port ang sakyan ninyo pauwi sa Marinduque.
"Ito po ay para maiwasan ang posibleng paghihintay ng matagal sa Balanacan dahil medyo nahihirapan tayo na maghatid-sundo sa hating-gabi hanggang madaling araw"