Wednesday, May 27, 2020

Spanish Flu of 1918 at COVID-19 sa Marinduque

“Silang hindi natuto sa kasaysayan ay itinakda para ulitin ito”.


Ayon sa Table na ito, sa Marinduque ay 979 ang namatay sa Spanish Flu noong 1918. Mula sa The Philippines in the World of the Influenza Pandemic of 1918–1919, F Gealogo.


Naganap sa Pilipinas kasama ang Marinduque ang isang pandemonyong pandemic, 1918.

Spanish Flu ang tawag nila. 40% ng mga Pinoy tinamaan, 88,906 ang dedo.

Makikita sa Table 5 sa itaas na sa Marinduque ay 979 ang namatay. Panahong ang naitalang populasyon ng ating islang-lalawigan ay 56,868.

10 buwan ang inabot ng 3 waves, yung ikalawa mas nakamamatay kaysa nauna.


Sa kasalukuyan, pinaghirapan na ng husto ng ating mga iginagalang na mga pinuno at mga frontliners, patuloy na ginagawa ang kanilang magagagawa para mailigtas tayo at para hindi mabigyan ng puwang ang COVID-19 na kumalat sa ating islang-lalawigan.

Ayaw kang talikuran kahit pagod na pagod na sila at ang panganib na nakaamba ay naiisantabi pa rin nila dahil sa kanilang dedikasyon at pagkalinga sa pinagsisilbihan.


Salamat at wala pang namatay ni isa sa pandemyang ito sa ating lalawigan.


Nasa sa Panginoon at nasa sa ating mga opisyales at frontliners ang ating pasasalamat dahil sila ay naging maagap.


Bago mahirit ka pa?

Ayon sa isang panulat, “America’s Forgotten Pandemic” ni Alfred W. Crosby sa nasabing "1918 Spanish Flu" na basta ang tawag lamang sa atin ay "Trancazo" ay ganito ang kanyang nasulat: “Ang flu morbidity at mortality statistics ng Pilipinas, na may populasyon na 9 hanggang 10.5 million, depende na sa kung anong awtoridad ang iyong kinokonsulta, ay di maaasahan. Mga 40 porsyento ng mga Filipino ang nahawa sa sakit, at 70,000-90,000 ang nangagkamatay.

“Kahit pa gamitan ng pinaka-konserbatibong pagtatantiya, ang pandemic ay pumatay sa 2 porsyento ng mga nagkasakit nito.

“Sa maraming barangay sa pinakamatinding panahon, walang supisyenteng mga taong may kakayahang maglibing sa mga patay. Ang pandemya ay tila pinakamatinding perwisyo ang ginawa sa malalayong lugar, tulad ng Cotabato sa Mindanao, kung saan 95 porsiyento ang nagkasakit.”

(“The flu morbidity and mortality statistics of the Philippine Islands, which had a population of 9 to 10.5 million, depending on which authority you consult, are undependable. Something like 40 percent of Filipinos contracted the disease, and 70,000-90,000 died. By even the most conservative estimate, the pandemic killed 2 percent of those it made ill. In many villages in the worst days there weren’t enough well people to bury the dead. The pandemic seems to have wreaked the worst damage in the remote areas, such as in Cotabato province in Mindanao, where 95 percent fell ill.”)

Sa pinakahuling report ng Provincial Health Office (PHO-Marinduque), makikitang nagkaroon ng 6 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 subalit gumaling din ang lahat ng ito at nag-negatibo sa coronavirus base sa mga huling opisyal na RP-PCR Test. PHO Marinduque as of May 26, 2020