Wednesday, July 1, 2020

GCQ pa rin sa Metro Manila, ECQ sa Cebu City; WHO itinanggi ang kumalat na balita at pinuri pa ang Pilipinas sa 'very early lockdown'

As of June 29, 2020, nanatili sa anim (6) ang kumpirmadong COVID-19 cases sa Marinduque na ang lahat naman ay pawang gumaling (recovered) na.


Mananatiling nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila kasama na ang mga lalawigan ng Cavite at Rizal. Ang Cebu City naman ay mananatiling nasa ilalim ng enhanced community quarantine parami mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod. Ito ang sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte matapos ang hatinggabi ng Miyerkules.

Ang iba pang mga lugar sa bansa ay nasa ilalim ng alinman sa GCQ o modified GCQ.

Sa Cebu, bagamat sumunod rin ang mga residente sa kinakailangang health and safety protocols, ang pagdating ng mga overseas Filipino workers at stranded individuals mula sa Metro Manila ay naging matinding hamon sa quarantine facililities ng Cebu City, na nagresulta sa pagdami ng infections, ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, na itinalaga ni Duterte na mamahala sa containment measures na ginagawa sa siyudad. 

Briefing ng WHO at pagtanggi sa kumalat na balita

Sa isang televised briefing naman, inihayag ng WHO Representative sa Pilipinas, Dr. Rabindra Abeyasinghe ang sumusunod: "Masaya kami na ang Pilipinas ay nagpatupad ng napaka-agang lockdown na sa katunayan ay napigilan ang pagkalat ng mga kaso, posibleng daan-daang libo ng mga kaso at libo-libong pagkamatay ng mga tao". 

(“We are happy that the Philippines went into a very early lockdown which actually helped prevent possibly hundreds of thousands of cases and thousands of deaths,” WHO Representative in the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe said in a televised briefing.)

Sinabi rin ni Abeyasinghe na dapat pang palakasin ng Pilipinas ang kanilang contact tracing isolation at pag-quarantine sa mga nangangailangan.

Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO Philippines Representative

"May improvement noong nakaraang buwan pero hindi kasing bilis ng dapat na pagpapalawak pa sa testing capacity."

(“There is improvement in the last month but it’s not keeping pace with the pace of the expansion of the testing capacity,” he said.) 

Sa nasabi ring pahayag, itinangi rin ng WHO na nagbigay sila ng komento na ang Pilipinas ay pinakamataas ang mga kaso sa Western Pacific. Sinabi niyang ang assessment na ito ay gawa lamang ng isang journalist. "It is unfair to say the WHO made that comment or assessment. We did not", ayon kay Abeyasinghe.