Wednesday, August 12, 2020

COVID-19 Marinduque: 10 kaso, 1 ang aktibo

 


Base sa impormasyon na inilabas ng PHO Marinduque, nagkaroon ng 10 kaso ng COVID-19 dito, at 1 ang aktibo. Ang 8 dito ay gumaling na at 1 naman ang yumao sa ibang kadahilanan.


Ang pinakahuling natalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay mula sa bayan ng Torrijos. Ayon sa ulat ng Torrijos Health Office, isang 13 taong gulang na lalaki ang nakakitaan ng sintomas ng sakit at nagpositibo. Nanggaling sa Las Pinas City ang batang lalaki at kasalukuyang naka-admit sa isolation facility at bumubuti na ang kalagayan. 

Ito ang buong ulat mula sa Torrijos:

Municipality of Torrijos

COVID-19 BULLETIN NO. 36

AUGUST 10, 2020

IPINAPABATID sa lahat ngayong araw ang pang-anim (6) na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Torrijos, at pang-sampu (10) sa lalawigan ng Marinduque.

Isang 13 taon gulang na batang lalaki ang nagpakita ng sintomas ng sakit at nagpositibo sa RT-PCR. Siya ay nanggaling sa Las PiƱas City, Metro Manila at umuwi noong August 3, sumailalim sa nasopharyngeal swabbing noong August 5, at natanggap ang resulta ngayong araw. Naka-admit ang bata ngayon sa isolation facility at bumubuti na ang kalagayan.

Ang Pambayang Tanggapang Pangkalusugan ay kasalukuyang nagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng indibidwal sakay ng parehong sasakyan mula sa iba't ibang mga bayan sa buong lalawigan kasama ang Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU). Ang lahat ng mga close contacts ay sasailalim sa testing at isolation.

Ang lahat ng mamamayan ng Marinduque ay patuloy na pinag-iingat at pinapayuhan na sumunod sa mga alituntuning pangkaligtasan at pangkalusugan.

:: Bawal ang walang face mask.

:: I-sanitize ang mga kamay sa pamamagitan ng alcohol o paghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.

:: Dumistansiya ng isang metro o higit pa sa ibang tao.

:: Alamin ang totoong impormasyon.

Ayon sa Executive Order No. LQV 41-2020, ang sino mang darating na locally stranded individual (LSI), returning overseas Filipino (ROF), authorized person outside residence (APOR, except govt. officials and employess on official business), at iba pang darating sa bayang ito dahil sa humanitarian reasons ay dapat sumailalim sa mandatory quarantine sa Community Care and Containment Center (C4-Barangay), Municipal Community Isolation Unit, o sa home quarantine kung WALANG ibang kasama sa bahay at pinayagan ng pamunuan ng barangay at BHERT.

Huwag lumabas ng bahay kung hindi lubhang kinakailangan at sumunod sa mga kautusan ng pamahalaan. Nakasaalang-alang ang kaligtasan ng lahat sa pakikiisa at pagsunod sa mga alituntuning pangkalusugan. Mag-ingat po tayo.

- PAMBAYANG TANGGAPANG PANGKALUSUGAN