Friday, August 7, 2020

Happy Birthday Gov. Presby Velasco!

 August 8, 1948, ang petsa ng kapanganakan ni Gov. Presbitero J. Velasco,Jr., dating Associate Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas at ngayon ay kasalukuyang punong-lalawigan ng Marinduque.

Si Gov. Velasco ay kasalukuyan ding halal bilang National President ng League of Provinces of the Philippines (LPP), at Chairman ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP).

Sa isang post FB account na Gov. Presby Velasco, Province of Marinduque ay ito ang nakahayag:

"Ang Pamahalaan ng Lalawigan ng Marinduque ay malugod na bumabati po sa ating mahal na Gobernador PRESBY VELASCO, sa kanyang kaarawan ngayong araw.

"Dalangin po namin ang patuloy na kalakasan, kalusugan at patnubay mula sa Panginoon ay laging sumainyo.

"Salamat po sa walang kapaguran na pagmamahal sa ating lalawigan at Bansa! Mabuhay po kayo!"

Kasama ang Marinduque Rising sa maalab na pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating pinagpipitaganan at hinahangaang Gobernador ng Marinduque!


Update: On August 8 was posted on social media account of Cong LordAllan Velasco these photos with the governor celebrating his birthday with his family.

                    Cong. Lord Allan Velasco, Gov. Presby Velasco, Mayor Lorna Q. Velasco 
                                                           and Prov. Admin. Mike Velasco

This special cake was a gift from Cong. Velasco and his loving wife, Wen.

Also Read:

Si dating Associate Justice 'Presby' Velasco, Jr. at ang lalawigan ng Marinduque