Saturday, February 27, 2021

Pahayag ni Gov. Presby Velasco hinggil sa panukala ng IATF na wala nang pag-test sa mga turistang papasok

 


Post ni Gov. Velasco sa kanyang FB page, 27/2:

Magandang umaga, mga kababayan.

Kahapon po ay nagkaroon ng meeting sa IATF ang inyong Gobernador at  bilang National President ng League of Provinces of the Philippines (LPP) o Liga ng 81 Gobernador ng Pilipinas, ipinaglaban ko po ang kapangyarihan ng mga Local Government Units (LGUs) o mga probinsiya patungkol sa pagpasok ng mga turista sa mga lalawigan.

Sa panukala sa IATF na wala nang pag-test sa mga turista sa pagpasok, ang inyong lingkod ay nagmungkahi at nagpaliwanag na delikado na walang testing ang mga turista.

Sinumite ko po na kung ang rule ay walang testing, bigyan ang lalawigan o LGU ng kapangyarihan na mag-desisyon kung kailangan pang mag-test ng PCR or Antigen test.

Sinabi ko rin po na puwede hingan ng Certificate na Negative ang turista sa PCR test sa port or point of entry sa lalawigan. Ang certificate ay dapat dated sa loob ng tatlong (3) araw bago sa date of arrival. Na-approve po ng IATF ang mungkahi ng inyong lingkod.


Basahin din:

No more Covid-19 test for travelers, quarantine, unless LGU of destination requires testing prior to travel.