Nagpadala ng opisyal na kahilingan sa Sangguniang
Panlalawigan si Gov. Presby Velasco, Jr. noong Nobyembre 10 upang himukin na
agarang magpasa ng resolusyon na magalagay sa buong probinsya sa ilalim ng
State of Calamity.
Makakatulong ito sa mabilis na paglatag ng programa upang
mapigilan ang pagkalat ng ASF at agarang makapagbigay ng tulong sa mga
apektakdo nating mga kababayan.
Samantala, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng
Punong-Lalawigan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang matulungang
maisalba at magkaroon ng pagkakakitaan ang mga nag-aalaga ng baboy. Nakiusap ang
Gobernador na payagan na muling makapagluwas ng mga baboy mula sa mga barangay
na naka-classify na green zone papuntang National Capital Region.
Nakaagapay ang Pamahalaang Panlalawigan kasama si Speaker
Lord Allan Velasco sa mga lubos na naapektuhan ng ASF at pandemya.