Monday, December 27, 2021

Dalawang mensahe ni Gov. Presby Velasco, Jr. sa Kapaskuhan

 


Sa paggunita natin sa kapanganakan ng ating Dakilang Manunubos, kaakibat nito ay panibagong simula.

Sa aking mga kapwa lingkod-bayan, maraming salamat sa inyong paglilingkod.

Sa mga kapwa kong Marinduqueños, maraming salamat sa inyong kooperasyon upang labanan ang krisis na ating kinahaharap.

Sa pagdiriwang natin ng ating Kapaskuhan, manatili nawa ang diwa ng paglilingkod, pagbibigayan, pagbubuklod at pagmamahalan.

Mula po sa inyong lingkod kasama si Speaker Lord Allan Velasco, ang aming buong pamilya ay bumabati po sa inyo ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!

 - Gov. Presby Velasco, Jr.  24 Disyembre 2021

 


Ipinagdasal at pinagsumikapan natin masugpo ang COVID-19. Wala akong ibang hiniling ngayong Pasko kundi ang kaligtasan sa sakit at panganib ng ating mga minamahal na kababayan.

Salamat sa biyaya ng Diyos at mga taong nagpursige lalong lalo na ang mga medical frontline workers upang sa kaunaunahang pagkakataon ay magkaroon tayo ng 0 active case status.

Patuloy po tayong mag-ingat at ipatupad pa rin ang minimum health protocols upang manumbalik na ang sigla ng ating pamumuhay.

Sumainyo nawa ang pagpapala at paggabay ng ating Panginoon.

            - Gov. Presby Velasco, Jr., 24 Disyembre 2021