Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque, sa tulong ng
iba’t ibang sangay ng pamahalaan katuwang ang pribadong sektor, ay patuloy ang pagsasaayos
at pagdadagdag sa mga pasilidad ng ospital.
Ang Rotary Club of
Marinduque North kamakailan ay nagsagawa ng Turnover of Dialysis Machines at
Water Treatment para sa pagtatatag ng kauna-unahang Hospital-based Hemodialysis
Clinic sa lalawigan.
Nagpahayag ng pasasalamat sa malasakit at pag-agapay
ng mga opisyal at miyembro ng Rotary Club sa kanilang ipinagkaloob na Dialysis
Machines at kagamitan para sa Water Treatment.
“Napakalaking tulong nito para sa mga dialysis patients na hindi na kinakailangang lumuwas pa ng Lucena o NCR para magpagamot”, pahayag ni Gov. Presby Velasco, Jr. sa kaniyang Facebook account.
“Sa ngalan ng lahat ng
Marinduqueños, taos-puso akong nagpapasalamat sa Rotary Club sa pagkakaloob ng
mga mahalagang donasyon para sa ating Dialysis Center”, dagdag ng gobernador.