Sa pagsisimula ng panibagong linggo ng paglilingkod at
paglalaan ng sarili para sa Diyos at bayan ay pinapaalalahan ang bawat kawani
ng pamahalaan at kapwa ko lingkod-bayan ng ating sinumpaang tungkulin.
Manatili tayong maging huwaran, matapat at magmalasakit sa
ating mga kababayang pinipiling paglingkuran.
Ngayong araw, Pebrero 7, ay pinangunahan po ng inyong lingkod kasama ang ating ipinagmamalaking Speaker of the House, Lord Allan Velasco ang Flag Raising Ceremony kasama si Deputy Sec. General Atty. Jocelia Bighani Sipin, Bokal Lyn Angeles, PA Mike Velasco at ang mga opisyales at empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan. -- GOV. PRESBY VELASCO