Sunday, April 10, 2022

Baliktanaw. Mensahe ni Bishop Reynaldo Evangelista tungkol sa Black Saturday, 2009

 

MENSAHE NI MOST REV. BISHOP REYNALDO EVANGELISTA,

SA PAGBUBUKAS NG MARINDUQUE EXPO, 2009.


Bishop Reynaldo Evangelista

 

“… Ito po ay nabanggit ko noong Linggo ng Palaspas. Ang isa po sa dapat itama at bigyan natin ng pansin at yun po ay pinagsisikapan ng lahat ng mga Obispo ay mabigyan ng emphasis yung celebration ng Easter. Ang pinaghandaan po natin nung 40-days ng Kuwaresma, Mahal na Araw, ay yung Pasko ng Pagkabuhay, hindi yung Biyernes Santo. Kasi, Biyernes Santo nag-alay Siya ng Buhay kaya may prusisyon sa hapon, ito’y Prusisyon ng Libing, kaya may Santo Entierro … mali yung ating practice. Mali yung ating pangingilin.

“Kaya po dapat ay makatawid tayo dun sa Muling Pagkabuhay. Kaya po kung maaari at challenge ko sa Boac, maging challenge sa lahat din ng bayan, maging talagang joyful celebration yung Easter, yung talagang Muling Pagkabuhay – simula sa Salubong sa madaling-araw, kung kinakailangan naikot ang banda sa bayan.

“Alam ninyo sa Gasan, may malaking festival pagka Easter Sunday. .. napakahalaga po nung pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay sa gabi yung Easter Vigil  Buong simbahan po sa buong mundo nagdiriwang noon. Ay baka maagaw ng commercial side ng celebration yung celebration na iyon.

“Kung maaari po, at ito’y nabanggit ko sa mga pari na ipaliwanag ito sa mga tao. Sa totoo lang, hindi yung kinabukasan ay tapos na iyon. Siyempre narinig noong araw na ‘Sabado de Gloria’, iyon ang sumiksik sa isip ng maraming mga tao, iyun na ‘yon. Hindi po. Iyon pong Saturday ang tawag ngayon ay Black Saturday… Good Friday po yung Biyernes Santo , yun pong Saturday ay Araw ng Pagluluksa kaya Black.

“Kaya po dapat doon ay hindi pa puwede ang mga kung ano-ano mang sayahan. Iyon po ang napakahalagang maituro din natin sa ibang mga tao… Ito po’y binabanggit ko sa inyo, para mapagplanuhan natin kung ano pang magandang adjustment o mga celebration na maintroduce natin.

“ Salamat po ng marami sa inyo.”

 

Ref. https://www.youtube.com/watch?v=giwWrYs2eZE

Description: 

The Moriones Festival of Marinduque has been the subject of studies on how commerce and trade, modernization and political intervention have, over the years, variously impacted on the colorful folk tradition originally associated with spirituality, penance and vows. In this video, the Most Reverend Bishop of Boac, Reynaldo Evangelista expresses his thoughts and recollections on the moriones tradition and the need for adjustments, among them, the challenge to truly make the solemn observance of Black Saturday, then Easter Sunday as a day of rejoicing. The focus on things spiritual must be kept, he said, that could even lead to Marinduque making a name for itself as a Spiritual Renewal Destination in the future. His message was conveyed during the opening program of the Moriones Festival (2009), with local government officials and private sector in attendance. This year's Lenten celebration in the Philippine's central island-province, dubbed as "Semana Santa sa Marinduque" thus, strikes a balance between, commerce and spirituality, politics and religion, in keeping with the Bishop's spiritual message.