Latest Posts

Sunday, July 23, 2017

Matinding record baya: Sea of Marinduque bilang Graveyard of Spanish galleons, Chinese junks, Japanese warships, and Philippine passenger vessels

May kinalaman kaya ang alinman sa mga artefacts tulad ng mga angkla ng barko na diumano ay narecover sa ilang bayan ng Marinduque?

Lumulubog na galleon
Alam ng mga historians, mag-aaral at mga mananaliksik na ang kasaysayan ay patuloy na nababago at itinutuwid. Ito ay depende na lamang sa mga bagong impormasyon, sources o mapagkakatiwalaang mga ebidensya na wala pa sa panahong sinusulat pa lamang ang mga istorya.

Sa kabuuhan, paglitaw lamang ng katotohanan ang pakay ng mga sumulat. Bagamat may mga pagkakataon na tila sila rin ang sadyang naglilihis ng kanilang salaysay sa ano pa mang mga kadahilanan, responsibilidad naman ng mga mapanuring bumabasa na patunayan, ituwid o pabulaanan kung kinakailangan, ang mga ito - ayon nga sa paglitaw ng mga bagong impormasyon at pananaliksik.

Malimit idikit dito ang mga salitang 'the truth shall set you free' - ang katotohanan na magpapalaya sa mga inaalipin at sa kamangmangan.

Maraming taon na ang nakalipas, naisulat ko kung papaanong ang islang-lalawigang ng Marinduque ay maituturing na 'angat sa iba'. Angat siya sa larangan ng kultura, kasaysayan at mga likas yaman kung pakaiisipin. Subalit sa naitala nang kasaysayan ay may isa pa palang dagdag na mapagkikilanlan at handang magdulot ng bagong kulay, liwanag at ningning sa imahen ng Marinduque.

Bilang isa sa pinakamaliit na lalawigan sa Pilipinas, wala tayong panama sa halos wala namang katapusang lawak ng karagatan sa Caribbean Sea, o Black Sea o sa baybayin ng Britania kung bibilangin mo ang mga barkong nalibing doon sa ilalim ng dagat. 

Pero hindi kapalaluan na sabihing sa makipot na Karagatan ng Marinduque naman nakahimlay ang pinakamaraming bilang ng mga barkong kinapos-palad na lumubog dito, kung teritoryo ng Pilipinas ang pag-uusapan. 


Karagatan ng Marinduque.
Ang islang-lalawigan ng Marinduque ay may sukat na 95,925 hectares lamang, kayat napakalimitado talaga ang karagatang nakapaligid dito.

Ayon sa tala ang malaking bilang naman ng mga lumubog na barkong nabanggit ay dala ng malalakas na bagyo. Ang ilan ay dahil sa labanan sa dagat.

Mula nang 'madiskubre' ng mga Kastila ang mga isla sa Filipinas hanggang sa kasalukuyan, ang pinagsamang bilang ng mga Chinese junks, Spanish galleons, Japanese war ships at Philippine passenger vessels na lumubog sa nasabing dagat ng Marinduque ay hindi kakayaning malampasan - ng alin pa mang lalawigang napapalibutan ng dagat. 



Unang Spanish Galleon na lumubog

Ano ang unang galleon na lumubog kaya sa Pilipinas? May nahalukay akong maikling pangungusap sa The Selga Chronology tungkol sa isang bagyo noong 1589, na sumira daw sa maraming Spanish at Chinese vessels sa Manila Bay. Walang mga pangalan. Nangyari ito isang taon bago maganap ang unang kaso ng isang galleon na sumadsad sa Marinduque. 

Sa kakaunting listahan na matatagpuan mo sa Internet (tulad ng UlongBeach.com at iba pa) isang barkong "San Felipe" ang tinutukoy na sinamang-palad. Ang nakasaad ay ganito:


1590 San FelipeBetween March and June
The San Felipe sailed from Acapulco, Mexico to Manila, but was shipwrecked off the coast of Marinduque during typhoon. The Ship's crew survived the wreckage with the cargo and silver where (sic) were valued at 500,000 pesos. Her cargo partly recovered. She grounded on a reef near the shore.

Old map of galleon route

Hindi nabanggit sa nasabing website ang source maliban sa katagang "various sources" kayat sinubukan kong hanapin ang pinanggalingan ng impormasyon. Lumalabas na tila ang naging source ay ang The Manila-Acapulco Galleons: The Treasure Ships of the Pacific ni Shirley Fish. Para sa ilan, maituturing ang nasabing aklat bilang pinakamahalaga o isa sa pinakamahalaga at pinaka-komprehensibong pananalisik at literatura na naisulat na sa paksang ito.
Cover ng aklat ni Shirley Rice

Sa page 518 ng panulat ni Fish ay may ganitong nakalagay, at maaring may iba pa siyang source (base sa snippet na available sa Internet na makikita sa ibaba):
"1590 San Felipe - The ship sailed from Acapulco to Manila, but was shipwrecked off the coast of the island of Marinduque in the Philippines... ship's crew survived the wreckage with the cargo and silver which were valued at 500,000 pesos."

Totoo kaya?

Ito ang kawili-wiling bahagi, dahil ano naman ang nalaman ko?
Ang masasabi ko po, sa panig ng mga sumulat, kasama na ang mabusisi at batikang si Fish, at Internet sources, ay walang dudang nagkaroon ng kalituhan sa kanila nang pangalanan na ang lumubog na galleon noong 1590 sa Karagatan ng Marinduque, sa pagitan ng Marso at Hunyo, ay ang San Felipe.

Patutunayan ng sumusunod na salaysay na ang San Felipe ay ginagawa pa lamang sa Iloilo (Panay) noong taong 1590. Ito ay sa superbisyon ng isang Don Juan Ronquillo. Ang nasabing galleon ay natapos at nakarating sa Cavite, pangunahing shipyard ng mga Kastila noong May 28, 1591, kayat maaari pa lamang itong lumarga sa unang biyahe niya sa Acapulco ng June 4, 1591, "o isang taon pagkarating ng bagong governador".

Sinong governador?


Governador Gomez Perez Dasmarinas

Si Gomez Perez Dasmarinas, bilang ika-pitong governador ng Filipinas ang nagsilbi mula June 1, 1590 - October 25, 1593.(3 taon lamang ang itinagal dahil siya ay nasawi).

Pagkarating ni Dasmarinas sa port ng Cavite lulan ng Santiago ay kaagad siyang nagtungo sa Maynila para simulan na ang kanyang tungkulin nang sumunod na araw, June 1, 1590.

May mahalagang detalye tungkol sa mga barkong ginamit ni Dasmarinas mula Acapulco papuntang Manila. Sa Acapulco ay may isa pang mas maliit na barko, ang San Ildefonso, na 80 toneladas lamang at kararating pa lamang mula sa Peru. Pinadiskarga ni Dasmarinas ang laman nitong mga kargamentong cacao at pilak, at pinapuno niya ito ng mga kinakailangan nilang mga kagamitan para sa biyahe nila sa Pilipinas.

Ilan sa lulan ng Santiago, ang pangunahin nilang barko (capitana ang tawag bilang flagship), na umalis sa Acapulco noong March 1, 1590, maliban kay Gomez Perez Dasmarinas at ang kanyang anak na si Luis Perez Dasmarinas (na naging governador din), ang mga sumusunod: ang kanyang pamangkin, si Lope de Andrada, Captain at Sergeant-Major Juan Juarez Gallinato, Captains Hernando Becerra Montano at Gregorio Cubillo, Licenciado Armida (judge-advocate for war), Juan Villegas, ang Captain of Infantry, Diego Jordan, kasama ang alferez (lieutenant) at sergeants ng kanyang military units, maraming mga sundalo, ibang mga pasahero, at 17 Augustinian friars.

Sakay naman ng San Ildefonso (ang almiranta, o escort ship), ang kanya pang pamangkin, Fernando de Castro, Captains Francisco Pacheco at Francisco de Mendoza na may kasamang 90 mga sundalo, 6 na Augustinian friars at ang dalawang Jesuits. Isa rito si Pedro Chirino. Si Chirino na may mahalagang papel na ginampanan sa maraming taon niyang pamamalagi sa Pilipinas. 

Father Pedro Chirino

Mismong si Chirino nga ito - ang misyonaryong Hesuita at historian sa Pilipinas na nakilala bilang sumulat ng Relacion de las Islas Filipinas (1604).

Tatlong buwang bumiyahe ang dalawang barko patawid ng Pacific Ocean, subalit matapos makapasok sa arkipelago ng Pilipinas sa mapanganib na Embocadero (San Bernardino Strait), ay nagkahiwalay ang dalawa dala ng isang malakas na bagyo.

Dumating ang Santiago sa isla ng Capul, Mayo 24, 1590. Pinauna na ni Dasmarinas ang kanyang sekretaryo, Juan de Cuellar, papuntang Manila para ma-abisuhan ang mga kinauukulan tungkol sa kanyang pagdating.

Nabahala siya tungkol sa pagkabalam ng almiranta kayat nagpalipas muna ng isang araw para maghintay. Nang walang senyales, nagpasya na siyang tumuloy na pa-Manila.

Astillero (shipyard) sa Cavite

Alas tres ng hapon siya dumating sa Cavite, Mayo 31. Ang nangyari pala ay nakarating din ang almiranta sa Capul. Ayon sa panulat ni Chirino na naging lulan nga ng almiranta ay nasira ang palo (mast) ng barko subalit nakarating ito sa Marinduque na kung saan nakababa ng maayos ang mga pasahero. 

Ibig sabihin nito, nabalam ang pagdating nina Chirino at mga kasama at nakarating lamang sila ng June 20. Dalawamput-dalawang araw ang lumipas bago pa nalaman ni Dasmarinas ang pangyayari.

Hindi kalaunan pagkarating niya noon sa Manila, inutusan ni Dasmarinas ang lanyang pinsan, Lope de Andrade na bumalik sa Cavite para tiyakin na ang mga barko ay handa nang bumalik. Noong June 26, 1590 naroon na si Dasmarinas para makapagpaalam sa mga maglalakbay. Habang naroon naman siya, dumating ng June 20 ang natitira pang mga pasahero na naging kasabay niya mula Acapulco na sumakay sa almiranta.

Ibinahagi nila sa governador ang nangyari sa kanila sa Marinduque. Wala namang detalyeng nabanggit kung ano pa ang kanilang isinalaysay sa governador.




Pagkabalik ni Dasmarinas sa Manila, inutusan niya ang pilot, Juan Gomez kasama ang ilang marinero para magtungo sa bayan ng Arevalo sa isla ng Panay. Doon nga kasalukuyang ginagawa pa lamang ang galleon na may pangalang San Felipe. Nasa isip ng governador na higit na marami pang galleon ang kailangan sa bagong colony. 

Pag-iisip na sa isa mga susunod na yugto ng salaysay na ito ay lilitaw naman kung paano pang lumalim ang papel ng Marinduque sa laro nilang mga dayuhang sumakop sa Las Islas Filipinas.

Manila-Acapulco Galleon trade route

Samakatuwid, base sa salaysay na ito, walang kaduda-duda na ang almirantang SAN ILDEFONSO ang napadpad sa Marinduque, hindi ang San Felipe.

E ano ngayon?

Una pa lamang ang kabanatang ito sa may kahabaang listahan ng mga barkong nalibing sa puso ng Pilipinas. May kahabaan ang kuwento sa itaas pero dapat lamang maituwid ang mga dati nang naisulat tungkol dito. Tuloy, baka sakali lamang na may makaisip ding magtanong: 

Ano pa ang nangyari sa San Ildefonso at saan eksaktong lugar kaya sa baybayin ng Marinduque ito napadpad? 

Ang alinman sa mga sinaunang angkla ng barko na natagpuan diumano sa mga bayan ng Torrijos (noong 1970s) at kamakailan sa Boac ay may kinalaman kaya dito? 

Ano ang nangyari sa mga angkla na huling nabalitaang nasa pangangalaga ng mga kinauukulan? 

Anong artefacts pa kaya na may kinalaman sa galleons ang narecover sa ibat-ibang panahon kung meron man?

Makatulong kaya ang salaysay na ito sa pagpapalaganap ng interes sa bahaging iyon ng lokal na kasaysayan natin?

Hanggang sa susunod na kabanata. (Itutuloy)



The Dasmarinases: The Early Governors of the Spanish Philippines
by John Newsome Crossley. 
Pinakamahalagang source sa usapin ng kung ano talaga ang pangalan ng almiranta na sumadsad sa baybayin ng Marinduque. 


Sources:

The Dasmarinases: The Early Governors of the Spanish Philippines by John Newsome Crossley;
The Manila-Acapulco Galleons: Treasure Ships of the Pacific by Shirley Rice;
UlongBeach.com (Mahalagang source sa mga makaykasayang bagay tungkol sa Marinduque)
TSEATC.com

Related readings:

Ship's story revealed in 435-year-old wreckage, C.Nolte, SFGate, 8.23.11  (Para sa tunay na nangyari sa San Felipe. Maaring kwestyonable dito ang nabanggit nilang taon sapagkat dokumentado rin naman ang paglubog ng San Felipe. Ngunit naroon pa rin ang posibilidad na ang barko ay kapangalan din lamang ng San Felipeng natapos gawin noong 1591 at pinag-uusapan dito).
40,000 shipwrecks waiting to be found off British coast, S. Knapton, TheTelegraph,8.15.16 (Para malaman ang pagpapahalaga at ginagawa ng mga awtoridad sa ibang bansa sa ganitong mga bagay);
Caribbean Shipwrecks, PirateShipWrecks;
Explorers accidentally find 41 shipwrecks thousands of years old in Black Sea, Tembury-Dennis, Independent, 10.25.16.

Friday, July 21, 2017

Nahukay, nasisid, mga sinaunang yaman ng Marinduque

Isa lamang sa maraming pinagtaguan. Dito naman ay may sadyang ginawang dungeon gawa sa mga bato at maitim na semento. May maliit na lagusan papunta sa isang malaking kuwarto. Larawan: Eli Obligacion

Huwag ka nang magtaka kung bakit may ilan sa Marinduque na tila obsessed sa paghahanap at paghukay ng mga nakatagong yaman sa ilalim ng lupa. Maging ang lolo ng lolo mo marahil ay nagnais na rin na isang araw ay makatisod o makahukay sa bundok, burol, kaparangan o dalampasigan, ng ginto - sa tulong ng mga duwende o engkantong nakapaligid o ng dasal.


Pangunahing kokontra naman ang ilang 'taong-Simbahan' dahil "sa demonyo" raw 'yun, bagamat may mga naitala na sa kasaysayan na para sa ilan sa kanila, dala ng kanilang 'banal' na posisyon ay sila dapat daw ang mauna nang makinabang sa mga ganoong uri ng kayamanan "para sa Diyos". 

Ang iba naman ay may kakayahang magsagawa ng paghuhukay o akuin ang mga ano mang nahukay ng iba na na walang makakapiyok. Iyun ang kwento. 

Hindi sila lahat masisisi. Ang pinakamaagang naitalang archaeological expeditions ng Pilipinas ay nasimulan sa Marinduque. Bago pa nga dumating dito si Antoine-Alfree Marche, isang French naturalist at explorer noong 1881 ay may nauna pa nga sa kanya, si Fedor Jagor isang German-Russian explorer ding naparito noong 1860s. 

Sa isang kuweba nakuha ang mga ito ni Marche.

Hindi naman gold bars ang nakuha nila. Kung may ginto man ay mga pira-pirasong aksesorya lamang ang kanilang nakuha at mas marami ang iba pang artifacts tulad ng mga banga, urns, plato, bungo at iba pa na ang totoong kahalagahan ay nasa kalumaan ng mga ito. Di tulad ng mga nakuha sa Surigao.

Ayon sa panulat ni Marche iang islang-lalawigan ng Marinduque ay kilala noon bilang isang 'Isla ng mga Kuweba". Hindi mabilang na mga yungib at kuweba ang narito at malamang na hindi lahat dito ay napasok na.

Sa modernong kasaysayan

Sa modernong kasaysayan naman, may mga archaeological exploration projects na isinagawa sa Bathala Cave (Sept. 9 - Oct. 12, 1983), at marine archaeology sa may baybayin ng Pinggan (1981 at April-June 1982), muli itong binalikan ilang taon pagkatapos. Mga panahon ito ng Martial Law. Panahong kung may gustong ilihim na mga nasa kapangyarihan ay di hamak na kanilang nagagawa.

Napunta ang ilan sa National Museum Branch sa Marinduque. Ang iba ay sa mga pribadong collection.

Sa excavation na naganap sa may Tres Reyes, magkatuwang ang National Museum, at ang Marine Archaeology Unlimited, Inc. (MAUI), ng magsagawa ng sistematikong dokumentasyon, retrieval, at chemical treatment ng mga artefacts na nakuha sa ilalim ng dagat. Pakay din nila noon na pag-aralan ang naging bahagi ng lumubog na barko sa sinaunang kasaysayan ng Pilipinas. Makaraan ang maraming taon, tila wala namang konklusibong resulta ang naging pag-aaral.

Ayon kay Eduardo Conete ng National Museum na naging kasama sa underwater excavations noong 1982, ay may 1,186 na pirasong artifacts ang na-retrieve sa wreck site.

Ming dynasty plate

Ang ilan sa mga na-retrieve na artifacts ay 170 stoneware jars and jar covers, porcelain bowls in various sizes, jarlets, saucers, ballast stone, restorable artifacts (78), shards and fragments (679 pcs). Ayon sa huling impormasyon ay dating inilagak sa Chemistry and Conservation Lab ng National Museum at ngayon ay nasa Underwater Archaeology Storage Room ng Museo.

Paano ito naduskubre?

Matatandaang naging daan ang isang mangingisda na taga Brgy. Pinggan sa pagdiskubre ng shipwreck na ito na pinaniniwalaan ngayong isa diumanong Ming Dynasty* Chinese vessel. (Walang ano mang bahagi ng wreckage ng barko ang na-retrieve).

Nagawang sumisid ng maningisda sa wrecksite ng paulit-ulit para manguha ng mga 'antiques', bagamat wala siyang maayos na diving equipment. Nang panahong iyon ay may kamalayan na sa islang-lalawigan tungkol sa kahalagahan ng mga ganitong uri ng 'antiques'.

Sa ilalim ng dagat sa pagitan ng Gaspar at Brgy. Pinggan sinisid ang mga kayamanan.
Larawan: Jun Villegas

Hindi nahirapan ang mangingisda sa paghanap ng mga gustong bumili ng kanyang mga nadiskubre - sa murang halaga lamang at natatawaran pa! Subalit sa kasamaang-palad, sa huli ay nabawian siya ng buhay dahil sa pagkalunod rin sa kawalan nga ng maayos na diving equipment.

(*Ming Dynasty - 1368-1644)

Basahin din:

A day in the bushes to back up their hidden treasure stories

Treasure object magically surfaced!

Kagulat-gulat! Marinduque noong wala pang nakatalang kasaysayan o prehistory

Notes on underwater archaeological finds

Thursday, July 20, 2017

Kagulat-gulat! Marinduque noong wala pang nakatalang kasaysayan o prehistory

Sa mga naisulat kong mga artikulo bilang mananaliksik sa prehistory at mga pira-pirasong kasaysayan ng lalawigan ng Marinduque, ilan dito ay nagamit para sa mga opisyal na dokumento o kaya'y lumabas na sa ilang lathalain. Karamihan ay unang lumabas dito sa Marinduque Rising, may ilan naman na sa iba pang lumang sites na aking pag-aari.

Lahat ng ito ay bunga ng walang-sawang pananaliksik sa mga pribado o pampublikong aklatan (lalo na noong panahong wala pang internet), at siyempre ngayon, mula sa tinatawag nating information superhighway na pinakamadaling ma-access.

Coffin covers from two coffins found by Marche in Marinduque. These two drawings appeared in Antananarvio Annual and Madagascar Magazine 1892.
Kagulat-gulat na kapag nananaliksik ako ngayon tungkol sa ilang bagay na may kinalaman sa Marinduque ay napapakunot-noo ako. Ito ay sa kadahilanang parang pamilyar na ako sa ilang bahagi ng mga nasusulat - at batid ko na sa ilang aspeto ay ako lamang ang nakapagtagni-tagni noon mula naman sa ibat-ibang literatura. Iyon pala ay sa kadahilanang ang mga panulat o ilang video ko rin pala ang nagamit na source. 

Nakakatuwa ang ganitong pangyayari dahil nagiging mas madali namang malaman at mas malinaw para sa mga katulad kong mananaliksik kung alin pa ang mga bagay na dapat pang halukayin o hanapin.

Interesante ang topic na prehistory of Marinduque. Sa aking paghahanap ay napunta ako sa Wikipedia na mayroon palang artikulo tungkol dito na mula sa aking panulat. Source din ang "Alfred Marche Expedition" (English translation ng aklat ni Marche) na matatagpuan sa UlongBeach, bukod pa sa iba.

Bagamat pwedeng isalin sa maraming lenguahe ang artikulo ay ako na ang nagtranslate ng sumusunod dahil may kaguluhan ang auto-translation nito sa Filipino. Naaayon naman ito sa paniniwala ng Wikipedia, ika-5 sa pinakapopular na website sa buong mundo, - na ang mga mambabasa ang sa huli ay responsable sa pagwawasto o pag-verify ng katumpakan ng kanilang mga artikulo.

Prehistory ng Marinduque
Nailimbag noong 1887 ang kanyang "Lucon et Palaouan, Six Années de Voyages aux Pilipinas (Luzon at Palawan, Anim na taon ng Voyages sa Pilipinas)". 

Jagor Expedition 

Ang pagtuklas na pre-kolonyal na kultura ng Marinduque ay sinimulan ng antropologong si Fedor Jagor noong 1860s sa pagdiskubre niya ng elongated skulls sa isa lamang sa mga kuweba sa isla. Napag-alaman na ang mga bungong ganoon ang hugis ay katulad din ng mga natagpuan sa Cagraray at Albay. Ito ang pinakaunang pagtuklas ng ganoong uri ng mga bungo sa Silangan kaya nagkaroon ng malaking interes sa Kanluran. [2}

Marche Expedition

Local explorers found these bones in a cave of one of the islands of the Tres Reyes Islands of Marinduque, Philippines. Wikipedia Photo: Emmanuel Sace

Ang una namang sistematikong pag-galugad sa mga ganitong bagay sa Marinduque ay isinagawa ni Antoine-Alfred Marche, isang French explorer, noong 1881. Nagawa niya ito sa tulong ng kanyang mga kaalyado at mga katutubo sa tinaguriang Isle of Grottos (Isla ng mga Kuweba). Maraming mga sinaunang banga, pinggan, mga pigurin, ginintuang alahas, mga kalansay, mga ataol at ceramics ang kanyang nahukay sa ilang bahagi ng probinsya. 

Marami sa kanyang nahukay ay nakuha sa Boac, sa isang maliit na isla sa Tres Reyes, sa Bathala Cave at sa Gasan.[3] Karamihan sa mga artefacts ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Musée du Quai Branly at Musée de L'Homme, parehong matatagpuan sa Paris [4], habang ang ilan ay nasa Smithsonian Institution sa Washington, DC. [5]

Pambihirang natuklasan

Isa sa mga pambihirang tuklas ni Marche ay ang mga ataol na gawa sa kahoy na nahukay sa isang kwebang libingan sa Marinduque. Ang mga ataol na ito ay may ukit na mga imahe ng buwaya sa takip ng mga ito. Katulad ito ng mga matatagpuan sa Nosy Loapasana, Madagascar. [6]



Isa pa ang kanyang pagkatuklas sa deformed skulls o elongated skulls sa kuweba ng Los Tres Reyes, sa Pamintaan at sa Macayan. Ang mga deformed skulls ay katulad niyong mga una nang natuklasan sa isla ni Fedor Jagor noong 1860s. Pinaniniwalaang ang deformation ng mga bungo ay isang resulta ng compression ng ulo, sa isang bagong panganak na bata. Nagagawa ito sa pag-ipit ng ulo sa pagitan ng dalawang wood boards. Isinasagawa ito ayon kay Marche, na ang ulo ay ginagawang pahaba sa halip na bilog, at ang noo ay mas malapad, bilang "espesyal na tanda ng kagandahan" noong sinaunang panahon.



Subalit kamangha-mangha na ang ganitong hugis ng mga bungo ay makikita rin sa mga sinaunang Mayan, Egyptian, at Incan races, sa kabila ng hindi pagkakaroon ng anumang ugnayan sa pagitan ng mga taong ito. [2]



Naging sanhi naman ng "pagkalasing" sa kasiyahan ni Marche ang mga bagay na nahukay niya sa isang libingan sa Pamintaan Cave. Ang ilang mga bagay, mula Chinese urns, vases, mga gintong palamuti, at iba pa ay kanyang nahukay.



Chinese Junk Shipwreck

Noong 1982, ang National Museum at ang Marine Archaeology Unlimited, Inc. ay nagsagawa ng isang excavation ng isang shipwreck, may 40m ang lalim sa timog-kanlurang baybayin ng Marinduque. Ang site ay natuklasan sa pamamagitan ng isang lokal na mangingisda na noon ay nagagawang sumisid para makuha ang maraming mga ceramic pieces kahit na walang anumang diving equipment. [7] Napag-alaman na ang barko ay isang Chinese trading galleon mula sa Ming Dynasty. Higit sa 1,100 piraso ng artifacts mula sa mga site ang nakolekta ng excavation, karamihan sa mga ito ay pinggang porselana, banga at stoneware [10] . Ang stoneware jars ay kapansin-pansing katulad ng mga jars na may disenyong dragon sa mga nahukay mula sa Pamintaan cave. 

Malapit sa Brgy. Pinggan ('Plate'), ang shipwreck na nabanggit at naging ganoon ang pangalan dahil diumano sa nagkalat sa dalampasigan na mga piraso ng pinggang porselana noong una pa. Isang re-excavation ang isinagawa matapos ang ilang taon sa gitna ng baybayin ng Pinggan at Gaspar Island. [7]

San Isidro Cave at Subterranean River

Ang isang nakatagong kuweba na may underground river ay kamakailan lamang natuklasan sa Sta. Cruz, Marinduque . Ang San Isidro cave system na mayroon ding maliit na waterfall, stalactites at stalagmites na iba-iba ang mga kulay at mga hugis, freshwater shrimps, eel, swallows, at batong hugis king cobra na animoy nagbabantay. Ang kuweba ay patuloy na pinag-aaralan pa, wala pang ginagawang paghuhukay at bukas sa mga gustong bumisita. [8]


Sources ng Wikipedia
1.  http://triptheislands.com/destinations/the-colors-of-marinduque/
2. Obligacion, E. (July 30, 2012). "Ancient Marinduque's common ancestry with the Mayans and lost civilizations?". Marinduquegov. Retrieved October 4, 2015.
3. Zugwalt, E. "Archaeology in the Philippines". Treasure and Antique Seeking. Retrieved October 4, 2015.
4. "Alfred Marche Expedition". Ulong Beach. Retrieved October 4, 2015.
5. Obligacion, E. (February 9, 2014). "The Mysterious Phenomena of Elongated Skulls.". Marinduquegov. Retrieved October 4, 2015.
6. Obligacion, E. (February 8, 2014). "More on Marinduque's common ancestry with lost civilizations.". Marinduquegov. Retrieved October 4, 2015.
7. List of wrecks which may be of interest. (2011, February 6). Retrieved October 4, 2015.
8. "Marinduque Discovery: Hidden Cave with Subterranean River". Beach Club Cagpo. October 12, 2009. Retrieved December 8, 2014. (marinduquegov video)

Tuesday, July 18, 2017

Malakas na lindol at mga lindol sa ilalim ng bulkan sa Pilipinas kasabay ng solar flare at CME


Nag-anunsiyo ang SpaceWeather.com noong July 14, 2017 na isang malaking sunspot AR2665 ang sumabog at bumuga ng napakalakas na solar flare at coronal mass ejection (CME). Naitala ito ng NASA's Solar Dynamics Observatory sa pamamagitan ng kanilang extreme ultraviolet telescopes.

Ang pagsabog ay tumagal ng higit sa dalawang oras na pagratrat ng mga X-rays at energetic protons na nag-ionise ng atmosphere ng Mundo. Dahil dito, nagkaroon ng shortwave radio blackouts sa Pacific Ocean at lalo na sa Arctic Circle.

Inihayag din ng SpaceWeather.com na interesanteng bantayan ang coronal mass ejection (CME) na Earth-directed at parating ng July 16 (July 17 sa Pilipinas), na maaaring magresulta sa geomagnetic storms at high-latitude auroras.


LINDOL
Naipost ko sa FB July 15 ang tungkol sa mga debate kung ang malalakas na CME ay may kapasidad na mag-trigger ng malalaki ring lindol at ma-aggravate ang volcanic activities. Kung tutuusin ay may napakahaba nang tala ang ilang siyentipiko bilang pruweba na ganito nga ang nangyayari lalo na sa kaso ng malalaking paglindol.

Binanggit ko rin na sa kaso ng CME ay hindi naman ma-forecast kung saang panig ng mundo yayanig. Kaya't mabuting abangan ikako kung ano ang magaganap at "may maganap kayang naglalaro naman sa M7?"



Kaya July 16 ay naka-watch mode pa rin. Ito ay sa dahilang ang Pilipinas ay maliwanag na kasama sa lugar na tinamaan ng solar flare at ultraviolet radiation. Nasa ibaba ang larawan mula sa NASA's Solar Dynamics Observatory na nagpapakita nito. Tumama nga sa Pacific Ocean at hagip ang mga bahagi ng Indonesia, Pilipinas, Japan at Russia.


Dumating ang July 17, 2017 at naitala ng Phivolcs ang isang moderate earthquake sa dakong Masbate: Magnitude 4.4 at 19 Km ang lalim.
.
Nasundan ito ng araw ding iyon ng isang Magnitude 6.2, may lalim na 10 Km na naitala sa Russia.
At biglang dumagundong ang balita:

7.7-magnitude quake hits off Russia, tsunami threat

Ayon sa balita, ito ang ikalawang pinakamalakas na lindol sa taong 2017.
(Ang deepest earthquake naman na naitala sa kasaysayan ng mundo ay naganap sa Pilipinas ngayong taon din).
Magnitude-7.7 earthquake shakes northern Pacific Ocean near Alaska's Aleutian Islands
A powerful earthquake shook areas off the coast of eastern Russia late on Tuesday morning, local time.
The epicenter of the magnitude-7.7 earthquake was located about 123 miles (199 km) east-southeast of Nikol'skoye, Russia, according to the USGS.
The National Tsunami Warning Center (NTWC) issued statements shortly after the quake warning of a possible tsunami for areas nearby the epicenter. This included part of Alaska's Aleutian Islands.
However, the NTWC later said that the threat of a tsunami had passed.
According to the NTWC, a 0.3 foot tsunami was measured at Shemya, Alaska, at 5:12 p.m. PDT Monday and that some nearby areas may continue to see a small sea level change.  - AccuWeather
 
Kumusta naman ang sitwasyon sa mga bulkan ng Mundo?


Makikita sa itaas ang datos ng Volcano Discovery tungkol naman sa mga lindol na naitala sa loob ng nakaraang 24 oras sa mga lugar na malapit sa mga bulkan (20 Km radius).

Kapansin-pansin na biglang naisama sa talang ito ang isang nananahimik na bulkan sa Pilipinas - ang Mt. Mahagnao na nasa Burauen, Leyte. Ayon sa Volcano Discovery lumindol ng 2 ulit malapit (sa ilalim) ng bulkang nabanggit na M2.5 at M2.8 at ang lalim ay 1.0 Km:




Walang indikasyon na volcanic ang origin ng nasabing mga lindol. Mukhang malabo rin na mag-trigger ito ng volcanic activity. Subalit matatandaan natin na sa kaso ng Mt. Pinatubo noong 1991 eruption nito, sumagi din sa isipan ng mga volcanologists na ang nag-trigger sa pagsabog ng Mt. Pinatubo ay ang 1990 Luzon earthquake na may magnitude 7.7 na tumama sa northern Central Luzon at Cordilleras.

Bilang pangwakas, interesanteng makita na pati ang Mt. Malindig sa Marinduque ay monitored ng Volcano Discovery. Ito ang kanilang huling tala tungkol sa mga huling lindol malapit dito:



Kumusta naman ang Araw ngayon?

Ayon sa SpaceWeather ay ganito:

DEPARTING SUNSPOT: The biggest sunspot of the year, AR2665, is rotating off the face of the sun today. NASA's Solar Dynamics Observatory recorded this parting shot:

The sunspot's towering magnetic canopy appears to be waving goodbye. For the next two weeks, AR2665 will transit the far side of the sun, out of sight and unable to affect our planet. Geoeffective solar flares could resume in early August when the sunspot is due to return, provided it does not disintegrate between now and then.

Volcano enthusiast

Buenavista's Angelo M. Calimlim is one mountain climber who loves volcanoes. Below are his recent photos of Mt. Pinatubo and Mt. Malindig.

Mt. Pinatubo

Mt. Malindig

Monday, July 17, 2017

Kagilagilalas na pamosong tubig Malbog, bumuhay sa mga sundalong Kano

Narito ang pahina at larawan noong 1903 mula sa Philadelphia Medical Journal na nasaliksik ni Curt Shepard, admin ng UlongBeach.com:


Bahagi ng The Treatment of Tropical Dysentery with Sulphur ni T.H. Weisenburg, MD

Isinulat noong 1901 ni Dr. T.H. Weisenburg na nagsilbing surgeon sa U.S. Army noong panahon ng pananakop sa Marinduque na:

“It is said that drinking of this water would stop diarrhea of any kind. It is possible even now to buy water from this spring in any drugstore in Manila”. 

Bantog na tubig na bago pa man dumating ang mga Amerikano

Noong unang panahon sa Maynila, ang naging bantog na tubig na gamot galing mismo sa Malbog sulfuric spring ay nakabotelya at ibinibenta bilang gamot sa sakit sa balat.

Ang exclusive distributor ay ang Botica de San Nicolas sa Maynila na pag-aari ni Celestino Mercader ng Boac.

Ang marka nito ay "Agua de Boac" at maaaring inumin bilang gamot sa disenteria. Maari namang ipahid bilang gamot sa mga sakit sa balat.

Maraming mga taga ibang bansa ang bumibisita noon sa sulphur springs mismo sa bayan ng Buenavista kahit pa may todong kahirapan talaga ang biyahe papuntang Marinduque.

Si Anacleto del Rosario, isang naging bantog na pharmacist at chemist ng mga panahon ng Kastila ay maraming pag-aaral na isinagawa sa ibat-ibang mineral springs at mga may gamot na tubig sa Pilipinas. Pinag-aralan niya ang chemical components ng "Agua de Boac" at ayon sa kanya ay maaaring ihambing ito sa ibang bantog na curatives sa Europa tulad ng "Agua de Carbana" at "Agua de Vichy".

Agua de Boac ay kasama sa Philippine Exposition sa 1904 St. Louis World's Fair
Sa kaunaunahang Philippine Exposition noong 1904 St. Louis World's Fair, libo-libong mga bagay mula sa Pilipinas ang naka-exhibit. Ito yung panahon na pati mga katutubong Filipino, ibat-ibang tribo (higit 30 ang bilang), mga bata, mga babae at lalaki ay nakadisplay bilang living exhibits. 


Brochure ng Philippine Exposition

Ang pamosong "Agua de Boac" ay napasama pa nga sa nasabing exhibit. Hindi na naibalik sa bansa ang libo-libong mga piraso ng Philippine exhibits. Base sa huling impomasyon tungkol dito ay nasa isang government storage house sa Maryland nakalagak ang mga ito hanggang ngayon dahil hindi na kayang pangalagaan ng Smithsonian.

Paanong nasalba ang mga sundalong Amerikano ng ma-asupreng tubig ng Malbog?

Noon namang panahon ng pananakop sa Marinduque ng mga Amerikano, ang mga sundalo ng 14th US Infantry na nagkasakit ng disenteria ay ipinadala sa Buenavista. Ito ay dahil lamang sa isang 'may malawak na bumubulwak na sulphur spring na may dati nang tradisyunal na reputasyon sa mga katutubo ng komunidad', ("large effervescing sulphur spring which has quite a traditional reputation among the natives of the communty".)

Ang mga panulat tungkol sa treatment of tropical dysentery with sulphur noong mga panahong iyon ay limitado.

Mga larawan mula sa Philadelphia Medical Journal.
Ito ang kanilang naging pagamutan. 'Roof made of bamboo and nipa leaves'.

Ayon sa panulat ni Weisenburg, may tatlo siyang grabeng kaso ng disenteria at mga labinlimang chronic amebic dysentery cases, at dahil lahat ng gamot ay ipinatigil na, ay "pinainom sila ng sulphur water lamang at pinaliguan sa sulphur spring tuwing umaga". (“made to drink the sulphur water exclusively and given a bath in the sulphur spring every morning”). 

Kaagyat na paggaling kaagad ang napansin sa dalawang pasyente, isinulat ni Weisenburg. Sa huli, ang lahat ng pasyente ay gumaling mula tatlo hanggang anim na linggo mula ng simulan ang paggamot. Subalit may isang sundalo na isinuka ang sulphur, kaya siya ay ginamot sa dating pamamaraan. Pero nalaman na siya ay isa palang 'Vino fiend' (lasinggero) at ipinadala na lamang sa Maynila.

Malbog Sulfuric Resort ngayon (mga larawan ni Angelica Marquez):


Hot spring therapy and relaxation


Ang bumubulwak at bumubulang Malbog sulfuric spring.


Patuloy naman ang rehabilitation and development ng Malbog Sulfuric Resort sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Russel S. Madrigal ng Buenavista (larawan: LAV Marinduque)


May isang team mula sa DOT, Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at DENR kasama si Cong. Lord Allan Velasco na bumisita na sa sulfuric springs na kinikilala naman bilang isang mahalagang bahagi ng Marinduque's site inventory for tourism development.


Friday, July 14, 2017

Senyales ng Bulkang Malindig?


Nabighani sila sa kapal ng ulap at ulap na hamog na bumabalot sa Mt. Malindig. Napukaw tuloy sa isipan nila ang nagaganap na pagsabog ng mga bulkan sa ibang lugar. Kuha ni: prnl benj

May mga panahon na ang pagdating ng monsoon trough ang nagiging hudyat ng simula ng tag-ulan makaraan ang tag-init. Sa mga lugar na apektado ng trough system ay nagiging makapal ang ulap at sa matataas na lugar naman ay naroon ang mga ulap na hamog (fog). May mga panahon din na maaring magkaroon ng lightning flashes na humahalo sa mga ulap at ulap na hamog at pwedeng akalain ng mga nakakakita na may usok sa lugar ng isang bulkan. 

Iyon ang nagiging ilusyon kamukha ng nakunang retrato ng Mt. Malindig noong nakaraang araw lamang. 

Kung ang bulkang ito ang pag-uusapan, matagal na panahon na hindi ito nakakitaan ng ano mang kakaiba - pagyanig, ligalig, pagtaas ng temperatura sa mga hot springs sa paanan nito, o ano pa man.

Basta pabago-bago lamang ang paglalaro ng ulap sa paligid ng mapang-akit na bulkang ito ang nagaganap. Nagiging atraksyon sa mga bumibisita rito, o sa kanila na masayang tinatanaw ito mula sa malayo.

Near real time view ng Mt. Malindig mula sa Google. Produkto ng processing ng mga geostationary at low-earth orbit satellites. Project ng NOAA/CIMSS. ang Volcanic Cloud Monitoring.
Ang tawag pala sa mga hot springs sa paanan ng bulkan, o mudpots, o geysers, ay hydrothermal features, at hindi volcanic. Tulad ng sa 'Malbog'.
Kumukulong asupre, sulfur, sa paanan ng Malindig sa dakong Buenavista.
Malbog Sulfuric Hot Spring. Photo: Eli J Obligacion

Bakit mainit ito? Napakahabang panahon pala ang kailangang para lumamig ang magma na nasa crust ng mundo dahil una, napakainit ng magma kapag ito'y dumadaloy, mahigit sa 700 degrees C at, ikalawa, ang bato (rock) ay mahusay na insulador. Maaaring abutin pala ng milyong taon bago lumamig at tuluyang tumigas ang malaking magma sa ilalim ng lupa at para maging kasing lamig ng temperatura ng mga batong nasa paligid nito.

Hindi baga ito maputok? Ayon naman sa Phivolcs ang mga sumusunod ang senyales ng namumuong pagputok ng bulkan. Mas maiging alamin na laang natin wari.
Kasama ang Mt. Malindig ng Marinduque sa listahan ng mga
active at potentially active volcanoes ng Pilipinas.

Precursors of an Impending Volcanic Eruption

The following are commonly observed signs that a volcano is about to erupt.  These precursors may vary from volcano to volcano.

1. Increase in the frequency of volcanic quakes with rumbling sounds; occurrence of volcanic tremors;
2. Increased steaming activity; change in color of steam emission from white to gray due to entrained ash;
3. Crater glow due to presence of magma at or near the crater;

4. Ground swells (or inflation), ground tilt and ground fissuring due to magma intrusion;
5. Localized landslides, rockfalls and landslides from the summit area not attributable to heavy rains;
6. Noticeable increase in the extent of drying up of vegetation around the volcano's upper slopes;

7. Increase in the temperature of hot springs, wells (e.g. Bulusan and Canlaon) and crater lake (e.g. Taal) near the volcano;
8. Noticeable variation in the chemical content of springs, crater lakes within the vicinity of the volcano;

9. Drying up of springs/wells around the volcano;
10. Development of new thermal areas and/or reactivation of old ones; appearance of solfataras. (Solfatara, ( Italian: “sulfur place”) a natural volcanic steam vent in which sulfur gases are the dominant constituent along with hot water vapor)



Kaya sa ano mang oras, pwedeng magtampisaw ang buong pamilya sa Malbog Sulfuric Hot Spring sa Buenavista. Maganda pa sa kalusugan ang therapeutic effect ng paliligo sa mainit na tubig nito, ganun din ang taglay na sulfur ng tubig na maigi raw sa balat. Kaya patuloy namang dinarayo.

Susong Dalaga Hill

Susong Dalaga Hill
Susong Dalaga Hill from Bagtasan isthmus

Date and Time

Blog Archive

Total Pageviews

Popular Posts

Blog Log

Followers

Networked Blogs

Space Weather

Space Weather
What's up in space

Categories

ACCOMMODATION Adeline Angeles ADVENTURE SERIES ALAIN MADRIGAL ALLAN VELASCO AMOINGON ARAW NG MARINDUQUE ARCHAEOLOGY Argao AWARENESS BAGTINGON Bahaghari BANTAY-KASO Barrick Gold BATTLE OF MASAGUISI BATTLE OF MORIONS BATTLE OF PAYE BATTLE OF PULANG LUPA BELLAROCCA ISLAND Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr Bishop Reynaldo Evangelista BOAC BOAC CATHEDRAL BUENAVISTA BULONG Bunganay BUTTERFLY CAPITOL BUILDING CAPITOL CHOIR Cardinal Ricardo Vidal CARMENCITA REYES CAWIT PORT CBCP CEMETERIO DE TAMPUS CENSORSHIP CHANGE CINEMALAYA CLIMATE CHANGE COA Report COLONIAL HOUSES Conflict CONG. LORD ALLAN VELASCO CORRUPTION CORY AQUINO Curt Shepard DISASTER DONA PAZ DPWH DR. ANTONIO UY DTI DUTERTE EARTHQUAKE ECO-TOURISM EDSA Elections 2010 Elections 2013 Elections 2016 ELI OBLIGACION ENVIRONMENT EVENTS EXTREME MARINDUQUE FEATURED SITES GASAN GASANG-GASANG FESTIVAL GASPAR ISLAND GOV. BONG CARRION Guisian HEALTH HERMENEGILDO FLORES Hinanggayon HINULUGAN FALLS HOBIE HOLY WEEK JOSE F. ALVAREZ JOSEPH EMIL BIGGEL Joseph Laban JR LABRADOR Kalesayahan KALUTANG KURAY LAYLAY LETTER TO GOVERNOR LONGHINO Lorna-Quinto Velasco LUBANG FAULT LUZON DATUM OF 1911 Mabusay Falls MACEC MALINDIG Maniwaya Marcopper MARELCO MARINDUQUE AIRPORT MARINDUQUE AKIN KA MARINDUQUE CULTURE MARINDUQUE ELECTIONS 2013 MARINDUQUE FIRST SATURDAY MOVERS MARINDUQUE HISTORY MARINDUQUE HISTORY CONFERENCE MARINDUQUE INFRA PROJECTS Marinduque Politics MARINDUQUE STATE COLLEGE MARINDUQUE TOURISM MARINDUQUE VIDEO MARTIN LARDIZABAL MAXIMO ABAD MIMAROPA MOGPOG MORIONES 2009 MORIONES FESTIVAL Moriones Festival '10 Moriones Festival '12 MORIONES FESTIVAL 08 MORIONES FESTIVAL 09 MORYONAN MSC SAMBAYANG SINING LAHI MUTYA NG MARINDUQUE Myke Magalang NCCA NORWEGIAN MISSION ALLIANCE PASTORES PASYONDULA PASSION PLAY Paye PEOPLE PERCIVAL MORALES PH HISTORY PHILIPPINE ARTS FESTIVAL Places PNP Poctoy Beach Pope Francis Pork Barrel POWER OUTAGE Pres. Benigno S. Aquino PRESIDENT DUTERTE PRRM PUTONG RAMON MADRIGAL Raymond Go ROBERTO MADLA Romulo Bacorro Russel Madrigal SAKAMAR SAN ISIDRO CAVE Sangguniang Panlalawigan Sawi Sayao Bay SCUBA DIVING SEA TRAVEL SCHEDULES SEAIR SENEN LIVELO Silangan South China Sea SPACE STA. CRUZ STATE OF THE PROVINCE ADDRESS STTC ASSEMBLY Susong Dalaga Hill TARUG CAVE TEATRO BALANGAW TEOFILO N. ROQUE TON MONTEAGUDO TORRIJOS TOTO NEPOMUCENO Treasure Hunt TRES REYES ISLANDS TRIVIA Tumagabok Falls TYPHOON "FRANK" TYPHOON "ONDOY" Typhoon NinaPH VERDE ISLAND PASSAGE Vicky Lao-Lim VIVA MARINDUQUE 2008 VIVA MARINDUQUE 2009 VIVA MARINDUQUE REPORT WALANG SUGAT WEEKLY MARINDUQUE WEN VELASCO WORLD WW2 WW3 YESHUA YOOK

Marinduque Rising

Quick news, photos, videos, culture, tourism, history and all that there is on the island of Marinduque, Philippines. "VIVA MARINDUQUE!" www.marinduquegov.blogspot.com

Marinduque Rising | www.marinduquegov.blogspot.com | (c) 2007. Powered by Blogger.