Showing posts with label CORRUPTION. Show all posts
Showing posts with label CORRUPTION. Show all posts

Monday, October 31, 2016

Pagpapalaganap ng gawain ng mga diyablo at mangkukulam basta parating ang Undas

Pansinin mo kung ano ang inapalaganap kapag Halloween. Tingin sa paligid - di maitatanggi na ito ay pagpapalaganap sa kamatayan, mga diyablo, mga mangkukulam at tahasang pangagaya sa hitsura at masasamang gawain ng mga alagad ng dilim. (1 Thess. 5:22).

Kuha ni Romeo Ranoco

Saan baga galing ang Halloween na yaan? Ay di hukayin natin ang mala-impiyernong puntod ng Halloween para palabasin ang "kasunduan sa kamatayan at impiyerno" tungkol dito.
Nagsimula ang Halloween 2,000 taon na pala ang nakaraan ng simulan ito ng mga Celts at ang kanilang mga paganong kaparian na tinaguriang Druids. Ang mga Druids ayon sa kasaysayan ang kinikila sa buong mundong hari ng occult. Ang Pangkukulam, Satanismo, paganismo at halos lahat na may kinalaman sa occult ay nangangailangan noon ng kautusan mula sa Druids. Itong mga popular na ngayon na jack-o-lantern, trick-or-treat, costumes, hanggang sa mga laro, mga ala-multo, demons, goblins at witches, halloween parties - ay utang na loob ng Halloween sa mga Druids.
Ang petsa pa lamang kung kailan ito dapat maganap ay nagmula sa Druids, kasama na ang mga ritwal at seremonya ng Halloween.
Dalawa ang selebrasyon ng mga Druids - Beltane at Samhain. Ang Beltane ay ginaganap sa May 1 bilang paggunita sa simula ng summer. Ang Samhain ay tuwing November 1 naman bilang kamatayan ng summer. Samhain (pronounced SAH-win), ang pinakamahalaga para sa kanila dahil ito ay tungkol sa kamatayan at impiyerno. Dito ginaganap ang mga kahindik-hindik na human sacrifices. Ito ang orihinal na Halloween.

Kuha ni Romeo Ranoco

Ayon sa paniniwala ng Druids, dito nahahawi ang mystic veil na naghihiwalay sa mga patay at sa mga buhay. Paniniwala na itong mga nanaog sa mundo na mga kaluluwa (tanda mo pa yung kanta?), ay naghahanap ng mga katawang lupa na malilipatan. Kayat ang mga nasisindak na mga Celts ay magbabalatkayo bilang mga demons, evil spirits, o multo, sa paniniwalang makukumbinsi nila ang mga nanaog na mga evil spirit na sila ay mismo ring mga evil spirits, kaya't hindi sila gagambalain.
Ano pa man ang maganap, tuloy pa rin ang gawain ng mga Druids sa pagsasagawa ng mga human sacrifices, kasama na ang pagpaslang sa mga bata, at karumaldumal na mga ritwal para sa Samhain. Ginagawa ito bilang pasasalamat kay Baal, ang 'false god' na tukoy sa Bibliya. (Rogers, Nicholas. Halloween: From Pagan Ritual to Party Night, p. 17). Hanggang ngayon, pero kailangan mo ng sariling pananaliksik para makumbinsi ka.


Ang mga unang panganak (first-born babies), ay sinasakripisyo. (National Geographic. May 1977, pp. 625-626). Iniinom nila ang dugo ng mga biktima at kinakain ang kanilang karne.
Para sa mga Druid ay kagalang-galang na gawain ang kainin ang katawan ng kanilang mga ama at makipagtalik sa kanilang mga ina at kapatid na babae at iba pang babae. (Strabo, Geography)
Ipinagdiriwang din ng mga Druids ang pista ng Beltane ('mga apoy ni Bel'). Si Bel ang siya ring tinatawag na Baal, 80 beses binabanggit sa King James version ng Bibliya. Kasumpa-sumpa para sa Panginoon ang Baal worship dahil ito ay pagsamba sa isang 'false god'. Ang Baal ay isang pangalan ng demonyo.
Sa kasalukuyang panahon ay talamak na sa America ang pagsamba kay Baal at maraming simbahan at templo (sa London at New York), na ang ipinatayo para sa kanya.


Paano ba napunta sa mga Katoliko ang pagpapauso sa Halloween?

All Souls' Day kuha ni Romeo Ranoco/Reuters

Nang dumami ang mga Catholic missionaries sa Britania at Ireland na pakay ang pag-convert ng masa sa Katolisismo, ang kautusan na galing kay Pope Gregory noong 601 A.D. ay gawing ritwal ng mga Katoliko ang dating mga ritwal ng mga Druids bilang pang-akit.
Kayat binago ang karumaldumal na Druid ritwal ng Samhain at ginawang pista ng All Saints' Day, araw ng selebrasyon at pagdarasal bigla para raw sa mga patay na "Santo" at "Kaluluwa".
Malayo ba na makiuso rin ang mga Katolikong Pinoy sa pagsamba kay Baal na uso na sa mga bansang kinokopya natin ang moralidad at anuman ang kanilang mga pinapauso? Gaya-gaya ay.


Thursday, October 13, 2016

Philippine Senate stands up on questionable dengue vaccine

Well, many thanks to Senator Richard Gordon for standing up in the Senate about this. This issue of spending billions of pesos for dengue vaccine that is yet to be tested by WHO that actually endangered the lives of hundreds of thousands of Filipino children as guinea pigs. (Further readings on Vaccine and Depopulation here)

This blogger actually WARNED about this dangerous anomaly in February 2016. Nobody paid attention then, busy with elections forthcoming. But now it's all out! (Read my blog: 

Excerpts:
Should the Philippines be proud or be ashamed of prematurely risking the safety of its population, particularly children, just to utilize a P 3.5-billion budget for dengue immunization?

The WHO Strategic Advisory Group of Experts (SAGE) on Immunization is still reviewing the evidence for the dengue vaccine in question and yet to consider major issues such as vaccine safety, vaccine efficacy, disease burden, programmatic suitability, and cost-effectiveness.

WHO-SAGE is yet to discuss the specified dengue vaccine (CYD-TDH) in April 2016, after which it will provide recommendations to the WHO Director-General on the same and recommendations for use. 

Yet here we are with national health authorities ready to treat our grade-school kids like lab animals and guinea pigs!?

The Philippine Senate now responds, eight months after the above post.

Photo provided by the Zuellig Pharma Corp. shows laboratory specialists inspecting the dengue vaccine during the launching and press conference at the company laboratories in ParaƱaque, February 2016. EDD GUMBAN


Probe of dengue vaccine purchase set

By: Christine O. AvendaƱo, Inquirer

Sen. Richard Gordon said on Tuesday he would seek an investigation into what he said was the “undue haste” in providing a dengue vaccine worth P3.5 BILLION (corrected, the Inquirer story erroneously stated "P3.5 million" - Blogger), to almost half-a-million children during the administration of former President Benigno Aquino III.

Gordon said he and Sen. Nancy Binay were filing a resolution to investigate the immediate provision of the dengue vaccine, despite some questions regarding the safety of the new drug.

During a hearing on the budget of the Department of Health (DOH) Health Secretary Paulyn Jean Ubial assured Gordon that the newly registered vaccine was safe for use.Gordon, however, appeared unconvinced. “There has been an awful lot of questions about this sudden, undue haste in providing the dengue vaccine,” he told reporters after the DOH budget hearing.

The vaccine is the first ever approved for use to prevent dengue, a mosquito-borne disease endemic in the Philippines.

Gordon expressed concern that children here were being used as “guinea pigs” since the country was the first in Asia to implement the vaccination.

The government purchased the dengue vaccine in March this year and was delivered in the same month. The vaccine was just registered by the Food and Drug Authority on Dec. 22, 2015.

The DOH started to give the first of three doses of the vaccine from April to July this year that benefited 489,003 children in Metro Manila, Southern Luzon and Central Luzon, said Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag.

Video on Sen. Gordon's privilege speech on Dengue Vaccine


Monday, September 19, 2016

Pope Francis: Corruption acts like a drug



Agence France Presse

Vatican City - Corruption is like a drug on which people become dependent, Pope Francis said Sunday, addressing thousands of faithful assembled at Saint Peter's square in Rome.

"Some people behave with corruption as with a drug. They think they can stop if they want to," the Argentinian pontiff told the worshippers gathered for the weekly Angelus prayer.

"They start small, a small amount here, a bribe there," he said, warning that corruption was producing its own "addiction" which generates poverty and suffering.

Tuesday, July 26, 2016

Sa P300-M: Liham ng Marinduque vice-gov sa gov


Vice-Governor Romulo Bacorro Jr.

Pormal na nagpadala ng liham ang Bise-Gobernador ng Marinduque, Romulo Bacorro, Jr. sa Punong-Lalawigan Carmencita O. Reyes hinggil sa kanyang mga reserbasyon sa usaping may kinalaman sa Php 300-million na pondong utang sa DBP. Sa kadahilanang patong-patong na ang mga usaping 'teknikal, administratibo at legal status' ng naipasang Supplemental Budget No. 2 ng Sangguniang Panlalawigan tungkol dito, inihayag ni Bacorro ang kanyang panalangin na kilalanin naman ni Reyes ang mga findings at observations hinggil sa nabanggit na usapin. 

Ayon sa nasabing opisyal na liham na ang kopya ay ipinadala sa mga kinauukulan, ang mga ito ay ang sumusunod (salin sa Tagalog; ang orihinal na kabuuhan sa Ingles ay makikita sa ibaba):


1) Ang mga kinakailangang boto ayon sa Article 107 (g) IRR ng Local Government Code of 1991 ay hindi naman nakamit kaya't ang nasabing Budget ay hindi rin mapapakinabangan (inoperative).
2) Kung ipagpapalagay halimbawa na nagamot na at naratipika na ang mga diumano'y depekto, discrepancies at deficiencies, sa mga aspetong teknikal, procedural at legal na may kinalaman sa bagay na ito, ang marupok na interpretasyong ito ay magdudulot naman ng epekto ng pagbabalewala sa mga naunang ginawang hakbang na inasahang maayos na isinagawa tulad ng, at hindi limitado sa, public bidding na naganap na at ang pag-gawad ng mga kinauukulang kontrata, sapagkat ang paiiralin na petsa ng ABC (Section 7, RA 9184), ay kung kailan talaga naipasa ang Budget.
3) Ang Komisyon sa Audit ay walang pasubaling naglahad na ang pangungutang ay "hindi kailangan at hindi nirerekomenda" at ito ay naipaliwanag ng may kahabaan sa nilalaman ng PGM AOM No. 16-08 na may petsang April 11, 2016. (kalakip ang kopya)
4) Ang proseso ng procurement ay hindi naaayon sa ibat-ibang standard requirements na kailangang sundin ayon sa mga probisyon ng IRR ng RA 9185 tulad ng napakahabang paliwanag na mababasa naman sa PGM AOM No. 16-05 na may petsang March 28, 2016. (kalakip ang kopya)

Kopya ng liham (page 1)

5) Hindi kailanman, sa usaping may kinalaman sa utang, nabigyan ang mandato ng Provincial Development Council na bigyang halaga ang mga aspetong teknikal, administratibo, legal at procedural, bagamat mandatory ang partisipasyon ng institusyong ito sa pagbalangkas ng long term, medium term at annual Socio-Economic Development policies, mga plano, mga programa at mga proyekto, kasama na ang taunang public investment programs (Section 106 at 109, RA 7160).
6) Ang mga proposed projects na may kinalaman dito ay pawang nangangailangan ng prior assessment ng ecological impact. Ang kahandaan at mitigation aspects sa panahon ng pagpapatupad ng mga ito ay lumalabas na hindi binigyan ng kaukulang pansin. Ang mandatory consultation requirement naman ng batas ay higit na mahalagang ipinaparating sa mga apektadong sektor. (Section 2, 26, 27 at 16, RA 7160)
7) Ang kahalintulad na mga usapin na inihayag ng mga concerned Marinduquenos at nasasaad sa kasong isinampa ni Mr. Eliseo Obligacion et. al. na nakabinbin sa korte ay dapat na maresolba.

Sa link na ito mula sa isang Inquirer article mababasa ang tungkol sa kasong nabanggit.

Tila malalim naman ang isang bahagi pa rin ng nasabing opisyal na liham ng Bise-Gobernador sa pagbanggit niyang, ang kasaysayan ay palaging magiging mabait sa sinumang maglakas-loob na higit na unawain, malampasan at mapaglabanan ang tinagurian niyang 'primordial complexities' at mga conflict sa simula pa lamang na pumapailalim aniya, sa isang payak na katotohanan. ("History will always be kind to those who dare to decipher, transcend and overcome the primordial complexities and conflicts underlying a simple truth.")


(Page 2)

Babala ng COA, tanong

Matatandang nauna nang nagbabala ang Komisyon ng Audit tungkol sa mga iregularidad na may kinalaman sa usaping ito na ayon sa kanila ay maaaring mapansin ng media at ng publiko. Magdudulot lamang anila ito ng masamang imahe sa paglilingkod bayan. ("The irregularity could also draw the attention of the media and the public, casting a bad image on public service.") 

Tanong: May posibilidad kaya na magkaroon ng katuparan ang mga dinadalangin hindi lamang ni G. Bacorro, kundi pati na ng ilan sa kanyang mga dati at mga bagong kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan? Ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan? Ng mga kaparian at obispo? Ng mga nababahalang Marinduqueno at publiko?

Maituturing marahil na kapuri-puri ang hakbang na ito na ginawa ng Bise-Gobernador. Sa panahong kasalukuyan na isinisigaw ng mas malakas ng bagong Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga ipinahayag sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas, maging sa kanyang unang SONA kahapon lamang,  na ang korapsyon sa gobyerno ay dapat itigil ng mga kinauukulan ('This, must, stop!'; 'Pagbabago!'),  marapat lamang na ang ganitong panawagan ay pakinggan, sundin, hindi dalhin sa palusot o pagmamaang-maangan tulad ng nakagawian.

Ano naman po sa inyong palagay?

Also read:

Kasong pang-Ombudsman laban sa mga tiwali sa Marinduque (again!)

Sunday, July 24, 2016

New! Kapitolyo de Marinduque: Pagkagumon sa katiwalian hindi na masawata?

"Absence of thorough assessment, work designs and study of one particular project may lead to its ambiguous implementation that could further result to delayed completion, and consequently, the use thereof by the public coupled with dubious assumptions from various stakeholders. The irregularity could also draw the attention of the media and the public, casting a bad image on public service." - COA

Naging kaugalian na pala talaga ng mga kinauukulan sa pamahalaang panlalawigan ng Marinduque ang hindi pagsunod sa mga patakarang nakasaad sa Section 17.6, Rule VI ng Revised TRR ng RA 9184 - Detailed Engineering para sa Procurement sa Infrastructure Projects. Lumalabas na ang tahasang pagsuway sa mga hakbangin na dapat munang isagawa hinggil sa bidding o kontrata para sa mga infrastucture projects ay nakaugalian na at bale wala ang batas para sa mga kinauukulan. 

Hindi maikubling ehemplo lamang ng iregularidad. Hindi nagkamali ang COA.
 Isang post mula sa FB ng Bagong Marinduque.

Ito ang suma-total ng karagdagang obserbasyon ng Komisyon ng Audit hinggil sa sistemang umiiral sa kapitolyo ng Marinduque. Tungkol pa rin ito sa P300-M loan ng lalawigan sa Development Bank of the Philippines na nilagdaan ng magkabilang panig noong October 20, 2015. Para diumano ito sa mga infrastructure projects tulad ng pagsesemento/rehabilitasyon/pagsasaayos ng Farm to Market Roads at pagtatayo/pagkompleto/rehabilitasyon/pagpapaayos ng mga multi-purpose buildings na dahil dito ay nagsagawa ng public bidding noong Marso 9, 2016.

Sa isinagawang pagsusuri ng nasabing ahensya sa mga dokumentong may kinalaman sa mga nasabong proyekto, napag-alaman na wala naman palang detalyadong engineering na mandatory ayon sa batas, matapos dapat gawan ng feasibility o preliminary engineering study at iba pang patakaran na dapat sinusunod at wala rin pala dahil hindi isinagawa ang mga ito sa usaping milyon-milyong salapi ng bayan ang gagamitin at babayaran sa higit sampung taon.

Ayon sa COA, inamin ng Provincial Engineer sa pamamagitan ng isang liham na wala ngang detailed engineering na isinagawa para sa lahat ng mga proyekto na popondohan mula sa inutang. Nagawan daw naman nila ito ng Program of Works (POWs), ayon pa rin sa Provincial Engineer. Inilahad naman ng COA na walang POW na dapat aprubahan kung walang detailed engineering.

Bukod sa rito, sa isinagawang physical inspection ng Audit Team sa mga diumano ay project sites, lalo na iyung may mga panaka-nakang sementadong daan, napag-alaman na ang mga hangganan o haba ng bawat proyekto ay hindi agarang matantiya dahil ang mga boundaries sa mga dati ng nakumpleto/sementado na at sa kung alin ang isasagawa ay hindi naman naka-specify at hindi matiyak kung saan.


Bahagi ng Audit Observation Memo No. 16-05 ng COA, March 28, 2016

Tungkol naman sa ibat-ibang diumano ay multi-purpose buildings, wala rin namang isinagawang pre-repair o pre-improvement inspection reports. Province-wide daw ang gustong ipatayo, ipakumpleto, ipaayos, ipa-rehabilitate, isaayos na multi-purpose buildings. 

Subalit dahil sa kawalan ng mga nasabing report, ipinaalam ng COA na katakatakang makakagawa ng POW dahil wala namang pre-determined individual scope of work at mga disenyo. Maaring ihambing sa pagpapagawa ng mga gusali na wala namang disenyo.

Ang mga report na ganito anang COA na maaari ding in narrative form ay dapat anyang kasama sa feasibility study na maari namang gamitin bilang basehan sa pag-gawa ng detailed engineering.

Napag-alaman din ng COA na ang mga gusali na hinati sa apat na packages bagama't nasa ibat-ibang lugar sa buong lalawigan ay pinagsama-sama sa iisang Program of Work package (lumped into one Program of Work package). Dahil dito ang pag-evaluate ng kakayahan ng magiging contractors ay masalimuot sa usapin na pang-ekwipo at paggamit ng manpower, ayon sa Komisyon.

Dahil sa kawalan aniya ng mga assessment, work designs at pag-aaral ng alinmang partikular na proyekto ay maaring humantong lamang sa may kalabuang implementasyon, na tiyak na hahantong lamang sa nabalam na pagkukumpleto ng proyekto, paggamit dito ng publiko at kasama na rito ang hindi kaaya-ayang palagay ng mga nasasakupan.


Bahagi pa rin ng kaukulang AOM ng COA. Ina-dedma talaga?

Dinagdag pa ng COA na ang iregularidad na ito ay maaaring makahatak ng pansin ng media at publiko, na magdudulot ng masamang imahe sa serbisyong pampubliko.

Sa lalong madaling panahon aniya ay dapat pawalang bisa ang naganap na public bidding dahil sa hindi pagsusod sa mga kailangan munang isagawa na naaayon sa Annex A ng Revised IRR ng RA 9184, at ipag-utos kaagad ang kanselasyon ng mga naigawad na mga kontrata sa mga nanalong bidders.

Binigyan din ng COA ang mga kinauukulan ng taning para sa kanilang masasabi subalit lumalabas na binabale-wala ng mga kinauukulan ang lahat ng detalyadong pagsusuring isinagawa ng ahensa.

Dahil nga kaya sa pagkagumon na ng kinauukulan sa katiwalian na hindi na kayang masawata?

Ano kaya talagang uri ng "Change is Coming" ang madating, kung mayroon man, sa lalawigan ng Marinduque? Ga-nood ka na lamang baga?

Wednesday, July 13, 2016

Kasong pang-OMBUDSMAN laban sa mga TIWALI sa Marinduque (again!)

Kapag gobyerno ang puno ng anumalya
Taumbayan laging talo at nagdurusa.

Kapitolyo ng Marinduque. Kuha ni Jepoy Olores

Kung tutuusin, tama talaga si dating Bokal Adeline Angeles, at tama rin ang pagsasampa ng kasong mga opisyal ng Lalawigan ng Marinduque ang respondents hinggil sa kwestyunableng pangungutang ng P300-Million sa DBP. Ngayon, lalo lamang nalubog pa ng mas malalim sa kumunoy ng mga anumalya ang lalawigan dahil sa pangungutang na ito. 

Maging ang lokal na Simbahan ay nagpahayag na ng pagkabahala at pormal nang nagpadala sa Kapitolyo ng liham (Hunyo 2016), bilang paalaala sa mga dati at mga bagong halal, kasama na ang mga kinauukulang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Bahagi ng post ni Angeles sa kanyang facebook noong November 3, 2015, ay ganito:

"AKO PO AY BUMOTO NG "NO" SA DAHILANG TULAD NG SUMUSUNOD IN SUBSTANCE:
1.) Ang mahahalagang dokumentong nasa pictures ay requirements po na mai-submit, mapag-aralan at ma-aprubahan muna ng SP BAGO PIRMAHAN ANG KONTRATA at I-RATIFY (as per Ordinance No. 116). SUBALIT napirmahan po ang Kontrata noong Oct 20 na hindi sinumite ang mahahalagang dokumentong ito (kasama ang 10 Year Provincial Resource Mobilization Plan etc.) 

"Ang mga documents na ito ay natanggap lamang ng SP NOONG MISMONG UMAGA NG BIYERNES DIN LAMANG. Ni hindi na nagawang ipa-xerox man lang para i-distribute sa mga bokal at basahin. APPROVED WITHOUT READING.."

Ngayon, makaraan ang ilang buwan, mismong mga ahensyang national naman (tulad ng COA at DBM), ang nagpahayag ng pagtutol sa nakita nilang mga iregularidad at iligalidad ng maraming bagay sa usapin pa lamang ng bidding na may kinalaman sa dapat patunguhan ng salapi ng bayan. Ginamit ng nasabing ahensya, halimbawa, ang mga salitang "bogus", "questionable", "bidders as ineligible thereby affecting the legality of contracts", "authenticity appeared to be doubtful", at iba pa. Iminungkahi pa na ipagpaliban na lamang ang loan facility.
Nakakapagtaka pa kaya na ganito talaga ang kahihinatnan?
Mula sa isang post sa Fb Bagong Marinduque


Opisyal na inilahad naman ng DBM na ang ginawang pagpasa ng SP sa isang partikular na appropriations ordinance para sa supplemental budget hinggil sa usaping ito ay hindi alinsunod sa batas.

Walang duda na panibagong kasong pang Ombudsman ang nakaumang na sa mga kinauukulang matitigas ang ulo. Dahil nga kaya sa tila walang habas na pagsuway sa batas at mga kaukulang patakaran ang kanila lamang nakahiligan nang gawin? Sa ngalan nga kaya ng salapi?

Pero ito lamang talaga marahil ang kailangang isagawa para maganap na ang "CHANGE IS COMING" sa Marinduque kaya?


Alin kaya ang dapat piliin talaga? Pera o bayong?
Ibinahagi sa isang pampublikong post sa Fb

COA, March 2016:
"The winning bidders/suppliers of Infrastructure Projects, Office Supplies, Furniture and Fixtures, Medical Supplies and Heavy Equipment totalling P15,050,515.15 failed to submit the complete eligibility documents, rendering bidders as ineligible thereby affecting the legality of contracts with the Province questionable and doubtful."
"Post-audit disclosed that the following bidders/suppliers (Annex A) were awarded contracts totaling P. 15,050,515.15 despite their failure to submit the complete eligibility requirements." 
"It appears that information provided by the bidder to the Bids and Awards Committee (BAC) as projects completed is bogus. 
"...suppliers of medical supplies totalling P991,120.50 and Heavy Equipment of P6,451,644.00 both submitted Tax Clearances which are not in the List of Released Tax Clearance for Bidding Purposes of the BIR thus, their authenticity appeared to be doubtful. The BAC should have declared him ineligible during post-qualification process."
"... we recommend that the BAC and the Technical Working Group be required to submit their basis for rating the aforementioned legal, technical and financial documents submitted by the bidders as "Passed" during preliminary evaluation, evaluation, and post qualification considering they appeared to be ineligible to avoid disallowance in audit."
COA, April 2016:
"Approximately 45% or P238M of the total reported Cash balance of P526M as of December 31, 2015 is free of encumbrances, thus the need to acquire a loan facility from Deveopment Bank of the Philippines (DBP) is unnecessary and not recommended."
"We (COA) recommend the following to the Management:d. Consider the deferment of the loan facility from DBP"
DBM, April 2016:
"The Sanggunian cannot pass an Appropriations Ordinance covering a supplemental budget for the current fiscal year after December 31. Supplemental Budget No. 5 covers changes in the FY 2015 Annual Budget of the Province, thus, it should be authorized within FY 2015."

Ayaw na rin ng DBM (Department of Budget and Management) ng KATIWALIAN sa MARINDUQUE

Matapos umalma ang COA, umalma naman ang DBM sa ginawang panggigiit ng mga opisyal ng Lalawigan ng Marinduque na ipasa ang isang Appropriations Ordinance No. 05 series of 2015 na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan noong January 8, 2016 pero isinumite for review sa DBM noong February 1, 2016. Ito ay may kinalaman sa kontrobersyal na inuutang ng Lalawigan sa DBP na nagkakahalaga ng P 300-MILLION.

Maliwanag na inihayag ng DBM Regional Office sa Lalawigan ang pagtutol nito na may petsang Abril 7, 2016, dahil nilalabag nito ang IRR ng RA 7160, at sinabing:

"The Sanggunian cannot pass an Appropriations Ordinance covering a supplemental budget for the current fiscal year after December 31. Supplemental Budget No. 5 covers changes in the FY 2015 Annual Budget of the Province, thus, it should be authorized within FY 2015. Article 455 of the Implementing Rules and Regulations (IRR) of R.A. 7160 provides that:

"The official year of the LGUs shall be the period beginning with the first day of January and ending with the thirty-first (31st) day of December of the same year"

Marami ang nakapuna na sinubukan ng SP na isingit, madaliin at palusutin ang Appropriations Ordinance No. 5 na tinutulan ng ilan dahil tapos na ang fiscal year 2015, noong ito ay ipinapasa subalit hindi ito pinakinggan.

Dahil dito tahasang ibinalik ng DBM sa Kapitolyo ng Marinduque ang isinumiteng FY 2015 Supplemental Budget No. 5 na hindi inaprubahan. 


Paglabag sa batas sa Marinduque FMR bids atbp umusok na



Noong Oktubre 20, 2015 panahong suspendido si Gov. Carmencita O. Reyes ng Sandiganbayan dahil sa kasong tinaguriang Fertilizer Scam, ay nakipagkontrata si Reyes sa DBP para sa pangungutang ng P300M para sa mga ibat-ibang proyekto sa gitna ng mga protesta.

Kasama sa inuutang ang infra projects sa halagang P170,086,533.96 para sa farm to market roads kung saan nagkaroon ng bidding noong Marso 9, 2016, kahit pa may nakabinbin na kaso sa Makati Regional Trial Court na naglalayong ikansela ang kontrata sa DBP.

Base sa masusing pagsusuri ng COA, lumitaw na sadyang kadudaduda diumano ang legalidad ng prosesong isinagawa ng Bids and Awards Committee (BAC) sa maraming kadahilanan. Ilan dito ang hindi pagsunod sa mga probisyon ng RIRR ng RA 9184, mga bidders/suppliers na binigyan ng kontrata bagamat hindi kumpleto ang legal requisites, mga impormasyon na tinaguriang "bogus" ng COA, kabiguan ng mga bidder na magbayad ng tamang income tax sa BIR, kabiguang magsumite ng Tax Clearance, at marami pang iba pa.

Ikinagulat ng COA kung bakit sa likod ng mga nasabing pangangailangan ayon sa batas ay pinayagan ng BAC at Technical Working Group na palusutin ang mga ito sa panahon ng preliminary evaluation, evaluation at post-qualification bagamat ang mga bidders ay "ineligible".


Sa isang kasunod na Audit Observation Memorandum (AOM), na ipinadala kay Gov. Carmencita O. Reyes ay maliwanag na ipinarating ng COA ang kanilang pagsusuri. Ayon sa Komisyon may surplus sa pananalapi ang lalawigan na ang suma-total ay P 526,204,782.13 kayat hindi rin kailangang mangutang sa DBP.  Kasama sa nasabing halaga ang cash in vault, cash in bank at mga time deposit.

45% naman ng total cash na nagkakahalaga ng P238M ay magagamit sa mga proyekto sa halip na mangutang ayon sa Komisyon sa Audit.


Bahagi ng pagsusuri ng COA na may petsang April 11, 2016

Matatandaang noong 2014 ay tahasan ding iniulat sa bayan ng nasabing Komisyon na ang hindi pag-gamit ng lalawigan sa mga pondong nakalaan para sa mga proyektong makakatulong sa taumbayan ay hindi naaayon sa letra ng mga kaukulang batas.


2014 pa nagbabala ang Komisyon sa Audit

Dahilan dito iginiit na ng COA, bukod pa sa ilang mga dapat isagawa ng tuwid ng lalawigan na may kinalaman sa pananalapi, ang pagpaliban sa pangungutang sa DBP at pagtitiyak na ang pag-gamit ng kaban ng bayan ay naaayon sa "vision, mission at strategic plans" ng lalawigan.

Para sa ilang mga mamamayan ng Marinduque bilang reaksyon ay napakaliwanag na diumano kung ano ang talagang pakay ng mga nasa likod ng pangungutang.

Ito kaya ay maituturing na klasikong kabanata na kung saan ang isang inabusong pamayanan ay patuloy na ginigisa pa rin sa sarili nilang mantika?

Thursday, June 30, 2016

Fixing the Province of Marinduque: Tiwala o Tiwali? Tanong ng Obispo ng Boac

Bishop Marcelino Antonio M. Maralit, Jr., Bishop of Boac

“Iisa pong titik ang pinagkaiba ng TIWALA sa TIWALI, kaya nga po ang paggawa o pagsunod sa DAPAT at MABUTI ang nagpapatibay ng TIWALA, samantalang ang HINDI naman PAGSUNOD sa DAPAT at paggawa ng MASAMA ang paraan ng mga TIWALI" – ito ang isinaad ni Bishop Antonio Maralit, Jr., Bishop of Boac sa isang liham na ipinadala niya sa mga “Lingkod ng Bayan” sa kapitolyo ng Marinduque.

Sa liham na nabanggit, niliwanag ng Obispo na ang maraming tinig na nagpahayag ng agam-agam tungkol sa magiging paggamit sa 300 milyong pisong utang “na inaprubahan na” at ang “natipid na mahigit 100 milyong piso mula taong 2005 hanggang 2015 sa pondo ng lalawigan”, ang nagbunsod sa kanya para gumawa ng liham ng paalaala.

Matatandaang nagpahayag na rin ang Komisyon ng Audit (COA). ng pagtutol sa pamamaraaang isinagawa ng kapitolyo ng Marinduque sa usapin ng bidding tungkol sa ilang FMR projects na ang ilang kaukulang dokumento ay binansagan nito na “bogus”. 

Maging ang Department of Budget and Management (DBM) ay nanindigan rin sa isinagawang pagpapasa ng isang resolusyon na hindi naayon sa patakaran kaukulang patakaran ng nasabing ahensya.

Kasalukuyan pa ring dinidinig sa Makati RTC ang isang kasong isinampa ng isang grupo ng Marinduque taxpayers na may kinalaman sa P300-million na naglalayong pawalan ng bisa ang nasabing kontrata. Maging ang Sangguniang Panlalawigan ay nagawa nang bawiin ang kontrobersiyal na resolusyon na pinuntirya ng DBM tulad ng nabanggit sa itaas.

Subalit ayon naman sa impormasyon ay nagawang igiit ng isang mataas na opisyal ng Marinduque sa Sangguniang Panlalawigan para magpasa ulit ng panibagong resolusyon tungkol dito bago matapos ang kanilang panunungkulan. Ang mga dating opisyales ng Sanggunian, maliban sa mga muling nahalal, ay magtatapos ng kanilang tungkulin sa Hunyo 2016,

Ayon kay Obispo Maralit, dalawang grupo ang nais niyang paglaanan ng nilalaman ng kanyang sulat. Ito aniya ay para sa mga NAHALAL na mga lingkod ng Bayan – ang mga magtatapos na ang panunungkulan, at higit “sa mga magsisimula pa lamang”.

Kapitolyo ng Marinduque. Larawang kuha ni Jepoy Olores.

Ang ikalawang grupong pinatutungkulan ng Obispo ayon sa kanya ay ang “mga Kawani ng ibat-ibang sangay ng ating Pamahalaang Panlalawigan”.

Para sa unang grupo ng mga halal na opisyales ay binigyang diin ng Obispo ang kahalagahan ng “masusing pagpapatupad ng mga nakasaad na rin namang RULES o PAMANTAYAN sa pag-apruba o paglalaan ng mga pondo ng lalawigan”. 

Hindi aniya dapat aprubahan ang kahit anong paghingi ng mga pondo “kung wala pong tunay na proyekto at walang masusi at detalyadong paglalaanan ang mga ito”

Ang ikalawang grupo naman na pinatungkulan ng Obispo ay ang mga kawani na ang tungkulin, aniya, ay ang maglapat at magpatupad ng mga proyektong pangkaunlaran. Hiniling ng Obispo na hindi dapat hayaan ng mga nasabing kawani na sila ay maging "kasangkapan" ng kahit anong katiwalian o kasamaan na labag “at laban sa kabutihan ng inyong mga tungkulin at atas”.

“Manindigan po sana kayo sa tama at sa mabuti lagi”, at huwag aniyang hayaang ang para sa ikabubuti ng lalawigan ay “masayang at mapunta lamang sa mali.”

Nagpaalaala pa rin ang Obispo na “kapag nagpagamit kayo sa simula, siguradong gagamitin din kayo ng masama hanggang sa huli."


Sa isang bahagi pa rin ng nasabing sulat ay iminungkahi ng Obispo sa mga halal ng bayan na makapagbuo ng isang lupon na kakatawanin ng mga mamamayang mapagkakatiwalaan na masusing bubusisiin ang pagkakagamit sa mga pondo.