Showing posts with label TOTO NEPOMUCENO. Show all posts
Showing posts with label TOTO NEPOMUCENO. Show all posts

Wednesday, February 17, 2016

Kasaysayan ng mapanlinlang na utang at kinalaman nito sa eleksiyon

Madali kitang makalimot ay, kaya balikan natin at paala-ala lemeng sa mga nakaraang kaganapan...


AUGUST to OCTOBER 2012 - Dahil sa pabago-bagong resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque, lumitaw na walang maliwanag na ideya ang SP kung magkano ang pinupuntiryang uutangin sa bangko at wala ring ideya kung saan nila ibig gastahin ito. 

Unang kapasyahan ay P300M, binawasan at ginawang P250M, at sa huli ay ginawang P150M (para raw sa pagpapagawa ng airport runway, P100M; at para sa farm-to-market roads ay P50M). 

Binigyang diin ng Gobernadora na kailangan daw ipagawa ang airport runway na responsibilidad naman at pinondohan na ng DOTC at CAAP. September 12, 2012 ay kinumpirma na sa sulat ng DOTC kay Cong. Velasco ang nakalaang pondo. Iginiit naman ng gobernadora na kapitolyo ang magpapagawa at sisingilin na lamang ang DOTC, taliwas sa sinusunod na mga patakaran ng pamahalaan.

Nagpasa ng Resolution No. 2012-12 Oct. 20, 2012 ang MARINDUQUE MOVERS bilang pagtuligsa at paglaban sa hakbangin ng kapitolyo para mangutang dahil sa nabanggit na mga kadahilanan. Sinusugan naman ito ng Sangguniang Bayan ng Boac na nagpasa rin ng resolusyon para hadlangan din ito.

Para bigyang diin ang panlilinlang na ginagawa sa taumbayan, inihayag ng Marinduque Movers ang sadyang hindi pagsunod sa mga patakaran ng SP, tulad ng hindi pagpapaalam sa minority group. Anang Movers: "it was not discussed nor presented formally as the proponent has not submitted any financial feasibility study and program of works for the proposed projects, and, most notably without the endorsement of the Treasurer, Accountant, PPDO, and most importantly the Provincial Development Council, and its approval was allegedly railroaded.” 

Dagdag pa nito: “the flip-flopping SP Resolutions only show how the proponent of the loan has no clear idea on the exact amount they need and it follows that they do not have, again, a clear idea on what projects are to be undertaken”.




FEBRUARY 2013: Tumahimik muna ang kapitolyo, subalit tatlong buwan bago dumating ang Eleksyon 2013, biglang binuhay na naman ang gustong gawing pangungutang.

Dahil bistado na kung saan talaga gustong gamitin ang utang, nagsampa ng injunction case sa Marinduque RTC ang Marinduque Movers laban sa provincial government at Philippine National Bank (PNB). Iminungkahi at pinayagan ng Korte na isama ang mga mayor ng Sta. Cruz, Boac, Gasan at Buenavista bilang mga nagrereklamo rin, o plaintiffs. Pumirma rin ang 1,465 referendum petitioners na lumaban sa pakau ng kapitolyo.

Binansagan ng abogado ng Movers, Atty. Benjo Buenviaje, ang pangungutang na isang masamang hakbang "sinister (evil) measure". 

At tila nanahimik muli ang provincial government.




FEBRUARY 2014: Pormal na humiling sa SP ang Gobernadora ng Marinduque na bigyan siya ng awtoridad na makipag-negotiate sa Land Bank of the Philippines (Landbank) para mangutang ng P500M naman.

Umalma naman ang Sangguniang Panlalawigan. Sa kanilang pag-aaral na pormal na nakasaad sa kanilang Joint Committee Report No. 21-2014 petsa May 14, 2014, ay bahagi ng kanilang sinabi ang ganito:

- Ang gustong utangin ay P 500-million, pero kapag isinuma-total ang paglalaanan ay may discrepancy kaagad na P 50-million (P 250-M sa farm-to-market roads/provincial roads; P 75-M para sa heavy equipment; P 50-million para sa waterworks; P 75-M para sa other priority projects like sports complex at tourism - Total P 450-M).

Ilan pa rin sa dapat pansinin na bahagi ng nasabing Joint Committee Report ay ang sumusunod:

- Base sa report ng provincial engineer, ang isang kilometro ng konkretong daan ay magkakahalaga ng P 6-million; kinumpirma ng engineer ang pangangailangan sa heavy equipment para sa pagpapagawa at maintenance ng mga kalsada. 

- May nakalaan nang P 77-million para sa infrastructure development mula sa 20% Developmet Fund-Annual Investment Program pero ayon sa provincial engineer, ang P14-million na nakalaan para sa PEO ay hindi ginagamit dahil si Honorable Congresswoman Gina Reyes ay naka-secure na ng funding assistance mula sa national government na nagkakahalaga ng P 214-million para sa pagpapagawa ng farm-to-market roads.

Ito ang eksaktong nakasaad sa nabanggit na Report tungkol dito:


The Provincial Government has allocated a total of P 77-Million for infrastructure development under the 20% Development Fund - Annual Investment Program. Out of this according to the Provincial Engineer, only P 14-Million were under the Provincial Engineering Office, and this amount is not being utilized since the Honorable Congresswoman Gina Reyes has secured funding assistance from the National Government amounting to P 214 Million which will be used for the construction of Farm-to-Market roads.

Ang laman ng Joint Committee Report na nabanggit ay pormal na inadopt ng SP sa Resolution No. 318 Series 2014 (May 14, 2014).

Sa hindi malamang dahilan, nasundan ito ng matagal at misteryosong katahimikan.

OCTOBER 2015: Bumulaga ang bagong panggulat! Proposed loan na naman pero luto na. Sumusunod ang bahagi ng aking blog noong October 14, 2015, na ang titulo ay 'Marinduque racing for resurrection of pre-election P 300-M loan; missing funds?':
Isinasagawa na naman ngayon nang mabilisan matapos ang matagal na pananahimik, ang panibagong pangungutang ng P 300-Milyon ng Kapitolyo ng Marinduque sa Development Bank of the Philippines (DBP) naman. (Dahil sumablay yung sa PNB at Landbank na naunang mga target).
Sa isang pulitikal na pamiting sa Sta. Cruz kamakailan, may kinalaman sa parating na eleksyon at dinaluhan ng mga barangay captains ay panay ang pagbibida ng isang opisyal ng Kapitolyo sa mga Kapitan na aprubado na aniya ng bangko ang halagang P 300-M na uutangin at babayaran ng probinsya sa loob ng 13 taon. 
Tatrabahuhin na lamang ang pagsasaayos ng mga papeles, quiet lang kayo. "Basta may maaasahan na tayo", sabi pa nga raw. 
Naalaala ko tuloy yung isang blog ko noong September 8, 2012:
But are they engaged now in a race at troubleshooting of some sort to legalize their blunders? (Sins?) Of course, there’d be arguments that no official agreement has been signed yet, nothing’s been ratified yet by the SP. But shall we just throw up our hands in frustration, or just simply throw up, and there… they go?
...So they now in fact, and very soon for the rest, will go the rounds of the campaign trail, while we watch them laugh, tickled to the bone for getting away with their sinister deeds. 
Just like a walk in the park, it is, plotting to conduct and promote baluktot na daan, in direct defiance of Pnoy’s ‘tuwid na daan’, towards what is now seen as potentially the craziest, most expensive Marinduque election campaign of all time?
Then, Gov. Carmencita Reyes signed a 10-year P 300-M loan contract with DBP on Oct. 20, 2015, or 12 days after she was ordered suspended for 60 days by Sandiganbayan in relation to her alleged involvement in the P728-million fertilizer fund scam.

The said loan contract was signed in the midst of questions from some SP members like 'what loan is that?', 'where are the necessary pre-loan documents we have requested a long time ago for the customary studies?', etc. etc.

JANUARY 2016: May report mula sa Philippine Daily Inquirer:
A group of taxpayers has asked the Makati Regional Trial Court (RTC) to nullify a P300-million loan deal entered into by the provincial government of Marinduque with the Development Bank of the Philippines (DBP), saying the beneficiary projects have already been funded by national government agencies.
In an 11-page petition filed on Dec. 28 last year in the Makati RTC Branch 145, the group sought the issuance of an injunction order to prevent the release of the fund.
The petitioners included former Marinduque Gov. Aristeo M. Lecaroz; former Mayor Pedrito Nepomuceno of Boac town, Marinduque; retired Philippine National Police chief Recaredo Sarmiento II; Eliseo J. Obligacion and Milton Mendoza.


Dinidinig pa rin ang kasong ito hanggang sa kasalukuyan.

Malalim na pagtatanong, pag-iisip

Napakahaba na po ng listahan ng Commission on Audit (COA) tungkol sa mga anomalyang nagaganap sangkot ang milyon-milyong pisong pondo sa loob ng kapitolyo ng Marinduque nitong mga nakaraang taon. Basahin ditodito, dito at dito.

Panahon na para sa makabuluhang pagtatanong at malalim na pag-iisip ang mga magigiting na mga kababayang Marinduqueno kung dapat pang patagalin ang tila walang humpay at walang katapusang mga anomalya at corrupt practices na ito gamit ang kaban ng bayan.

Aba si FPJ ang nagsabi at nakatatak na rin sa puso ng mga Filipino, higit sa mga Marinduqueno na: "Kapag puno na ang salop, kailangan ng kalusin!"

Thursday, October 22, 2015

Marinduque government's midnight loan deal with DBP shocking, shonky


Oct. 20, 2015 Marinduque-DBP loan signing. VP/head for Southern Tagalog  Abelardo Monarquia, DBP branch head Joel Jalbuena, Gov. Carmencita Reyes, Vice-Gov. Romulo Bacorro, Jr. Photo: Fimpco Marinduque

It is not very often that government entities enter into shocking, questionable deals, but people cry out in protest when they do. 

In the case of the Provincial Government of Marinduque's Oct. 20 loan contract with DBP, the misdeed was so horrific that it may only be called a deal that grossly and willfully deviated from all that's straight, honest and correct.

First, it's common knowledge that Governor Carmencita Reyes has been suspended for 60 days by the Sandiganbayan as she faces graft and technical malversation charges over misuse of fertilizer funds. This is nationally known as the 2004 fertilizer fund scam, Pres. Aquino's battle cry with a promise to go after the culprits.

The Sandiganbayan suspension order was promulgated on October 8, 2015, broadcast on radio DZMM, carried by mainstream media like GMA-7, Inquirer, Philippine Star, Manila Bulletin, Manila Times, Sun Star, and even picked up by Yahoo! News and numerous online news sites including this blog.

Yet, it appears that in a huff, Gov. Reyes decided to resurrect a loan proposal that has been allowed by the Sangguniang Panlalawigan to sleep in the floorboards for over a year now as all the provincial officials are fully aware that many are up in arms against it, a P 300-M loan with DBP.

One civil-society group describes it as follows:
"The timing of the past and present proposed loans, being always nearing an election, has always become a suspect. It is one of the reasons why we initiated a people’s initiative in opposing the (previous) proposed loan and that there is a possibility that we will do the same if they insist on pursuing this loan." (Pedrito Nepomuceno, Marinduque Movers)

So the SP appears to have adopted, the whole time, a lackadaisical attitude toward the loan proposed, just allowing the governor to negotiate with government banks, nevertheless, issuing just that - an authority to 'negotiate'. A draft resolution was presented before the provincial board members, but they maintained that their decision was for an authority to negotiate - which did not include the authority to enter into contract with any bank yet. 

In writing they reiterated this, "authority to negotiate" only, it says, also requiring the submission of documents such as feasibility study, provincial road network plan, provincial tourism plan, etc. etc. 

Even as the governor decided to reduce the original loan proposal from P 500-M to P-300-M by October 2014, and even as she, the governor, also requested for the adoption of the two authorizations that would enable her to negotiate and sign a contract with the relevant bank, to this day it is a puzzle. 

All of a sudden the deal was signed last Tuesday (Oct 20), sans certain important requirements to be submitted to the SP before signing of contract, and while related issues were still being discussed just days before the signing, like inclusion of bank-approved projects that were not included in the documents. Not included because over at the SP, it was agreed to not pursue them anymore, yet they were inserted in the bank documents, something beyond the scope of authority given. 

That's just a start, eh?

Another glaring question was the inclusion of ongoing farm-to-market road projects being currently implemented by the national government. Already ongoing road projects. Talk about overlapping projects. By this time we are all too familiar with this 'magical method'.

So where will the unused loan funds go? 

Lord Allan Velasco, posted the following on his Facebook account, one that may provide an answer: 

"Ang masaklap pa po nito ay sa mga tinutukoy nilang mga gagawin na mga daan sa iba't ibang barangay ay meron ng ginagawa sa specific location na yun dahil may naibigay na ang Department of Agriculture, Philippine Coconut Authority at iba pang ahensya. Ang tanong po ay bakit nagkakaroon ng overlap ng mga projects? Pangalawa, ay may surplus po na 105M na hindi ginagamit ng probinsya.. bakit hindi na lang yun ang gamitin kesa umutang pa? Alam na po natin kung ano ang sagot dito."

Under the foregoing situation, the governor and her vice-governor went to town for election-related political meetings. What better way to ensure their support and capture votes than to promise, endlessly promise, the farming out of barangay road projects?

Starkly aware that the signing of the loan contract could be questioned in view of her suspension, the DILG provincial office was apparently pressed to issue a certification, that no suspension order has been served to Gov. Reyes. The provincial DILG gave in.

But now, the governor's office has found another clever use for the DILG issuance, copies of which have circulated online now. As could be deduced from the posts, it is now claimed that the Sandiganbayan's suspension order is fiction with the DILG letter as proof!


The DILG Marinduque certification that no suspension order has been served.

But it's another wonder of wonders why the DILG, formerly headed by Mar Roxas now presidential candidate, is taking its time to serve the order.

One comment: "Ay naku, tuwid nga daan, natatraffic naman! O kaya kalesa ang dumadaan kaya di nakakarating!"

Another one: "Horrorific!"

CALLING DILG SEC. SARMIENTO!

Calling the new DILG Sec. Mel Senen Sarmiento! Could you, Secretary, please forget about political party affiliations first and do your job in this instance in the spirit of "tuwid na daan"?

Meanwhile, the now-controlled, hoodwinked provincial board is set to ratify the P300-M loan contract tomorrow. 

I just suppose many Marinduquenos would be very curious to see first hand, come face-to-face with the Marinduque bokales. To watch how they, the Honorables, would handle it. What things they would say to justify their deed in the light of all the foregoing. 

The provincial board session starts at 10:00 AM, Friday, October 23, 2015



*******************************
shonkyA compound word from the two terms 'shocking' and 'wonky' meaning that something is so bad or precarious that it is actually shocking.

Also read:

Two years in a row: COA blasts Marinduque provincial officials; Suspended governor in P300M midnight loan today 

Tuesday, October 9, 2012

Continuation of Toto Nepo's post on Marinduque Capitol loan

Some of the heavy equipment that are subject of the P75-M loan have been already delivered to the Capitol during the term of former Gov. Bong Carrion.

8. Tungkol po sa P75-Million Loan ng nakaraang Administrasyon ni Gov. Bong Carreon na sinabing hinid pa rin dumarating ang mga heavy equipment, ang totoo po nito ay hindi nila kinukuha sa Pier ang mga natitirang ekwipo na hindi nailabas noong termino ni Gov. Bong Carreon dahil sa hindi malaman kung sino raw ang magbabayad ng cost of storage at demurrage ng kinakalawang na ekwipo sa pier. Ang totoo po ay saguting yan ng Pamahalaang Palalawigan kung walang tinutukoy sa kontrata kung sino ang magbabayad ng singil sa storage at demurrage.

Sa akin pong palagay, dahil po sa pamumulitika ay hindi na kukunin ang mga natitirang ekwiposa pier sa Maynila. Dahil matagal na pong panahon ang lumipas ang mga equipment po ay considered abandoned na at sa aking pagtantiya ay nailit na ng Bureau of Customs (BOC) o ibang pananalita ay forfeited na in favor of the government.

Ako po bilang concerned citizen at naghihinayang sa mga equipment ay nag-offer ng serbisyo para makuha nag mga equipment at ma-release from BOC custody pero hindi po ako nakatanggap ng kasagutan mula sa Gobernador.

Dapat po nating malaman at maintindihan na consummated na po ang pag-utang at ang bilihan ng mga heavy equipment na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan at ng Gobernador at kung ako ang tatanungin ay ang titulo na ng mga equipment ay sa Pamahalaang Panlalawigan na at dapat kuhanin para mapakinabangan na.

Sa totoo lang po ay isa kami sa nag parating ng reklamo sa Commission on Audit (COA) para i-audit itong pangungutang na ito at ang pag-iwan sa pier ng mga ekwipo.

Mayroon pong mga kasalukuyang Bokal na kasama sa pag-utang at pag-bili ng Heavy Equipment pero sa ngayon ay tahimik at walang ginagawa tungkol sa naiwang equipment sa pier.

Noon pong 1999 ay may Ordinansang Panlalawigan na Nagtatayo ng 2 Motor Pool, at 2 ring set ng Heavy Equipment, isa sa Sta Cruz para sa Sta. Cruz at Torrijos, at isa sa Boac, para sa Boac, Mogpog, Gasan at Buenavista, at ito ay nagsasaad ng maglalaan ng at least P5 Million para sa pagkumpleto ng heavy Equiopment para sa naturang 2 Motor Pool. Bakit kaya hanggang ngayon ay hinid pa rin makumpleto ang ating mga equipment? Saan napupunta ng P5MM every year na allocation na sa loon ng halos 10 taon at kung tutuusin at maroon ng P60Mllion kung tinutupad ang paglalaan ng P5MM taon taon.

Pagpapatayo ng sports complex. Noong 1988 pinatayo po namin ng Pamahalaang Bayan ng Boac ang isang Sports Oval sa lugar (Boac Reclamation Project) na sinasabing pagtatayuan ng Sports Complex. Sana po noon pa ay sinundan nga ang pagpapagwa ng Sports complex dito para naman sana ay sa panahon ngayon ay tapos na, ginagamit na at napapakinabangan na ng ating mga kababayan lalo pa ang mga eskwela. Bakit ngayon lang nila naisp ang ganitong proyekto? Dahil ba may pinapagawa na Sports Complex sa Sta. Cruz?

Ang ibang pondo ay gugulin sa edukasyon ng kabataan. Bakit ngayon lang? At saka libre naman po ang edukasyon mula elemntarya hanggang Mataas na Paaralan o High School. Bakit gugulan ang edukasyon?

Sinasabi na “maikli na ang panahon mga anak”, di po ba dapat “napakahabang panahon na mga anak”. Ang tanong po bakit po ngayon lang kayo nakaisip ng mga ganitong pangungutang at pagpapagawa ng kalsada , sports complex etc.

Sumasangayon po ako na hindi masama ang mangutang. Ang mga negosyante at ang mga nagtatayo ng industriya ay nangungutang, pero dapat po nating malaman at maintindihan na ang isang nangungutang ay dapat magbayad, hindi lamang ang halangang inutang kung hindi pati na rin ang interes o tubo sa inutang. Sa negosyo at industriya, sila ay umuutang dahil sa ang pinalalaanan nila ay pamumuhunan at alam nating lahat na ang negosyo ay may balik na kita at ang kinikita nila ang kanilang ipambabayad sa kanilang inutang na halaga kasama ng tubo. Sa kaso po ng Pamahalaang Panlalawigan ay ang uutangin ay gagastusin sa pagpapagawa ng proyektong Nasyunal at pag natapos po ang proyekto wala namang maibabalik at sa katagalan ay muling ipapagawa at walang tunay na ibabalik sa kaban ng bayan.

Bakit ngayon lang?

Toto Nepomuceno's fb post on Marinduque Capitol loan issue

Pedrito "Toto" Nepomuceno (former Boac mayor and former provincial board member), is the Corporate Secretary of Marinduque First Saturday Movers, Inc. (MFSMI). It is a non-government organization of well-known professionals, businessmen, former leaders who have held national and local government positions and sees itself as a bridge unifying Marinduquenos. It provides moral support, initiates community projects, provides information on issues affecting the people of Marinduque to improve the quality of life in this island-province.

On the issue of the Php 300-Million Loan being negotiated by the administration of Gov. Carmencita O. Reyes with the Philippine National Bank (PNB), a move that continues to be opposed by MFSMI, Nepomuceno posted the following in Marinduque Mandin's facebook group account on September 14, 2013:

Katugunan sa mga pahayag ng Kgg. na Gobernador Carmencita O. Reyes kaugnay sa balakin ng Pamahalaang Panlalawigan na mangutang muli ng Milyon milyon Piso, karadgadan sa P75,000,000.00 unang inutang sa Banko ng nakaraang administrasyon ng dating Gobernador Jose Antonio N. Carreon.

Ang sambayanang Marinduqueno po ay nangangamba sa binabalak na pag-utang muli ng Milyon-milyon Piso ng kasalukuyang Administrasyon ng butihing Gobernador Carmencita O. Reyes. Sa punto pong ito na nagbigay ng mga pahayag ang ating Gobernador hinggil sa binbalak na pag-utang ng Pamahalaang Panlalawigan ako po bilang isang mamamayang nagmamalasakit at nangangamba rin para sa ating magandang kinabukasan, at bilang dating Mayor ng Boac at dating Bokal ng lalawigan at bilang isang isang Bankero na may sapat na kaalaman sa pananlapi, pribado man o pampubliko, ay nagbibigay ng mga tugon o mga sagot sa mga pahayag ng ating butihing Gobernador Carmencita O. Reyes.

1. Una po ay matindi ko pong pinabubulaanan na ang aming pagtutol at pangangatuwiran ay mula sa pinalabo at malisyosong pananaw na may halong pulitika. Wala po kaming balak na wasakin ang pagkakaisa ng mga Marinduqueno. Isa lamang po ang gaming layunin, ang pangalagaan ang interes at kapakanan ng bawat Marinduqueno sa pamamaraang maayos, mahinahon, makatarungan at naayon sa batas;

2.
Tama po, ang ekonomiya ng ating lalawigan ay nakasandal sa tradisyunal na industriya, ang pangingisda, pagsasaka at paghahayupan na sa matagal ng panahon ay napabayaan at walang naging pag-unlad, kaya hanggang ngayon ay umaasa pa rin tayo sa halos namamatay nang industria ng pagniniyog. Sa hinaba-haba ng panunungkulan ng nakaupong Gobernador, mawalang galang na po, maitaanong ko lamang, bakit wala tayong nabuo o naitayong industriya at mag kalakalang makapagbibigay ng trabaho at hanapbuhay sa ating mga kababayan? Bakit hanggang ngayon ay umaasa tayo sa pagniniyog samantalang alam na natin na hindi na maasahan ang industriya ng niyog mahigit ng 40 taon ang nakakaraan.

3
. Totoo po wala tayong base ng pagkakakitaan tulad ng ibang bayan na maraming pumapasok na namumuhunan na nagkapagpaunlad ng kalakalan at nagtatayo ng mga industriya. Bakit nga po baga walang pumapasok na namumuhunan sa ating lalawigan. Isa po at alam nating lahat na ang pinakamabigat na dahilan ay ang kawalan ng maayos, maasahang supply ng kuryente, patubig, at iba pang pangunahing pangangailanagn ng mamamayan at ng mga nangangalakal at ng namumuhunan sa pagtatayo ng negosyo at industriya sa isang lugar. Salat po tayo sa mga pangunahing pangangailangan at dahil dito ay maitatanong po natin kung ano ang nangyari sa mga dekadang dumaan na sana ay naisaayos na at naitayo ang mga pangunahing inpraestruktura ng ating lalawigan. Sa kawalan ng maayos na programa at pamamalakad, hanggang ngayon ang ating lalawigan ay salat at sa mahabang panahon ay naghahangad pa rin ng mga simple at pangunahing pangangailangan, tulad ng maayos kalsada, eskwelahan at maayos na hospital at kuryente at patubig;

Sa mga nakalipas na panahon po ay masasabi kong meron tayong naging base ng ating pakakakitaan, ang pagmimina. Pero bakit po wala tayong napala sa halos 30 taong pagmimina sa ating lalawigan. Tandaan po natin na ang pagmimina, pag nahukay na po ang mineral sa ating lupain ay yaan po ay tuloyan ng nawawala kaya nararapat lamang na ang kapalit ay ang tamang buwis na maipagpapagawa ng mga pangunahing pangangailangang inprastruktura. Noog panahon ng pagmimina ang Balanacan Road at ang Circumferential Road na 120 km lamang ay hindi man lamang naipatapos masementuhan. Bakit wala tayong napala sa pagmimina sa ating lalawigan, Napinsala pa ang ilog Boac at nakaamba pa ang panganib ng mga Dams sa Marcopper.

4. Totoo po na may mga kalsada, tulay at eskwelahan na napagawa na, subalit hindi pa rin kumpleto at hanggang ngayon po ay hindi pa rin tapos ang pangunahin kalsada sa buong lalawigan.

Kahit sino naman po ang nag-upo bilang Congressman o Gobernador ay taon taon ay may pondong inilalaan para sa mga Congressional District at ito ay sa pagpapagawa ng mga pangunahing inprastruktura ng mga Distrito, tulad ng mga kalsada, tulay, eskwelahan, atb.. Kahit sino po ang Congressman ay maitatayo ang mga eskwekahan, magagawa nag mga kalsada at tulay, at mga iba ng gawaing pang-nasyunal. Ganyan din po ang sa pagpapailaw – ito po isang National Government Project at kahit sino ang naka upong Congressman ay ito ay darating sa ating lalawigan. Hinid po dapat akuin ito ni Gobernadotr Reyes na siya ang nagpagawa dahil lahat ng ito na proyekto ng national government nagkataon lamang na siya ang nakaupo bilang congressman noong panahong na ipinatutupad ang pagpapailaw sa mga probinsiya, at kanayunan. Ganoon din po san mga kalsada ay tulay at eskwelahan . Ang tanong po naman, bakit hindi naging sapat ang pagpapagawa nila sa loob ng napakahabang panahon nila sa katungkulan. Inuulit ko po, kahit sino po ang nakaupo ay darating sa ating lalawigan ng mga proyektong pang-nasyunal.

Kung ating po ihahambing ang mga nagawa sa loob ng mahabang panahong sa ating lalawigan at ang nagawa sa ibang bayan at ibang mga lalawigan, makikita po natin ang malawak na agwat sa mga inpraestruktura. Naiwan na po tayo sa lahat ng aspeto ng kaunlaran, inpraesturktura, ekomomiya at kabuhayan.

5
. Totoo po napakaliit ng ating kinikita sa ating lalawigan, ngunit hindi po ibig sabihin nito ay hindi natin makakamit ang kaunlaran sa ating lalawigan. Nasa maayos na pag-paplano at pamamahala at tamang paghawak ng pananalapi nakasalalay ang pag-unlad ng ating lalawigan. Hindi po natin masasabing dahil sa kakarampot na ayuda na galing sa Pamahalaang Nasyonal sa pamamgitan ng “Internal Revenue Allotment” (IRA) ay hindi na natin maisusulong ang kaunlaran ng ating lalawigan. Ang halagang P360 Million mula sa IRA ay hindi natin masasabing kakarampot. Hindi rin kakarampot ang tunay na kinikita ng lalawigan na P26 Million. Nasa maayos na paggamit ng pananalapi lahat nakasalalay ang ating pag-unlad. Maliban po sa nabanggit ng halaga ay meron pang P70 Million ang ating Congresista at nadadagdagan pa ito taon taon. Meron nga pong taon na mahigit sa P300 Million ang mga proyektong pinapatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at hind pa rin po kasama ang nilalaan ng ibang mag Departamento ng Pamahalaang Nasyunal. Marami pong pananalapi ang pamahalaan at hinid kinakailangang mangutang sa Banko para maisulong ang proyektong pangkaunlaran ng bayan.

6. Parang ngayon lamang po nasabing marubdob niyang hangarin madulutan ng kaginhawahan ang ating mga kababayan sa kanilang paglalakbay sa isang maayos na konkretong daan. Napakatagal naman po niya bago napansin ang ating kasalatan sa maayos na daan. Ano po ang ginawa nila noong sila ay magkatuwang sa loob ng 9 na taon?

7
. Sinasabi po kinakailangang mangutang ng Pamahalaang panlalawigan na gugulin sa mga sumusunod:

a. Farm to Market Road - hindi po natin kailangang mangutang para sa Farm to Market road dahil ang Department of Agriculture (DA) at Department of Agrarian Reform (DAR) ay pupuwedeng pagkunan ng pondo para sa pagpapagawa ng Farm to Market road;

b. Pag-papayos ng Gasan airport – hindi kinakailanagn gastusan yan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque dahil yan po ay nasa pamamahala ng Nasyunal na Pamahalaan at ang mga proyektong pagpapaayos po ng Paliparan, tulad ng Daungan ay nasa poder ng National Government. Bakit po natin aakuin at gagastusan ang proyektong dapat ay ginagawa ng National Government?

Sinasabi po ang utangin ay isang “Credit Line” lamang na sasagot sa mga gagastusin sa pagpapagawa ng Airport. Ito po ay isang panglilinlang dahil wala pong ganyan sistema sa ating pamahalaan. Hindi rin po kapanipaniwala na isasauli ng Department of Transportation and Communication ang halagang gagastusin sa pagpapagawa ng airport. Sa piniiral sa polisiya ng pamahalaan, lahat po na sinasabi nila ay walang katutuhanan. Ang Credit Line po ay ginagamit sa negosyo pero sa pamahalaan po ay walang gumagawa ng ganito.

Meron pamamaraan ng isang pag-garantiya sa isang proyektong gagawin para mapatibay ang pagbabayad sa isang nangunguntrata. Ito po ay ang tinatawag na “Letter of Credit” na sa pagtatapos ng isang kontrata ay siyang sasagot sa pagbabayad. Pero hindi rin po ito karaniwang ginagamit sa Pamahalaan.

At kung totoo pong garantiya lamang ang inuutang nasaan po ang mga kontrata o Memorandum of Agreement (MOA) mula sa DOTC at sa Banko at Provincial Governtment of Marinduque (PGM)?

Bakit ngayon lamang naisip na ipagawa ang Airport na sa napakatagal ng panahon ay hindi sila nagpursiging hilingin sa DOTC ang pagpapaayus ng ating airport. At isa pa, ano po ang nangyari sa proyektong sinimulan noong 1998 na naglalayun na pahabaain ang airport runway. Isa po sa dahilan kung bakit tumigil ang pag serbisyo ng PAL sa Marinduque ay ang short runway, kaya naman ito ay ipinagawa noong bago magdekada 2000, Kaya nga lamang po, mukhang hinid natapos, Tapos daw ang pondo pero hindi natapos ang proyekto.

Tulad po sa aking pagpupursige noon sa pagpapagawa ng Talao talao Access Road sa Dalahica Commercial Port (noong panahon na walang gumagalaw na mga pulitiko dahil sa mga botanteng eskwater sa lugar ng Talao-talao) at para na rin mabuksan at magamit ito para sa mga pasahero ng Marinduque, sana ay nangulit din sila noon pa man para maipagawa ay ating Airport.

Ununulit ko po wala pong basehan at walang bisa ang garantiyang sinasabi sa ulat ng butihing Gobernador Carmencita O. Reyes.

Nakakatawa po ang sinabing ang uutangin ay Credit Line lamang, pero gagastusin sa pagpapagawa ng Airport at ito ay babayaran ng DOTC. Kailan at saan po kayo nakakita na ang mahirap na lalawigan ang magpapagawa ng proyektong dapat ay gugulan ng Pamahalaang Nasyonal.

(continued)