March 13, 2014, Noong kasagsagan ng usapan tungkol sa isinuka na ngayong proposed settlement agreement ng Marinduque at Barrick Gold, base sa informasyon, ipinatawag ni Regina Reyes ang kanyang abogadong si Harry Roque para magsilbing "expert witness" kuno. Pakay na paliwanagan ang mga Marinduqueno sa mga legal issues para tuluyang tanggapin na ang alok na milyon-dolyares na salapi.
Hindi nagoyo ang mga taga-Marinduque. Isa lamang sa sinabi ni Roque para maipit ang mga stakeholders, ang aniya ay "hindi rin pupuwedeng magdemanda sa Canada" dahil ang mga usapin ay "hindi nangyari sa Canada".
Matinding pinabulaanan ng MiningWatch Canada ang pahayag ni Roque at ng mga Canadian lawyers na nasa Marinduque ngayon para pag-usapan pa ang pagtuloy sa kaso.
Mga US at Canadian lawyers sa Session Hall ng Kapitolyo ng Marinduque ngayong linggo. |
Makikita sa gitna ng larawan ang US legal counsel. Ibinalita na nag-resign na sa kaso pero ngayon ay giit pa rin ng lalawigan na tumayo bilang "coordinator". |
Marami ang nagtataka kung bakit kasama pa rin sa usapan ang US legal counsel na tinagurian ng ilang opisyales na nag-aabogado hindi lamang para sa Marinduque kundi para sa Barrick Gold - at kasama pa rin ang Nevada law firm na noo'y nag-anunsiyo ng pagresign ng nasabing legal counsel sa kanilang kumpanya.
Dahil paglilihis o paglilihim ng katotohanan ang tila naging polisiya ng mga nasa likod ng Nevada case, sa huli ay sumabog na lamang sa mga mukha nila ang mariing pagtanggi ng mga Marinduqueno sa ganung uri ng manipulasyon, pagsisinungaling at panlilinlang.
Ang ilan lamang sa mga kasinungalingan ni Roque ay ang mga sumusunod, mapapanood sa video sa ibaba:
ROQUE: Pupuwede po kayong pumunta sa Canada, magsisimula po kayo dun, pero … (inaudible) kaya hindi po kami nagpunta dun na kaunaunahang pagkakataon para pong Pilipinas yan. Napakaliit ng danyos na ibinibigay. At gaya po ng Amerika meron ding desisyon ang Korte Suprema ng Canada, na bagamat ang kumpanya ay Canadian, dahil ang Canada ngayon ang pinakamaraming kumpanya ng mining na nag-ooperate overseas, ang sabi ng kanilang Korte Suprema, “kung hindi nangyari sa Canada, hindi rin pupuwedeng magdemanda sa Canada”.
(You can go to Canada, you can make a start there, but (inaudible) that's why we did not go there in the first instance because it's just like the Philippines. They grant very little damages. And just like the US there is also a decision of the Supreme Court of Canada, that although the company is Canadian, because Canada today has the biggest number of mining companies operating overseas, their Supreme Court has stated, " if it did not happen in Canada, one cannot also file a case in Canada")
ROQUE: "So base po sa jurisprudence ng Canada, hindi na rin kayo pupuwedeng pumunta ng Canada… Now kung sa Pilipinas po, e pano ninyo madedemanda ang Barrick, wala naman dito ang Barrick. Ang madedemanda ninyo talaga ay ang gobyerno ng Pilipinas. At itong compromise agreement naman pong ito, wala pong quitclaim laban sa gobyerno ng Pilipinas, wala pong quitclaim laban sa Marcopper."
Video: Pabomba ni Roque
(So, based on the jurisprudence in Canada, you cannot take it up with Canada... Now if the Philippines (is the option), how can you file a case against Barrick when Barrick is not here. The entity you can really file a case against is the Philippine government. And in this compromise agreement, there is no quitclaim against the government of the Philippines, there is no quitclaim against Marcopper.)
ROQUE: "Ang Marcopper po buhay pa rin. Puwede pang idimanda! Ang nagbibigay lang ng quitclaim ay para dun sa Barrick, yung investor na pumasok dun sa dating nagmamay-ari ng Marcopper. Pero yung Marcopper, bilang isang korporasyon dito sa Pilipinas, buhay pa rin siya at pupuwede pa ring mapanagot kasama po ang gobyerno natin ng national government."
(Marcopper is still alive. Cases could still be filed. Quitclaim (here) is for Barrick, the investor who came into the former owner/s of Marcopper. But Marcopper, as a corporation here in the Philippines, still exists and could be held liable together with our government, the national government).
Pinakahuling kasinungalingan sa pagtatanggol kay Regina
Pinakahuling kasinungalingan sa pagtatanggol kay Regina
Tungkol naman sa pagsisibak ng Korte Suprema kay Regina Reyes bilang mambabatas na ang mga gawa ay taliwas sa batas, ito ang isa pinakahuling kasinungalingan ni Roque bilang tagapagtanggol: Read
Item: Roque also maintained that the december 14, 2015 resolution of the HRET is not final since he, as the lead counsel, was never furnished a copy of the same.
Lahat ng usaping iginigiit ni Roque ay pawang nadesisyunan na. Ayon na rin ito sa pahayag ng SC. Ang kanyang claim na hindi siya nabigyan ng kopya ng HRET decision ay totoo. Ito ay sa dahilang hindi naman siya ang lead counsel of record sa HRET kundi si Larrazabal. Si Larrazabal ang may karapatang tumanggap ng desisyon.
Makikita naman na ang operasyon nila ngayon ay pahabain at patagalin ang proceedings.
Tinira si Grace Poe, tinamaan si Regina
Tinira si Grace Poe, tinamaan si Regina
Kamakailan din ay nagpahayag si Roque ng kanyang batayan kontra kay Grace Poe bilang kandidato sa pagka-presidente: Read
Grace Poe. Roque questions residency. |
"Poe should start counting residency after
renouncing US citizenship - Roque"
Counting the years of residency, Senator Grace
Poe should start during the time she renounced
her United States (US) citizenship, lawyer Harry
Roque said Thursday.
“So sa akin, from the time of renunciation doon
ka pa lang magkakaroon ng residency,” Roque
told Radyo Inquirer 990AM in an interview.
Nakalimutan ni Roque na ang kanyang kliyenteng si Regina Reyes na dati'y ayaw aminin na siya ay U.S. citizen ay biglang nagwagayway ng kanyang "renunciation" daw.
Ang petsa? September 21, 2012, o eksaktong 10 araw bago siya nagfile ng COC noong October 1, 2012. Kung paniniwalaan si Roque 10 days pa lamang ang residency ni Reyes bago siya mag-file ng kandidatura.
Ano na namang kabulaanan o palusot ang isusunod diyan?
Iyan ang style! Bulok, bulaan. BULBUL!