Thursday, June 23, 2016

Pighati ngani? Ho-o baya


Kahapon lamang, June 22, namuo sa kanlurang bahagi ng islang Marinduque ang apat na ipo-ipo/buhawi sa katanghaliang-tapat. Wala namang nahagip o nasaktang mangingisda sa dagat bagamat ito ay mapanganib. Kuha ni Christopher F. Lacena

May mga pagkakataon manding hindi natin madaling tanggapin sa ating isipan ang mga pangyayari na maaaring may kinalaman sa ating buhay, o ano mang bagay sa ating paligid kapag ang mga ito ay sumasalungat sa ating mga naging paniniwala na, o hindi ito ayon sa mga sarili nating mga ideya na natutuhan naman natin sa ating pagkamulat at sa matagal nang panahon. 

Maging totoo man ang mga bagong impormasyon, pangyayari o ideya ay hindi lahat tayo nagiging komportable sa mga ito, kaya't maaring pinipilit natin na bawasan na lamang ang pakikinig o pag-alam sa mga bagong usapan gaaano pa katotoo ang mga ito kahit ayon pa sa siyensiya. Isara na lamang ang mga mata at tainga. Kung tutuusin, talagang mas madali na sadyang iwasan na lamang na harapin ang mga paniniwala o datos na taliwas nga sa ating mga dating pinaniwalaan, gaano pa kaliwanag ang mga ito.

Volcano eruption and strength history, 1600-2014
Sa kasalukuyang panahon, na panahon ng kagilagilalas na teknolohiya at impormasyon, napakabilis nganing makasagap tayo ng ibat-ibang mga paniniwala o ideya, o mga kaganapan na direktang sumasalungat sa ating mga pinaniwalaan dati. Para sa marami, mas madaling magpokus na lamang sa mga nakaaaliw na mga bagay, o mga tsikahan o mahumaling na lamang sa ganito at ganoong hindi kailangang pag-isipan.


'Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo'y mangamamatay.' 
(1 Corinthians 15:32)

Parang ganun na lamang baya ang kanilang paniniwala, isipa raw.


Ganoon pa man, may mga bagay-bagay na hindi magagawang itanggi, pigilan o iwasan nino pa man gaano pa kahusay ang pagbabale-wala, pagtatuwa o pagbasura sa nasabing mga bagay. Basta't ang totoo, maaaring sa buong kasaysayan natin ay talagang ibang uri naman ng pakikipagbaka at mga pighati ang kinakaharap natin ngayon.

Ngani? Ho-o baya.


The amazing earthquake paradox of the last 114 years

Seamounts or undersea volcanoes, It is estimated that there could be tens of thousands of large seamounts. (Wessel, 2001; Kitchingman & Lai, 2004; Hillier & Watts, 2007).
Their distribution is widespread throughout the world's oceans, especially in the Pacific.

USGS worldwide deadly & destructive earthquakes between Magnitude 6 and 8
Annual global temperature anomalies 1950-2011
From 6-13 October 2013, Marinduque was struck by a large swarm of 25 earthquakes.

19 of those occurred in 3 days, 15 of them occurring within 12 hours before the last tremor on October 13. Two days later, on October 15, 2013, the M7.2 destructive Bohol earthquake hit with 222 reported killed.

Earlier this week: Four shallow earthquakes ranging from M2.8 to M3.5 struck Marinduque in the same location on June 17 and 19, the most recent (near Mt. Malindig), is shown above.

Map of fish and bird kills.