Pagmamano ni Cardinal Tagle kay Pangulong Duterte. Screengrab mula sa RTVM vid. |
Kapag nakita mong ganito ang aktuwal na pagtrato sa isa't-isa ng mga namumuno sa pamahalaan at simbahan sa Pilipinas ay masasabi mong talagang may maliwanag na pag-asa ang bansa na marating pa rin ang pinagsamang panaginip ng mga anak-bayan,
hindi po ba?
Nagkita ang Pangulong Rodrigo R, Duterte at Archbishop of Manila Luis Antonio Tagle sa Malacanang noong nakaraang Lunes nang bumisita ang Cardinal. Unang nagmano si DU30 na agad namang sinundan ng walang patumpik-tumpik na pagmano rin ng cardinal sa pangulo bilang kanyang sariling pagbigay galang.
Sa Pilipinas lamang naman may ganitong uri ng paghahayag ng saloobin na walang pangungusap na kailangan. Hindi ito hiram at hindi rin isinasagawa nino man kapag hindi bukal sa kanyang puso.
May pag-asa pa talaga para sa Pilipinas na isipang-Pilipino lamang ang maghuhubog, magbubuo at magsasakatuparan.
Lalo na sa napaka-pambihirang panahong kasalukuyan.
Screengrab mula sa RTVM vid. |