Thursday, November 28, 2019

Sa mga Barangay ng Marinduque: Paligsahan sa pagandahan ng Christmas Tree

Larawan ng mga recycled/indigenous Christmas Tree bilang ehemplo.
Nakikita sa Internet.


PALIGSAHAN SA PAGANDAHAN NG CHRISTMAS TREE
Para sa Marinduque

MECHANICS NG PALIGSAHAN

1. Ang orihinal na disenyo ay maaaring maging anumang anyo at hugis. Dapat masasalamin dito ang diwa ng Pasko ayon sa lokal nating kultura, mga produkto, panturismong tanawin o mga bagay na kumakatawan sa Lalawigan ng Marinduque


2. Ang mga materyales na gagamitin ay dapat na kakitaan ng artistikong paggamit ng mga recycled at/o katutubong materyales, at dapat ay may kakayahang tumagal sa ulan at araw. Ipinagbabawal ang paggamit ng mga materyales o mga pangdekorasyon na nabibili sa tindahan.
3. Dapat itong makulay bagamat bawal gamitan ng pintura.





4. Ang sukat ng Christmas Tree ay hindi bababa sa 2.40 metro ang taas at hindi hihigit sa 3.60 metro ang taas, kayang tumagal sa outdoor condition.


5. Kinakailangan ang mga ilaw: solar battery o kaya’y 220 volts, all-weather energy-saving na mga bumbilya (walang kandila). Ang mga kalahok ang bahala sa electric cord at male plug. Bahala naman ang Kapitolyo sa electrical outlets at kuryente.


6. Ang Christmas Tree ay hindi dapat magkaroon ng mga matatalim na bahagi o mapanganib na materyales, walang pagmumulan ng electric shock o di dapat gamitan ng mga kwitis o rebentador.





7. Ang Christmas Tree ay hindi dapat lagyan ng ano mang markang pagkakakilanlan dito, label o tatak na anuman bago ang petsa ng paghusga.


8. Kapag ang isang entry ay isinumite at pormal na nailawan, walang mga pagbabago na maaaring gawin sa disenyo. Ang kaunting pag-aayos tulad ng pagpapalit ng mga bombilya kung kinakailangan at paglagay ng glue kung kailangan ay papayagan kung may pahintulot ng mga nag-organisa.


9. Ang pag-anunsyo ng mga nagwagi ay sa Disyembre 17, 2019 sa panahon ng Provincial Capitol Christmas Party.
10. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mga BARANGAY LOCAL GOVERNMENT UNITS.

ISKEDYUL

• Ang instalasyon at assembly of entry ay sa Disyembre 09, 2019, 12:00 ng tanghali 
• Ang pag-iilaw ng mga entry sa Christmas tree ay gagawin sa Disyembre 09, 2019 sa 6:00 PM.





PAGHUSGA NG MGA ENTRY


• Ang pagpili ng mga entry ay nasa Disyembre 09, 2019 sa 4:00 PM at isa pang paghusga sa 6:30PM sa panahon ng pag-iilaw ng mga Christmas Trees.
• Bawat isa sa mga entry ay hahatulan batay sa ibinigay na pamantayan.
• Ang desisyon ng Lupon ng mga hukom ay Final at di-appealable.


PAMANTAYAN SA PAGHATOL


PAGKA-ORIHINAL at UNIQUENESS                                                                       20%
CRAFTSMANSHIP                                                                                                        30%
KASININGAN (paggamit ng mga recycled at/o katutubong materyales)                 30%          
OVERALL APPERANCE at VISUAL na epekto (araw at gabi)                                 20%
                                                                                                T O T A L                         100%     

MGA PREMYO


1st PREMYO-  Php 25,000.00 Plus sertipiko
2nd PREMYO-Php 15,000.00 Plus sertipiko      
3rd PREMYO-Php 10,000.00 Plus sertipiko
Tatlong (3) Consolation prizes Php 5,000.00 kasama ang isang sertipiko
Lahat ng hindi-panalong kalahok ay tatanggap ng sertipiko ng partisipasyon.   





MALIGAYANG PAGDIRIWANG NG PASKO SA INYONG LAHAT!!!