Halimbawa lamang ng katutubong Parol. Larawan ni: Andy F. Go |
TRADISYONG MARINDUQUEŇO baya ang pagsabit ng mga PAROL at paggawa ng KRISMAS TREE kapag panahon
ng PASKO.
May pakontest ang KAPITOLYO para sa lahat
ng mga BARANGAY!
PAROL MAKING AT KRISMAS TREE MAKING
CONTEST.
MAMILI PO KUNG ALIN ANG GUSTONG
SALIHAN.
CONTEST MECHANICS PARA SA PAROL MAKING:
1. Ang orihinal na disenyo ay maaaring maging anumang anyo at hugis. Dapat masasalamin dito ang diwa ng Pasko ayon sa lokal nating kultura, mga produkto, panturismong tanawin o mga bagay na kumakatawan sa Lalawigan ng Marinduque.
2. Ang mga materyales na gagamitin ay dapat na kakitaan ng artistikong paggamit ng mga recycled at/o katutubong materyales, at dapat ay may kakayahang tumagal sa ulan at araw.
3. Dapat itong makulay bagamat bawal gamitan ng pintura.
4. Ang sukat ng parol ay hindi bababa sa 1.20 metro ang lapad at hindi hihigit sa 1.50 metro ang lapad, hindi kasama ditto ang mga dekorasyong sinasabit. Dapat itong suportahan ng kawayan o kahoy na tripod para mai-display ng maayos.
5. Kinakailangan ang mga ilaw: solar battery o kaya’y 220 volts, all-weather energy-saving na mga bumbilya (walang kandila). Ang mga kalahok ang bahala sa electric cord at male plug. Bahala naman ang Kapitolyo sa electrical outlets at kuryente.
6. Ang parol ay hindi dapat magkaroon ng mga matatalim na bahagi o mapanganib na materyales, walang pagmumulan ng electric shock o di dapat gamitan ng mga kwitis o rebentador.
7. Ang parol ay hindi dapat lagyan ng ano mang markang pagkakakilanlan dito, label o tatak na anuman bago ang petsa ng paghusga.
8. Kapag ang isang entry ay isinumite at pormal na nailawan, walang mga pagbabago na maaaring gawin sa disenyo. Ang kaunting pag-aayos tulad ng pagpapalit ng mga bombilya kung kinakailangan at paglagay ng glue kung kailangan ay papayagan kung may pahintulot ng mga nag-organisa.
9. Ang pag-anunsyo ng mga nagwagi ay sa Disyembre 16, 2019.
10. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mga BARANGAY LOCAL GOVERNMENT UNITS.
11. Ang lahat ng mga nanalong entry mula sa unang pwesto hanggang sa ikatlong pwesto ay magiging pag-aari ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque. Ang lahat ng mga hindi nanalong entry ay maiuuwin ng mga kalahok na Barangay pagkatapos ng paggawad sa mga nanalo sa Disyembre 17, 2019.
12. Ang anumang pinsala sa entry dala ng kalikasan ay hindi magiging responsibilidad ng pamahalaang panlalawigan.
SCHEDULE
• Ang deadline ng pagsumite ay sa DiSYEMBRE 9, 2019 na (dating Disyembre 2, 2019) bago mag 2:00 ng hapon. Ang mga Entries ay dapat isumite sa Provincial Tourism Office.• Ang pag-iilaw ng mga parol ay isasagawa sa Disyembre 09, 2019 at 6:00 PM.
JUDGING NG ENTRIES
• Ang paghusga sa mga entry ay sa Disyembre 09, 2019 (Lunes) sa 4:00 PM at isa pang paghusga pagdating ng 6:30 PM sa panahon ng pag-iilaw ng mga parol at Christmas Trees.
• Ang bawat isa sa mga entry ay hahatulan batay sa ibinigay na pamantayan.
• Ang pagpapasya ng Lupon ng mga Hukom ay maituturing na final at hindi maaapela.
KRITERIA PARA SA JUDGING NG PAROL
ORIGINALITY at UNIQUENESS 30%
CRAFTSMANSHIP 30%
ARTISTRY (paggamit ng recycled materials at katutubong materyales) 20%
OVER-ALL APPERANCE at VISUAL IMPACT (day and night) 20%
T O T A L 100%
PRIZES:
1st PRIZE - Php 15,000.00 kasama ang Sertipiko
2nd PRIZE - Php 10,000.00 kasama ang Sertipiko
3rd PRIZE - Php 7,000.00 kasama ang Sertipiko
Tatlo (3) Consolation Prizes - Php 3,000.00 bawat isa kasama ang isang Sertipiko
Ang lahat ng mga hindi kalahok na mananalo ay makakatanggap ng isang Sertipiko ng Pakikilahok.
MALIGAYANG
PAGDIRIWANG NG PASKO SA LAHAT !!!