Friday, November 29, 2019

#TisoyPH: Hangin na 140 kph, pagbugsong 195 kph; Sana nga lumihis but please be prepared



UPDATE: Patuloy na lumalakas ang Typhoon #Kammuri habang patuloy pa ding nagbabantang pumasok ng PAR at tinutumbok ang #BicolRegion as STRONG TYPHOON Category.
Sa ngayon ay taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 140 kph at pagbugsong umaabot sa 195 kph... ALMOST STATIONARY ngayon ito o hindi halos gumagalaw pero inaasahang tuluyan nang papasok ng PAR bukas ng gabi na tatawaging Bagyong #TisoyPH ng PAGASA.
Bagama't meron tayong malakas na Hanging Amihan na ayaw na ayaw ng isang bagyo ay nasa FAVORABLE naman o nasa mainit na karagatan sa loob ng PAR ang madadaanan nito na syang nagpapalakas sa isang bagyo bago maglandfall kung kaya't inaasahang lalakas pa ito sa mga susunod na araw.




Base sa latest WIND FORECAST MAP ay nananatiling sa Bicol Region (#CatanduanesProvince) pa rin inaasahang unang maglalandfall ang sentro ng bagyo pagsapit ng Martes ng madaling araw at tsaka babaybayin ang ilan pang lugar sa Bicol Region at pagsapit ng tanghali ay inaasahang babaybayin na ng sentro ng bagyo ang #CaLaBaRZon, #NCR at inaasahang lalabas ng kalupaan via-#Bataan-#Zambales-#Cavite area pagsapit ng martes ng gabi o sa Miyerkules ng madaling araw kaya asahan sa mga nabanggit na lugar maging sa #NorthernLuzon, ilan pang lugar sa #CentralLuzon at ilan pang bahagi ng #SouthernLuzon at maging sa #EasternVisayas dahil sa inaasahang epekto ng bagyo na maaaring magdulot ng malalakas na hangin, ulan, pagbaha, pagguho ng lupa at posibleng storm surge o malalaking alon sa mga coastal areas lalo na sa mga madadaanan ng sentro ng bagyong ito.
Sa Linggo o sa Lunes unti-unti nang mararamdaman ang epekto nito sa silangang bahagi ng #Luzon at #Visayas at posibleng magkaroon na rin ng TCWS No. 1 sa ilang lugar at habang kumikilos ang bagyo papalapit sa kalupaan ay inaasahang dadami pa ang mga lugar na isasailalim sa babala ng bagyo... Posibleng magtaas din ng TCWS No. 3 sa #MetroManila dahil posibleng direktang dadaan o malapit na dadaan ang sentro ng bagyo dito at sa ilan pang lugar na direktang dadaanan ng bagyo na maaaring magdulot ng mapaminsalang hangin at malalakas na pag-ulan.
Pinapayuhan pa rin ang ating mga kababayan lalo na sa mga maaapektuhan ng bagyong ito na paghandaan na ito ngayon pa lamang dahil hindi biro ang dadaling hangin at ulan nito sa mga lugar na maaapektuhan.
Patuloy po kaming magbibigay ng mga updates kaugnay pa din sa banta ng bagyong ito sa bansa.
Please be prepared!