Ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO Marinduque) sa Kapitolyo maya't maya ay nagpupulong sa kasagsagan at pagkaraan #TisoyPH. |
Ilang oras pa lamang makaraang rumagasa sa Marinduque kahapon ang Bagyong #TisoyPH" (Kammuri), kanya-kanyang inspeksyon sa mga paligid ang agad isinagawa ng mga residente. Para malaman kung mga ano kaya ang mga nasira at naperwisyo ng bagyo.
Kinailangang gumawa naman ng bagong salita ang ilang
mamamahayag para maisalarawan ang lawak ng higant,eng bagyong ito na rumagasang sa Pilipinas (December 3, 2019).
Dahil naman sa pagkawala ng signals ng Globe, Smart at PLDT sa kasagsagan ng bagyong
#TisoyPH, bihira naman ang nakaalam ng Severe
Weather Bulletin #15 for Typhoon #TisoyPH (Kammuri) Tropical Cyclone
Warning na nagsaad ng ganito at 2:00 am
Dec. 3:
TYPHOON “TISOY”
SLIGHTLY WEAKENS WHILE MOVING ONSHORE AND IS NOW OVER SORSOGON
- "The eyewall of “TISOY” is currently bringing violent winds and intense
rainfall over Northern Samar, Catanduanes, Albay, Camarines Sur and Sorsogon,
Camarines Norte and Masbate will be affected by the eyewall in the next 3
hours."
Sa maagang forecast pa lamang na naipakita sa mga weather reports sa
telebisyon, ay namalas kung paano nito sasalpukin ang isla ng Marinduque kung
hindi magbabago ang direksiyon ng bagyo. Base sa mga imahe sa hilaga-silangan ng Marinduque ito
inaasahang papasok para rumagasa sa bahagi ng northern Marinduque. Hindi ganun ang naganap.
Ang mga nailabas na ulat ay nakatutok naman kung saan unang
maglalandfall ang bagyo. Naiulat na mga alas-dose ng gabi ng Lunes, Dis. 2 ito naglandfall sa may Gubat, Sorsogon
na nasa timog na bahagi ng southern Luzon.
Pagdating ng 8:00 am
December 3, 2019 ganito na ang Warning ng PAGASA: Severe Weather Bulletin #17:
TYPHOON “TISOY”MAINTAINS
STRENGTH AND IS NOW JUST OFF THE COAST OF BONDOC PENINSULA:
- "The
eyewall of “TISOY” is currently bringing violent winds and heavy intense
rainfall over Southern Quezon, Marinduque and Romblon. This eyewall is
forecast to affect Cavite, Batangas and the northern portion of Mindoro
Provinces within 3 hours."
- "The eye
is expected to make landfall or pass close to Marinduque-Simara Island-Banton
Island area before noon."
By 11:00 am, 3 December 2019, ang Severe
Weather Bulletin #18 ay ganito na:
“TYPHOON “TISOY
SLIGHTLY WEAKENS AND IS NOW HEADING BATANGAS – NORTHERN MINDORO AREA.
- TISOY”
made landfall over Marinduque at 8:30 AM today.
Mga larawang kuha at pinost sa FB nina: Marinduque ang Puso ng Pilipinas, Adelyn Angeles, Jhanamae Medallion, Rolly Larracas, atbp