Thursday, December 5, 2019

Si "Kulas" (Kyle Jennerman), Canadian vlogger sa Marinduque

Souvenir shot kasama si Kulas sa kapitolyo. Mula kaliwa: Eli Obligacion, si Kulas, at si Gerry Jamilla ng ProvTourOffice



Canadian vlogger si Kyle "Kulas" Jennermann na nitong mga huling araw ay naging lalong kilala na sa Marinduque dahil napapasyal sa mga kalye ng Boac, Gasan, sa ilog, sa simbahan, sa palengke, doon, dito at maliliit na islang nakapalibot sa Marinduque natin.

Ang kanyang Marinduque experience at mga kuwento ay nakatakdang ibahagi niya sa libo-libo niyang followers sa YouTube bilang kanyang platform. Nakailang YouTube videos na nga siya sa ilang araw pa lamang niyang pamamasyal dito. Kasama na ang mga araw na inabot siya ng rumagasang bagyong #TisoyPH.

Ang totoo, katulong na siya ngayon sa pagpromote ng turismo sa Pilipinas at itinuturing na ngayon bilang 'Ambassador of Tourism' ng Kagawaran ng Turismo. At nahalina na siya ngayon ng Marinduque.

Inako daw niya ang pangalang "Kulas" dahil hindi na niya mapigilan ang sarili sa kanyang pagmamahal sa bansang Pilipinas mulang mabisita siya noong 2013.

#BecomingFilipino ang tawag sa kanyang vlog, kasi ngani, "becoming Filipino" na raw siya matagal na. Hanapa pa, baka ngani.

Ang sumusunod na mga larawan ay nagmula sa kanyang FB Page na "Becoming Filipino". Bisitahi pa.

Sabi ni Kulas tungkol sa larawang ito: 

"It must have been a good 25 minutes of dancing, singing, and happiness! The house we were staying in was transformed into what felt like a happy fiesta! Flowers started getting thrown on us, traditional songs were being sang, and then even money started falling everywhere! Yes, everyone scrambles to pick up the coins! It is for a prosperous and lucky life! It is hard to explain how awesome this tradition is here in Marinduque!"



Sa tabing-ilog ng Boacn para makita niya ito ng close up. Napadaan sa isang bahay at nagtanong ng daan. Mga pomelo ang natanggap niyang gantimpala sa pagtatanong mula sa pamilyang ito.

Sa Boac

Nagpagawa pa yata si Kulas ng helmet na inspirado ng Moriones